Chapter 36

206 5 0
                                    

Sa wakas ay dumating na rin ang araw ng graduation.

Nasa kwarto si Ashley at inihahanda ang dapat niyang ihanda para sa graduation ceremony.

"Anak masayang-masaya ako dahil dumating na rin ang araw na ito"

"Ako rin po ma, pa sobrang saya ko po"

Tinutulangan siya ng mama at papa niya na maghanda.


Hininahaplos-haplos ni Rowena ang kulay asul na dress na isusuot ni Ashley. "Anak bagay ang dress na ito kapag nagsuot ka ng accessories na may diamond" sabi ni Rowena. "Kaya lang wala ka namang mga alahas" dagdag pa niya.

Naalala naman ni Ashley ang singsing na ibinigay sa kanya noon ng isang batang lalaki. Dali-dali niyang kinuha ang isang maliit na box na inilagay niya sa ilalim ng mga damit niya.

"Ito ma" sabi niya at inilahad ang singsing.

"Ahy oo nga meron ka nga palang singsing. Isukat mo nga kung kasya na ba yan sa daliri mo" excited na sabi ni Rowena.

Alam niya ang tungkol sa singsing na ito. Hindi pa ito nasusuot ni Ashley dahil maluwag ito sa kanya dati.

Agad naman isinuot ni Ashley ang singsing. May kaluwagan pa rin ito pero sapat na rin ang laki ng daliri niya upang hindi malaglag ang singsing kung hindi lang rin siya maglilikot masyado.



May 30 minutes pa bago magsimula ang graduation ceremony nang makarating sina Ashley sa Artist Hall ng School nila kung saan magaganap ang graduation.

"Beshyyyyyyyyyy" tumakbo papunta kay Ashley si Anna at yumakap dito.

"This is it beshy" maluha-luhang sabi ni Ashley.

"Hindi na ako makakapaghintay na maglakad sa stage"

"Ako rin beshy"


Naputol ang pagchichikahan ng dalawa ng biglang magring ang messenger ni Ashley. Nakikipag videocall si Claude.

"Hi Ash pasensiya ka na hindi ako palaging nakakapagchat sayo ang dami kong ginagawa kasi"

"Ano ka ba okay lang. Kumusta ka?" nag-aalalang tanong ni Ashley dahil napansin niyang matamlay si Claude.

"Heto hindi okay dahil namimiss ka" sagot ni Claude na nagpakilig naman kay Ashley.

"Nakuha pang magbiro" reklamo kunwari ni Ashley.

"Marami lang talaga akong ginagawa na pilit kong tinatapos para mabalikan na kita ulit diyan"

"Wag kang magpagod masyado baka kung ano pang mangyari sayo at hindi ka na makabalik dito"

"Ang sarap naman ng may nag-aalala sayo. So ano tayo na ba?" hirit ni Claude.

"Nek nek mo! Anong tayo? Hindi mo pa nga ako nililigawan" reklamo ni Ashley.

"Biro lang! Hintayin mo lang ako. Hihingin kita kay Tita at Tito" sabi ni Claude at hindi mawala-wala sa mukha niya ang ngiti kahit pa inaantok na ang hitsura nito dahil gabi na sa US.

"Basta mag-ingat ka diyan at wag ka masyadong magmadali dahil makakapaghintay naman ako" pagbibigay kasiguraduhan ni Ashley kay Claude.

"Aasahan ko yan ha. Baka akala mo hindi ko aakita yong video na hinarana ka ni Noel" pagtatampo ni Claude. "Tapos isinayaw ka rin ni Bryan"

Buti nalang at naka make up ngayon si Ashley dahil kung hindi mahahalata talaga ni Claude na namumula siya.

"Harana agad? Di ba pwedeng show show lang yon?"

The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now