Kabanata 7

12.7K 426 52
                                    

I went back to school. I didn't go too far for the past two days. I just stayed at the palace and poured my time with my parents.

And now, nakasalubong ko si Eurich. Akmang yayakapin niya ako pero umiwas ako agad.

"Grabe naman, Blythe, na-miss kaya kita. Kamusta ka? at tsaka saan kaba nag punta? umuwi ka ba sa inyo?" bungad n'yang tanong.

She was so good at acting. It's just like a normal student looking at it.

Hinigit ko ang ID niya kaya mas napalapit s'ya sa'kin.

'Eurich Lyn Wright' pala ang ginagamit niyang pangalan. Ganoon pa din, hindi s'ya nag bago ng pangalan. Suspicious.

"Ano bang problema mo, Blythe? Bakit bigla mo nalang hinihigit ang ID ko?" nagtataka na s'ya kaya ibinaba ko na ang ID n'ya.

"Nothing." seryoso kong sagot at namulsa tsaka ako nag lakad at nilagpasan lamang s'ya.

"Huy? Blythe?" tawag n'ya mula sa likod ko pero hindi ko s'ya pinansin.

Bumalik na ako sa kwarto ko at nahiga saglit sa kama ko.

Nakakainis, bakit kailangan n'yang mag panggap? nai-stress tuloy ako kaiisip sa babaeng 'yon. Medyo naging malapit rin naman ako sa kan'ya pero bakit hindi ko napansin 'yon?

Hays! ano bang pakaelam ko sa kan'ya? Bahala s'ya sa buhay n'ya. Mag panggap s'ya hanggat gusto n'ya. Hindi ko naman s'ya kailangan isipin pero ginagawa ko pa din.

Umupo na lamang ako. Nabaling naman ang tingin ko sa naka patong sa lamesa ko.

Kinuha ko 'yun at tinignan. Invitation 'ata.

Mag kakaroon daw ng party dito? for what?

Ah, mag cecelebrate dahil sa pagka panalo ng school namin.

Tomorrow it will be held. But since I don't wear gowns in front of a lot of people, I don't know if I can afford to.

'Wag na kaya ako pumunta?

"Blythe?" tawag ni Eurich sa'kin mula sa labas kaya naibaba ko ang invitation.

Binuksan ko ang pinto at bumungad naman ang napaka saya niyang mukha.

"My god, Blythe! may party tayo bukas and nakaka excite!" masaya n'yang pagkakasabi pero ako tinignan ko lamang s'ya nang walang kagana-gana kaya medyo natigil s'ya.

"Init naman ng ulo mo. By the way, hanap ka na ng partner para may partner ka sa pag sayaw. Para ka kaseng tomboy, eh." saad n'ya. In-snob ko s'ya dahil sa sinabi n'ya. Ganito lang ako manamit pero 'di ako tomboy!

"Eurich? Saan kaba lumaki? bakit napaka ingay ng bunganga mo?" iritado kong tanong.

"Ih, pasensya kana, alam mo namang ikaw lang ang kaibigan ko dito." sagot agad niya at ngumiti na parang bata.

"We're not friends." I said.

"Gaga! Sa ngayon hindi pa! Malay mo next week, next month, friends na tayo." ngiting sabi nanaman n'ya.

Wala bang kaya sumira sa mood n'ya? Napaka masiyahin n'ya masyado.

But since good mood s'ya, medyo may naisip nanaman ako. Tinignan ko s'ya at medyo nag taka nanaman s'ya.

"Eurich? May alam kaba sa queen of death?" biglaan kong tanong na parang ikinagulat n'ya. Bigla din siyang namutla at parang umurong ang dila n'ya.

She seems to know a lot, so maybe I can get her some information.

"Eurich? I'm asking you!" pang gigising ko sa diwa n'ya.

"Q-Queen of death? hi-hindi ba't sabi ko sa'yo w-wala akong alam sa kanila?" uutal-utal niyang sagot kaya napa irap ako.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now