Chapter 21

332 15 2
                                    

"A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Ashley sa kanilang tatlo.

"I'm here para ihatid ka sa school" sagot ni Claude.

"I'm here to give these documents to you" sagot ni Noel sabay abot ng papeles kay Ashley.

Binasa naman ni Ashley ang documents "Application Form?"

"Yes, two more months and you will graduate. T-Trading is looking forward to you" sagot ni Noel.

Schoolar ng T-Trading International si Ashley. Isang Kompanyang pagmamay-ari ng pamilya ni Noel.

"Ikaw Sir Bryan?" ibinaling naman ni Ashley ang atensyon kay Bryan.

May namuo namang pawis sa noo ni Bryan.

"Hindi ikaw ang pinunta ko dito" sagot niya.

Kumunot ang noo ni Ashley. "So ano ang ipinunta mo dito?" Tanong niya.

"May e ooffer sana akong trabaho sa papa mo" sagot ni Bryan. Sa totoo lang nagpapalusot lang siya para makapunta sa bahay ni Ashley.

"Sa akin?" Nagtatakang tanong ng papa ni Ashley.

"Opo Sir Joseph"

"Anong trabaho naman?"

"Napag-alaman ko kasi na isa kang magaling na mekaniko. Nagkulang po kasi kami sa tauhan"

"Ahy nako Sir nagkakamali ka. Tricycle driver ako, hindi ako mekaniko" nahihiyang sabi ni Joseph.

"Pero marunong po kayong magrepair ng makina hindi ba?"

"Medyo"

"Sana po tanggapin niyo ang alok ko. Kailangan po kasi talaga namin"

"May negosyo kayo Sir?" Tanong ni Ashley.

Tumango naman si Bryan. "May motorshop ang pamilya namin"

Samantala wala namang naiintindihan si Noel sa mga pinag-uusapan nila Bryan, Ashley, at Joseph. Si Claude naman tahimik lang pero gustong-gusto na niyang sumabat sa usapan.

"Tita Rowena. May offer then ako sayong trabaho" sabi ni Claude at napatingin naman ang lahat sa kanya.

Hindi siya magpapatalo. Si Ashley magtatrabaho sa companya ni Noel. Si Joseph inalok ni Bryan ng trabaho. Pwes kukunin niya rin ang mama ni Ashley.

"Ano namang trabaho hijo?" Tanong ni Rowena.

"Magbubukas po ako ng restaurant nangangailangan kami ng Chief. Nasabi po kasi sa akin ni Ashley na masarap kayo magluto"

Napabulong naman si Rowena sa anak "anu-ano bang pinagsasabi mo tungkol sa akin?"

"Totoo naman eh masarap kayo magluto" bulong naman pabalik ni Ashley sa mama nya.

"Masarap din po ang luto niyo kahapon tita" sinadya talaga ni Claude sabihin yon para marining nila Noel at Bryan na nakapunta na siya dito kahapon at dito rin siya kumain.

Useless lang din ang pagpaparinig niya kay Noel dahil hindi ito nakakaintindi ng tagalog.

Napataas naman ng kilay si Ashley. Sardinas lang yong ulam nila kahapon pero kung makapagsabing masarap si Claude ay parang isa itong mamahaling putahi sa isang mamahaling retaurant.

"Oh siya dahil pagkain na ang pinag-uusapan natin. Kumain muna tayo" yaya ni Rowena.

Sa hapagkainan. Naunang umupo si Ashley. Nagkatinginan naman sina Claude, Noel at Bryan sa isa't isa bago mabilis na maglakad papunta kay Ashley. Nag-uunahan silang maupos sa tabi nito.

Bago pa man sila makalapit sa dalaga nauna nang naupo ang mama at papa nito sa magkabilang gilid.

Napatikhim si Joseph "you set on the other side of the table" sabi niya sa tatlo.

"Sana all marunong mag english" pang-aasar ni Ashley sa papa niya.

"Di mo lang alam na magaling talaga ako mag english" pagmamalaki ni Joseph.

"Kapag lasing!" Sabat ng mama niya.

"Mahal walang laglagan" reklamo nito.

Sumunod naman ang tatlo at naupo sa kabilang bahagi ng lamesa. Katapat ni Claude si Rowena, si Noel naman at Ashley, at sina Bryan at Joseph naman ang magkatapat sa hapag.

Nag-usap sila tungkol sa mga trabahong pinag-aalok nila. Kahit kaya naman nila mag hire ng iba pinipilit talaga nila ang parents ni Ashley.

Dahil likas na negosyante sila, napapayag nila ang mga ito.


Sa labas ng squatters' area.

"Salamat Sir Bryan at Sir Claude sa alok nyong trabaho para sa parents ko"

"Ako ang dapat magpasalamat dahil tinanggap ni TITO ang alok ko" diniinan talaga ni Bryan ang pagkakabigkas sa salitang 'Tito' para inisin si Claude.

Nainis talaga si Claude na Tita at Tito na rin ang tawag ni Noel at Bryan sa parents ni Ashley.

"I think I should learn tagalog too. I don't understand you guys" pailing-iling na sabi ni Noel.

"Yeah! You should! You're the one who come to our Country. You must adjust!" Pagbibiro ni Ashley.

"Yes PO" sagot ni Noel.

"Ash sabay ka na sa akin" alok ni Bryan.

"Ako maghahatid sa kanya" pigil ni Claude.

"Pareho kami ng pupuntahan" giit ni Bryan.

"Sir kay Sir Claude na po ako sasama" sabat ni Ashley.

Na disappoint si Bryan. Ngiting tagumpay naman si Claude. At ngiting ewan naman si Noel dahil hindi niya gets ang nangyayari.

Tapos ay nagsisakayan na sila sa kani-kanilang kotse. YAMAN!

The Obsession of Three HeartsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora