Chapter 3

523 17 3
                                    

Sa isang silid na may temang itim at puti, naroon ang isang matangkad na lalaki. Alas syete pa lang ng umaga ay nasa opisina na siya upang taposin ang ilan sa mga business plan na para sa susunod na limang taon.

Habang seryso siyang nag titipa sa kanyang computer ay biglang may nag chat sa kanya.

Napatingin siya sa notification ng kanyang celphone. Hindi niya kilala ang sender na may pangalang 'Baby Ash.'

Napakunot noo siya nang mabasa ang message nito.

"Hi Mr. Zackary, I'm Ashley. Can we be friends?"

Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Zackary. Hindi niya pinansin ito at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.


Makalipas ang sampung minuto ay nag chat ulit ito.

"Hey! 🙂 I am looking forward of being your friend"

That time nag seen siya. Pero hindi pa rin siya mag reply. Pinindot niya ang pangalan nang nag chat upang tingnan ang profile nito.


Nalaman niyang taga Pilinas ang babae kaya napa-iling-iling na lamang siya. Alam na niya kung sino ang nasa likod nito.

Agad niyang tinawagan ang kanyang ina na agad rin namang nakasagot sa tawag niya.

"Hello my son" magiliw na bati ng kanyang ina na si Miranda.

"Mom there is a Filipina disturbing me right now. Do you paid her?"

"Yes my son. I hired her as your official chatmate"

"Mom please stop it. It's so annoying!" Napahimas siya sa kanyang noo dahil alam niyang hindi niya mapipigilan ang ina sa mga pinaggagawa nito.

"Please Za- " napatigil si Miranda.

"Please Claude" patuloy niya. Alam niyang ayaw ng anak na tawagin ito sa kanyang tunay na pangalan. "I won't force you to marry any daughter of my friends. But please let me find someone who can be your friend. It's just chatting, she can't annoy you personally" sabi niya sa anak gamit ang malungkot na boses.


Napabuntong hininga nalang si Zack/Claude dahil dinadramahan na naman siya ng kanyang ina.

"Okay fine!" Sagot na lang niya at narining niya ang kasiyahan ng ina sa kabilang linya.


Muli namang nag chat si Ashley. This time nainis na talaga si Claude dahil tinawag muli siya nitong Zackery.

"Zackary notice me! :)"

Hindi na siya nakapagpigil at nireplayan ito.

"Okay Miss Ashley, I don't need friends! I know you are only doing this for money. So backed off and don't disturb me!"

"Hahaha! Suplado ka pala!"

Muli siyang napakunot noo nang hindi niya maintindihan ang mga pinagsasabi nito.

"What did you say?" Tanong niya.

"Millionaire ka di ba? Edi mag hire ka ng intrepreter mo!"

"Are you spouting bad words against me?"

"Hulaan mooooooo ^_<"

"If I will find out that you are saying bad against me you will regret this!" Banta niya kay Ashley.


Nararamdaman niyang hindi maganda ang mga pinagsasabi nito dahil may tawa at wink emoji pa itong ginamit.


Sinubukan niya mag google translate. At mas lalong nag init ang ulo niya dahil sa mga translations nito.

Suplado ka pala - You're Stuck

Millionaire ka di ba? Edi mag hire ka ng intrepreter mo - Are you a billionaire? You can hire your interpreter

Hulaan mooooooo - Guess mooooooo


"You really speak bad on me" chat niya kay Ashley pero hindi ito nagreply kaya mas nainis pa siya.

"Reply asap"

"You will regret this"

"Are you now regretting what you've done and trying to escape by not replying?"

"Hey reply to me"

Tinadtad pa niya ito ng mga death threats pero hindi na ito nag reply.



Mag aalas dose na ng tanghali. May biglang pumasok sa kanyang opisina.

Isang babaeng amerikana rin tulad niya. Maganda ito at maamo ang ang mukha. Pero hindi niya ito gustong makita. At wala rin siyang taong gustong makausap maliban na lamang kung tungkol sa negosyo ang pag-uusapan nila.

"What are you doing here Angel?" Malamig na tanong niya rito.

"I just want to see you Claude" saad nito at umupo sa upuang nasa tapat ng lamesa ni Claude.

Napansin ni Angel na busy si Claude sa cellphone nito. Kilala niya si Claude at hindi ito madalas ginagamit ang personal phone. Inisip nalang niya na baka ang ina nito ang ka chat ng binata.


Tinawag naman si Claude ng kanyang sekretarya dahil may isang investor na nais siyang makausap saglit. Dali-dali siyang lumabas ng opisina sapagkat matagal na rin niyang gustong makuha ang loob ng investor na iyon.


Sa kanyang pagmamadali ay naiwan niya ang kanyang celphone sa lamesa na nakabukas.


Nang makalabas na ng opisina si Claude ay agad kinuha ni Angel ang Celphone nito.


Hindi niya mapigilan ang paninikip ng kanyang dibdib ng mabasang "Baby Ash" ang pangalan ng ka chat ng lalaking minahal niya sa loob ng sampung taon.


Nabasa niya ang mga huling mensahe ni Claude para rito na pinipilit itong mag reply. Kahit kailan ay hindi namilit ng tao si Claude lalo na sa atensyon ng isang babae. Kilalang suplado si Claude at hindi palakaibigan. Kung kaya hindi niya maiwasang mainggit sa Baby Ash na ka chat nito ngayon.

Dahan-dahan siyang nag scroll-up nang biglang hablutin ni Claude ang celphone.


"Who told you to touch my stuff? Haven't you know what's privacy means?" Malamig na tanong pa rin nito.


Kinakabahan si Angel pero nagawa pa rin niyang magtanong kay Claude imbis na magpaliwanag kung bakit niya pinakialaman ang gamit nito.

"Who's that girl?" Nanginginig ang boses niya.

"None of your business"

"Is she someone special?"

Tinitigan lang siya ni Claude saka sinabing.

"Hulaan mo"

Pagkatapos ay lumabas siya sa opisina. Hindi niya rin mapigilan ang bahagyang pagngiti ng kanyang mga labi.

Naiwan namang tulala si Angel dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ni Claude.

The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now