Chapter 32

236 7 0
                                    

Bagay na bagay kay Ashley ang suot nitong kulay red na long gown. Backless at may slit sa heta.

Kasunod namang lumabas sina Anna at Jerald. Bumagay rin kay Anna ang suot nitong itim na long gown at bumagay rin kay Jerald ang napili niyang tuxedo.

Kumapit naman ulit si Ashley sa braso ni Jerald kaya nagmistula silang mga hollywod actor and actress na rarampa sa red carpet.

"Sure ka ba kuya na hindi mo uupakan ang lalaking nasa tabi ni Ashley?"

"Tumahimik ka nga baka hindi na ako makapagpigil rito"

"Tingnan mo nga si Claude tameme rin oh" itinuro naman ni Angel si Claude na nakatulalang nakatingin kay Ashley.

"Hindi ka nagseselos?" tanong ni Noel sa kapatid.

Napahawak naman si Angel sa puso niya at nagtatakang bakit hindi na ito kumikirot. Tila hindi na siya nagseselos.

"Beshy ang ganda mo. Rampa ka nga" sabi ni Anna.

"Rampa lang pala eh" rumampa naman si Ashley, bagay na ikinamangha ng lahat ng tao na nasa loob ng boutique. Maging ang ilang mga taong naglalakad sa labas ay napapatigil upang panuorin siya.

Bigla namang natapilok si Ashley Mabuti na lamang ay nasalo siya ni Jerald.

Mula sa kinatatayuan ni Claude, Angel at Noel ay parang hinahalikan ni Jerald si Ashley. Sa walang pagdadalawang isip ay lumapit na si Claude kina Jerald at Ashley at hinila si Ashley.

Nagulat naman si Ashley sa ginawa ni Claude. Galit ang mukha nito.

Hinubad ni Claude ang suot niyang black suit at ipinatong ito sa balikat si Ashley upang matakpan ang likod nito.

Hindi nakapagsalita ang mga tao dahil ramdam nila ang galit na awra ni Claude.

Matapos ay hinila ulit ni Claude si Ashley. Nang madaanan nila ang cashier ay inabot niya ang isang calling card.

"Tawagan mo ang secretary ko siya ang magbabayad ng damit ni suot ng GIRLFRIEND KO!" tiningnan naman niya si Noel at Jerald habang binibigkas niya ang salitang 'GIRLFRIEND.'

Matapos niya sabihin yon ay hinila niya palabas si Ashley pero nang mapansin niyang nahihirapan itong maglakad dahil sa suot nitong heels ay kinarga niya ito na ala bridal carry.

"Sir Claude ibaba mo ko nakakahiya" reklamo ni Ashley. Pero hindi siya pinakinggan ni Claude. May kalayuan pa ang kotse ni Claude kaya maraming nakakitang mga tao sa tagpong iyon.

Napapikit nalang si Ashley dahil hiyang-hiya talaga siya.

Maingat namang ipinasok ni Claude si Ashley sa kotse niya.

"Ano bang ginagawa mo?" naiinis na tanong ni Ashley nang makapasok na rin sa kotse si Claude.

"Ikaw anong ginagawa mo?" inis naman na tanong ni Claude.

"Namimili ng gown para sa Grad Ball!"

"Anong klaseng gown yan ha? Kitang-kita ang kaluluwa mo?" napahilamos naman ng mukha si Claude. Nagiging magaling na rin siya sa pagtatagalog, hindi na siya masyadong slang pakinggan.

"Grabi naman ng mata mo nakakakita ng kaluluwa. Yong totoo may third eye ka ba?" pilosopong tanong ni Ashley. Magaling talaga siya mang-ubos ng pasensya ng tao.

Si Claude naman ay hindi sanay na may isang taong nagagawang sagut-sagotin siya.

"Enough Ashley. Naiinis na ako sayo!"

"Naiinis rin ako sayo Zackary Jareth Schneider!"

"Inuubos mo talaga ang pasensiya ko"

"Pwes ubos na rin ang pasensiya ko sayo! Ano bang ikinagagalit mo ha? Pinaglihi ka ba sa Galit?"

"Sinong hindi maiinis? Gumagala ka ng dis oras ng gabi, yumayakap ka sa ibang lalaki, humahawak ka sa braso niya, at higit sa lahat hinalikan ka niya!"

"Anong hinalikan? Kahit pa gapangin ko yon sa kama hindi ako papatulan ni Jerald! Ano naman kung humawak ako sa braso niya? Ano naman kung yakapin ko siya? Friends kami eh!"

"Friends naman rin tayo but never ka pang humawak sa braso ko at never mo rin akong niyakap!"

"May friends bang hindi nag shashare lang lovelife niya?"

"Anong lovelife?"

"Ewan ko! Paano ko malalaman hindi ka nga nagsasabi diba! At bakit mo ko tinawag na girlfriend kanina ha?"

"Bakit ka galit? Noong si Noel nga tinawag mong boyfriend ni hindi mo pa kilala. Tapos sa akin magagalit kang tinawag kitang girlfriend?"

Hindi na nakasagot si Ashley. Huminga siya ng malalim at nag-isip kong ano pang masasabi niya sa pagtatalong ito.

"Bakit ang higpit mo sa akin? Doon ka nga kay Angel!"

"Ano? Paano nasali si Angel dito?"

"Girlfriend mo si Angel di ba? Nakita kong niyakap mo siya"

Napahagod naman sa baba si Claude. Hindi niya naisip na nakita pala ni Ashley yon at mamimisunderstood niya iyon.

"Bakit ka galit?"

"Kasi hindi ka nag sheshare kaya naiinis ako"

"Wala naman akong e shishare dahil wala namang kami"

Napatigil naman si Ashley. "Weee?" kunwari ayaw niya maniwala but deep inside nagtatalon na sa tuwa ang puso niya.

"Hindi nga"

"Okay!" sabi niya tapos tumingin sa labas. Umiiwas na siya ngayon sa tingin ni Claude. Naglaho bigla ang tapang niya kanina.

"Okay lang? Yon lang sasabihin mo?"

"Oo bakit ano pa ba?" sabi niya ng hindi parin tumitingin kay Claude.

"Hindi ka magsosorry?"

Napapikit ulit siya sa inis. "Bakit naman ako magsosorry?"

"Dahil pinag-isipan mo ako ng mali" confident na sagot ni Claude na mas lalong nagpainis kay Ashley kaya hindi na niya napigilang lingonin ito.

Pero hindi niya inaasahang sa paglingon niya ay sasalubungin ng mga labi ni Claude ang mga labi niya.

Tila tumigil ang ikot ng mundo at tumahimik ang paligid. Tanging kabog lang ng puso niya ang kanyang naririnig.

The Obsession of Three HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon