Kabanata 19

14.3K 544 33
                                    

Kabanata 19

The most awaited day has come. Today is the day of my bestfriend's wedding. After the long preparation, talagang matutuloy ang kasal. Mommy Nathalie arrived yesterday. Sinalubong namin siya ni Ella. Ella on the other hand, wala pa ring pinagbago. Maingay pa rin. Hindi halos maubusan ng kwento.

"It suits you." Napaangat ang tingin ko sa salamin at namataan ang naglalakad na Jared palapit sa akin.

He encircled his arms around my waist, pulling me close to his body. Napahawak naman ako sa brasong nakapulupot sa aking bewang.

"Nasaan sila Adam?" tanong ko.

"Hmm..." Binaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg na nagpakiliti sa akin. "Adam is already on his way to the church." He started planting small kisses on my neck.

Simpleng puting gown lamang ang suot ko. Humapit ito sa katawan ko. Simple yet elegant. I love my gown.

"Stop it." Inilayo ko ang ulo ni Jared sa aking leeg na ikinaungot niya. "We're getting late. Baka pagdating natin doon, nagsimula na ang seremonya."

I heard him 'tsked' as I walked out of the room. Naging clingy sa akin si Jared after it happened. He never missed an hour telling me how much he missed and love me. While me, I never had the chance to tell him how much I love him.

What I said to Axel last time, was just a bit of truth. I'm hiding because I'm protecting something. Or should I say someone.

Right after I recovered from the large explosion seven years ago. Jennie suddenly showed up. I don't know. Parang nagpapakita lamang siya para balaan ako.

A slow clap filled inside the room where I'm in. Napatingin ako sa pinanggalingan nito at nakita ko si Jennie sa hamba ng pinto habang mahinang pumapalakpak.

"Hindi ka nga madaling patayin." Ngumisi ito at naglakad palapit sa pwesto ko.

I can move my limbs already. Mabilis na rin ang mga reflexes ko. I should feel danger as I look at Jennie's sharp eyes. But my instinct is telling me different.

Hindi ako gumalaw sa aking pwesto at pinanood siyang umupo sa silyang malapit sa aking kama. Adam is out because of some important matters, while mom is out of town. Probably, visiting my brother.

"Paano mo ako natunton?" kunot-noong tanong ko.

Nagkibit-balikat ito at humilig sa kanyang kinauupuan. "I'm like BDO. I find ways."

"Bakit mo ako hinanap?" malumanay na sambit ko.

"Ano to?" She raised her eyebrow, "Question and answer portion?"

Huminga ako ng malalim at pinanatiling tikom ang aking bibig. I still don't have enough energy to argue with her.

Silenced filled the room all of a sudden. Walang ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Pinapakiramdaman lamang namin ang isa't-isa. Ano bang sadya ng babaeng ito.

"Urgh!" She rolled her eyes, umayos naman ito ng upo. "I hate this silence."

"What do you want?"

Mariin ako nitong tiningnan. "What are you planning to do after you got discharge?"

"Babalik ako sa Pilipinas. I'll surprise them."

"Then you'll be a dead meat." She laugh nonchalantly. "I'm warning you again this time, Natasha. Sana naman sa pagkakataong ito, makinig ka."

Kumunot ang noo ko sa narinig. "Warning?"

"Warning. Babala. Naospital ka lang naging bobo ka na." Umirap ito sa akin at pinaglandas ang braso sa kanyang dibdib. "I'm giving you warning. So better listen if you wanna stay alive."

Forgetting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon