43

10.7K 303 38
                                    

CHAPTER 43

3:04 AM

Agad akong napabangon dahil sa masamang panaginip. Pinapawisan ako at medyo kinabahan.

Para akong binangungot. Napaupo na lamang ako at huminga nang malalim.

Anong oras naba?

Kinuha ko nalang ang phone ko at tinignan ang oras. 3:04 palang pala. Napaka aga pa pero gising na gising na ang diwa ko.

Bumangon na muna ako at nag lakad para sana pumunta sa kusina at uminom ng tubig.

Habang nag lalakad papunta sa kusina ay nadaanan ko ang kuwarto ni Lexus na nakabukas kaya nag taka ako. Nakabukas yata ang pintuan n'ya?

Napatigil ako at tinignan s'ya mula dito. Naka aircon s'ya pero nakabukas ang pintuan n'ya.

Pero kumunot ang noo ko nang may mapansin. Balot na balot s'ya ng kumot at para s'yang nanginginig sa lamig habang ito'y tulog.

Pumasok na lamang ako sa kuwarto n'ya at dahan-dahan nag lakad palapit dito.

Teka, may sakit ba s'ya?

Hinawakan ko ang leeg at noo niya at medyo nagulat ako nang maramdamang napaka init nito. Okay lang ba s'ya? Nilalagnat s'ya.

Pinatay ko muna ang aircon n'ya at kumuha pa ng kumot upang idoble sa kumot n'ya. Para kasi s'yang ginaw na ginaw. Naka hoodie pa s'ya, edi ibig sabihin ang taas talaga ng lagnat n'ya.

Tapos bukas pa ang bintana n'ya. Mukang 'di talaga maganda ang pakiramdam n'ya.

"Lexus?" tawag ko sa kan'ya gamit ang mahinang boses pero 'di s'ya gumigising. Himala yata ang hina ng pakiramdam n'ya.

"Lexus? Okay kalang ba?" tanong ko kahit sigurado naman akong 'di s'ya sasagot.

May gamot ba s'ya dito? Painumin ko nalang kaya s'ya?

"Lexus, wake up." pang gigising ko dito at sa pagkakataong ito at iminulat n'ya ang mga mata n'ya. Nang makita n'ya ako ay hindi n'ya ako pinansin at ipinag patuloy ang pag tulog n'ya.

Hays, ba't ang arte n'ya?

"Bumangon ka, uminom ka ng gamot. Ang taas ng lagnat mo. Saan kaba nanggaling? Ngayon kalang yata nilagnat. Nilalagnat ka pala?" pag uusap ko at tila nairita yata s'ya kaya muli n'ya akong tinignan,

"Can you just let me sleep?"

"Uminom ka ng gamot. Lalala 'yan kapag-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mabilis n'ya akong higitin palapit sa kan'ya.

"Ah!" medyo napasigaw ako nang marinig ang pag basag ng salamin muna sa bintana. Naisubsob kopa ang mukha ko sa kan'ya dahil sa biglaan n'yang pag higit.

Ano 'yon? Nakakagulat sobra. Bakit hindi ko naramdaman 'yon? Bala ba 'yon? May sniper sa paligid? What the-

"A-ano ba 'yon?" nautal tuloy ako habang nag tatanong. Mabuti nalang mabilis kumilos 'tong si Lexus kung hindi ay baka patay na ako ngayon.

Agad din s'yang napabangon at hinawakan ang kamay ko.

"Bakit-"

"Shh."

Natahimik ako at dinala naman n'ya ako malapit sa bintana n'ya habang s'ya ay sumisilip dito.

"Bullsh*t! what the f*ck is this again?!" mura n'ya at binitbit ako palabas ng kuwarto n'ya. Ramdam na ramdam kopa ang init ng kamay n'ya.

"Nandito nanaman ba si Aisler? Paano n'ya tayo natagpuan?" tanong ko habang kami ay nag lalakad sa kung saan.

Habang nag lalakad dito sa taas ay nadaanan namin ang isang bintana kung kaya't natanaw ko ang mga nasa labas. Madami sila at puro naka itim din. Bakit ba sila nandito? Ano bang ginagawa nila?

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now