Chapter 40

197 3 0
                                    

Nagmamadaling pumunta si Noel sa Police Station. May natanggap siyang mensahe na nagsasabing may lead na ang mga police kung saan dinala sina Ashley at Chleo.


Pagdating niya sa police station ay nandoon na si Bryan at ang daddy ni Chleo na si Reymond.

"Anong balita?" tanong ni Noel.

"Kumpermadong mga rebelde nga ang kumuha kina Chleo at Ashle!" sagot ni Bryan at napahawak sa noo niya.

"Ano namang motibo ng mga rebelde sa pagkuha kay Ashley at Chleo?" nakakunot noong tanong ni Noel.

"Marahil si Chleo lang ang pakay nila. Nadamay lang si Ashley"

"Bakit naman nila kukunin si Chleo?"

Imbis na sumagot ay lumingon si Bryan kay Reymond na tahimik na nakaupo sa isang bench. Tumingin ito sa kanila.

"Ang lolo ni Chleo ay dating Sergeant Major ng Armed Forces of the Philippines" napahinga siya ng malalim "Pero dati na yon" dagdag pa niya at sumandal sa kinauupuan.

Nagsalita naman ang isang pulis "Maaari ring nagkataon lang na sila ang nadukot"


Walang makakapagbigay sa tunay na pakay ng mga rebelde kung bakit nila dinakip ang dalawa.


May isang pulis naman ang nagmamadaling lumapit sa kanila.

"May natanggap kaming lead na pupuntang Malaysia ang grupo ng mga rebelde" sabi ng pulis.

"Ano saan sila dadaan?" tanong ni Reymond.


Pumunta naman sa computer nag pulis. Sumunod naman ang lahat sa kanya at gumawa sila ng plano kung papaano mapipigilan ang pinaplanong pag-alis nito.


Madilim na ngunit naglalakad sa masukal na gubat ang mga rebelde kasama sina Chleo at Ashley.

"Kuya pakawalan niyo na kami please" pagmamakaawa ni Ashley.

"Tumahimik ka!" suway ng isang rebelde.

"Hoy kuya hindi niyo ba nababasa ang RA 11479 o kilala sa The Anti-Terrorism Act of 2020. Nako! Sinasabi ko sa inyo na habang buhay kayo makukulong at walang chance na mabigyan kayo ng parole!" pananakot ni Ashley.

"Mas pipiliin naming magpakamatay nalang kesa makulong. At kapag hindi ka tumahimik isasama ka namin sa impyerno!" sagot ng lalaki kaya natahimik si Ashley.

"Daldal ka kasi ng daldal" bulong ni Chleo.

"Saan ba kasi nila tayo dadalhin?" reklamo ni Ashley.

"Ewan ko. Takas tayo?"

"Paano tayo tatakas ang dami nila"

Napalunok nalang sila ng laway. Akala nila apat na lalaki lang dumukot sa kanila peron ngayon napagtanto nila na marami pala itong mga kasama. Ang ikinatatakot pa nila ay may mga armas silang lahat. Impossible talagang makatakas sila.


Ilang sandali pa ay naramdaman nila ang mas malamig na simoy ng hangin at narinig nila ang hapsan ng mga alon. Nasa isang dalampasigan na pala sila.

May nakita silang tatlong yacht sa dagat.


"S-saan tayo pupunta?" tanong ni Chleo. Walang sumagot sa kanya.

May tumawag naman sa boss ng mga rebelde na si Hermana Aldo Guzman. Naglakad siya palayo kaya para hindi marinig ng iba nag usapan nila ng tumawag.

The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now