Chapter 12

384 13 0
                                    

Oras na para sa klase ni Sir Bryan. Pero nag utos siya ng isang studyante na sabihin sa amin na hindi siya makakapasok at pinapauwi na niya kami ng maaga.

Nasa labas na kami ng gate ni Anna ng may isang estudyante na naman ang lumapit sa amin.

"Miss Anna may pinakuhang papel sayo si Mr. Terrofi"

"Ako talaga ang uutusan niya?" Nagtatakang tanong ni Anna. Tumango namang ang estudyanteng babae.

"Besh dito ka lang ha. Ewan ko kung ba't ako ang nautusan. Dapat ang pinakamatalino ang inuutusan niya" reklamo niya bago umalis.

Naiwan naman ako sa tapat ng gate. Wala pang masyadong mga estudyante dahil maaga pa naman.

Nagulat ng may taong umakbay sa akin. Nakasumbrero siya at naka shades. Mapupumiglas na sana ako pero nagsalita siya.

"Wag kang matakot ako to"

"Sir Bryan?"

"Halika sumama ka"

Dinala niya ako sa naka park na taxi. Pagkapasok namin sa taxi ay tinanggal na niya ang sumbrero at shades niya.

"Hindi ba may inutos ka kay Anna?" Tanong ko sa kanya.

"Nag-isip talaga ako kung paano siya ilalayo sayo para makausap kita. Lagi mo namang kasama ang bestfriend mo" reklamo niya.

Naramdaman ko namang umandar ang taxi.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa lugar na makakagaan sa kalooban mo" ngiti niya.

Tinext ko naman si Anna na nauna na akong umalis dahil may pupuntahan ako.

Wala pang isang oras na ay nakarating kami sa isang beach.

"Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko habang nakaupo kami sa may buhanginan.

"Nakita kong umiyak ka kaninang umaga. Gusto ko lang pagaanin ang loob mo" sagot niya pero hindi siya tumingin sa akin.

"Salamat" sabi ko sa kanya.

"Handa kong gawin lahat para sayo. Kung hindi lang bawal na magkaroon ng relasyon ang professor at estudyante ay niligawan na kita" sabi niya.

"Hindi pa ba panliligaw ang ginagawa mong pagbibigay ng pagkain sa akin?"

"Panliligaw na rin iyon. Pero Ash gusto ko talagang pormal na humingi ng permisso sa mga magulang mo na liligawan kita"

Omg! Kinikilig ako! Hindi ko naisip dati na may isang lalaking handang humarap sa parents ko para lang ligawan ako.

"Bakit po sa dinamiraming babae sa school ako pa?"

"Maganda ka, matalino, madiskarte, at mabait ka. Sinong bang hindi magkakagusto sayo?" Sagot niya agad.

"Hindi mo pa naman talaga ako nakikilala"

"Kahit sino at ano ka pa. Wala kanang magagawa dahil nahulog na ang puso ko sayo"

"Pwede mo namang pigilan yan"

"Pinipigilan ko na nga ang sarili kong lumapit sayo sa school dahil mai-issue tayong dalawa. Pero kung ang ibig mong sabihin ay pigilan ko ang puso kong ibigan ka, impossible ata yon"

"Hindi talaga ako makapaniwala"

"Kaya kong patunayan ang mga sinasabi ko sayo"

"Sa tamang panahon"

"Hindi aalis si Mr. Waiting Shed. Maghihintay lang siya sa bus na byaheng Forever"

Hindi ko na napigilan at natawa na ako sa kakornehan niya. Pati siya ay natawa na rin.

Nang mag alas singko na ay inihatid na niya ako pauwi. Hindi na rin siya bumaba ng taxi dahil baka may makakita pa sa kanya na taga school rin.


Lumipas ang siyam na araw ay maayos namang nailibing si Aling Trinidad.

Naging maayos ang lahat. Unti-unti ko ma ring nasisimulan ang project ko. Ako lang kasi ang individual na mag poproject at ang iba kong mga kaklase ay by group.

Yun pala ang inutos ni Sir Bryan kay Anna. Si Anna ang pinagawa niya ang groupings. Kailangan ihiwalay ang matatalino na siyang magiging leader sa projects. Pero hindi ako kasama dahil mananatili akong individual lang.

Sabi ni Sir sobrang talino ko raw at kaya kong mag-isang gagawin ang project. Well, kering-keri naman talaga.

Naging friends naman kami ni Zackary ay esti Claude pala. Hindi pa rin niya shinishare kong bakit ayaw niya sa name niya pero hindi ko na rin siya pinipilit.

Natanggap ko na rin ang 2,500 US Dollars na sweldo at may 1,000 US Dollars pa itong bonus. Pero hindi ko pa ito sinasabi kay mama at papa.

Patuloy rin ang pagbibigay ng kung anu-ano ni Sir Bryan sa akin bilang si Mr. Waiting Shed. Hindi ko rin maitatangging unti-unti na rin akong nagkakagusto sa kanya.

The Obsession of Three HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon