Chapter 42

197 4 0
                                    

Hindi mapakali si Bryan habang nag-aabang sa labas ng emergency room ng isang hospital. Pilit na sinasablba ngayon si Chleo.

Hindi na rin maawat sa kakaiyak si Ashley dahil natatakot siya para sa kalagayan ni Chleo.

Ilang sandali lang ay dumating sa hospital ang parents ni Ashley, si Anna, si Angel at si Margarette.


"Anak!" agad niyakap si Ashley ng parents niya at ni Anna. Masayang-masaya sila dahil ligtas si Ashley.

"Ayos lang ako pero si Chleo" sinisinok na si Ashley sa kakaiyak "Si Chleo nabaril siya"

"Kuya anong nangayari?" nag-aalalang tanong ni Angel.

"Iniharang kasi ni Chleo ang sarili niya kaya siya ang natamaan ng bala" malungkot na sagot ni Noel.

"Sigurado ka? Ginawa yon ni Chleo?" hindi makapaniwalang tanong ni Anna. Tumango naman si Noel.

"Ginawa niya yon para kay Sir Bryan" sagot ni Ashley.


Samantala kanina pa pabalik-balik sa paglalakad-lakad si Bryan. Lumapit sa kanya si Reymond.

"Hijo huminahon ka" sabi ni Reymond.

"Sir ako dapat ang tatamaan ng bala. Bakit niya iniharang ang sarili niya? Hindi ko matatanggap na mamatay si Chleo" hindi na napigilan ni Bryan ang pagtulo ng luha niya "Kasalanan ko 'to"

"Wala kang kasalanan hijo. Kusang loob na ginawa yon ng anak ko. Kung may sisisihin man dito ay ako yon dahil hindi ko rin siya nagawang pigilan" napayuko na si Reymond at lumapit sa kanya si Margarette saka niyakap siya.

"Bakit niya ginawa to?" nakakuyom ngayon ang kamao ni Bryan.

"Dahil mahal ka niya hijo" sagot ni Reymond.

"A-ano?" hindi makapaniwala si Bryan sa narinig niya.


Ilang sandali pa ay lumabas na ang doctor at sinabing comatose si Chleo.


Sa loob ng kwarto kung nasaan nakaratay ang walang malay na si Chleo ay nanatili sa tabi niya si Bryan.

Pumasok si Ashley at dahan-dahang naglakad palapit kay Bryan. Hinawakan niya ang balikat nito.

"Sir Bryan" sambit niya rito.

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyayaring masama sa kanya" sabi ni Bryan habang nakatingin sa mukha ni Chleo.

"Sir mahal na mahal ka niya" tumulo ulit ang luha ni Ashley.

"Pero ikaw ang mahal ko Ash" sagot ni Bryan. Gusto niyang suklian ang pag-ibig ni Chleo para sa kanya pero hindi niya magawa dahil mahal niya si Ashley.



Sa kabilang banda naman.

"Paano natin malalaman ngayon kung sino ang may pakana ng lahat ng ito? Hindi kayo nag-iwan ng kahit isang buhay sa mga rebelde" galit na sabi ng isang officer.

"Sorry po. Ako po ang nakapatay sa huling rebelde. Hindi ko napigilan ang galit ko Sir" paumanhin ni Reymond.

Napabuntong hininga nalang ang officer. Hindi niya rin masisisi si Reymond, anak niya ang nasaktan. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito dahil isa rin siyang ama.

"Boss hindi ba't terror attack ang nangyari?" tanong ng isang police.

"Oo ngunit kailangan natin malaman ang mga pinaplano nila" sagot nong officer.

The Obsession of Three HeartsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora