Chapter 35

209 5 0
                                    

"Chleo bakit mo ko sinampal?" tanong ni Ashley habang nakahawak sa pisngi niya.

"Ang kapal rin ng mukha mong paasahin si Sir Bryan. Wala ka naman palang gusto sa kanya!" galit na sabi ni Chleo. Narinig kasi niya ang pag-uusap nila Ashley, Anna, at Angel sa canteen kanina. Mabuti nalang at walang katao-tao sa hallway.

"Chleo hindi sa ganon. Naghahanap lang ako ng tamang tyempo para sabihin sa kanya"

"Shut up! Kahit anong oras mo pa sabihin yan masasaktan siya! Sana kung lumayo ka nalang gaya ng sinabi ko sayo dati, hindi na sana aabot pa sa ganito!"

Agad naman umalis si Chleo dahil namumuo ulit ang luha niya. Ayaw niyang umiyak sa harap ng kahit sino man.

Para namang sinampal ng pagsisisi si Ashley sa sinabi ni Chleo. Kung umiwas na siya sa simula pa lang, hindi na aabot sa ganito. Hindi niya kasi naisip noon na iibig siya sa iba. Ang akala niya kasi kay Bryan siya mahuhulog pero hindi pala.



Lumipas ang mga araw at dumating na ang gabi ng Graduation Ball nila Ashley. Nakatayo siya sa harap ng salamin na nandito sa loob ng isang salon kung saan sila nagpa make-up ni Anna.

"Beshyyyyyy napaka stunning mo sa itim na gown na yan" papuri ni Anna.

Napapangiti naman si Ashley habang tinitingnan ang sarili niya sa salamin. Nakasuot siya ngayon ng isang itim na long gown. Off-shoulder ang estilo nito at mermaid tale ang ibaba. Kumikinang-kinang rin ito kapag natamaan ng ilaw bagay na nakakapagpa-agaw pansin sa sino mang magsuot nito. Maganda rin ang pagkakapusod ng buhok ni Ashley at may ilang hibla ng buhok ang iniwan na sumasabay sa bawat galaw niya.

"Ehem! May magandang taste rin pala sa fasion ang lalaking mahal mo" panunukso ni Anna.

"Maganda lang talaga ako kaya bumabagay sa akin kahit anong isuot ko" pagmamalaki ni Ashley para maitago ang kilig sa sinabi ni Anna.

"Oo na po Miss Ganda! Buti nalang nakaayos ang buhok mong napakahaba-haba para hindi ko maapakan" pang-aasar ni Anna kay Ashley.



Nakasakay na sa loob ng taxi si Ashley kasama ang mama at papa niya. Hindi naman maiwasan ni Rowena na maiyak dahil sa saya niya na sa wakas ang makakapagtapos na rin ang kanyang anak.

"Ma, wag muna kayo umiyak Grad Ball pa lang 'to" sabi ni Ashley sabay yakap sa mama niya. Nakaupo siya sa gitna ng parents niya.

"Alam ko pero hindi ko lang mapigilan"

"Mama talaga napakaiyakin, mabuti pa si pa-" napatigil si Ashley nang makitang umiiyak na rin si Joseph.

"Wag kayo umiyak kasi naiiyak rin ako" at naiyak na talaga siya.



Buti nalang at nakontrol nila ang kanilang emosyon bago sila nakarating sa venue.

Panay naman ang yakapan at batian ng mga estudyante at parents na nandoon sa venue. Nababalot ng kasiyahan ang buong paligid. Hindi rin maawat sa kakapicture si Anna. Wala ring magawa si Ashley dahil kahit anong tanggi niya magpa-picture ay hindi talaga siya tinatantanan ni Anna.

Nahagip naman ng mga mata ni Ashley si Bryan na nakatayo sa garden ng resort kung saan nagaganap ang gradball. Tila balisang-balisa ito. Sa di kalayuan Nakita niya rin si Chleo na nag-aalalang nakatanaw kay Bryan.

Hindi naman mapigilan ni Ashley ang sarilli na alamin kung ano ang problema ni Bryan kaya nilapitan niya ito.

"Hi Sir" bati niya. Nagulat naman si Bryan dahil hindi niya inaasahan ang paglapit ni Ashley.

The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now