Chapter 2

4.8K 174 65
                                    


"Eto na ba 'yon?" Kailey asked.

Tiningala namin ang lumang bahay, malaki sya pero sira sira na ang bintana. Napatingin ako sa kahoy na nahulog mula sa mataas na bintana.

Nilibot ko ang paningin ko. Madilim ang paligid at puro usok lang, mahangin kaya ang mga puno ay nagsisi galawan.

It looks creepy but i liked it. Ngumisi ako at nauna nang lumakad sa kanila. Sumunod din naman ka agad sila, kumatok si Damon.

Napaatras ang mga kasama namin nang bumukas nalang 'to bigla, bumuntong hininga ako at mauuna na sana nang magsabay kami ni Damon.

Nagkatinginan kami bigla. Hindi ko na sya hinintay at nauna na ako, narinig ko pang napatikhim sya pero hindi ko na 'yon pinansin.

Pagkasara ng pintuan ay namangha ang mga kasama ko nang makita ang loob. Engrande kung tignan ang hagdan, may chandelier pa sa taas. May malaking tv at sofa sa gilid.

"Nandito na pala kayo!"

Napatingin kami sa nagsalita, tumawa si Dionysus nang makita kami at tinaas ang dalawang kamay. Ang isang kamay nya pa ay may hawak na bote. Nanguna naman si Veronica na yakapin sya at sumunod ang iba.

Dionysus is an old man. Blonde hair and his eyes are green. He's wearing a tuxedo suit and looking like.. a business man.

I crossed my arms while watching them. Nakipag shake hands lang si Damon at tumalikod na.

Ngumiti naman sa akin si Dionysus, hinihintay na yakapin sya. Hindi ako lumapit at tinignan lang sya, dahan dahan nyang binaba ang dalawang kamay at napailing nalang.

"Dati niyayakap mo pa ako, pero sige people changed daw sabi nila," bumuntong hininga sya.

Hindi ko alam kung saan nya natututunan yan. Huminga ako ng malalim at napairap.

"So saan po ang kwarto namin?" I asked.

Lumiwanag ang muka nya nang magsalita ako. Tumawa sya nang malakas kaya nag echo sa malaking bahay ang boses nya.

Nang maglakad sya ay sinundan namin sya. Dumaan kami sa kusina kaya nangunguna si Justin na tumingin sa mga kabinet, tinignan sya ni Damon kaya umakto syang seryoso at nanguna pa sa paglalakad.

Binuksan nya ang black na pintuan, nang bumukas ay napaawang ang labi ko nang makita kung anong nasa loob.

It's a full of Alcohols! Mygod, no wonder he's the God of wine. Kumuha sya ng baso at isa isa kaming binigyan.

"Na enroll ko na kayo. Bukas ay dapat handa na kayo, yung mga uniforms nyo ay nakalagay na sa mga kwarto nyo," He said habang nilalagyan ng wine ang baso namin.

After that, sabay sabay naming tinaas ang baso at ininom 'yon. Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang pait, nilagay ko ang baso sa lamesa.

"I invented that wine, ang tawag jan ay Soporific Wine," He said proudly.

"What do you mean by that po?" Elaine asked, pumipikit pikit pa.

Humikab ako nang makaramdam ng antok, kanina naman ay hindi ako inaantok.

Dionysus smirked. "Another term for Sleeping pills, Goodnight kids!"

Nandilim na ang paningin ko, nanghihina na. Bago pa ako bumagsak ay may naramdaman ka agad akong sumalo sa akin.

Unti unti akong nagmulat nang maramdamang may sumisilaw sa muka ko. Agad ko namang inangat ang kamay ko para takpan ang muka mula sa araw.

"Get up."

Napatingin ako kay Damon na hinawi ang kurtina sa kabila. Hindi ako sumagot at bumangon lang, pumunta ako sa bathroom para maghilamos.

Paglabas ay napatigil ako nang makita sya, nakatitig sya sa akin nang seryoso.

Greek AcademyWhere stories live. Discover now