Chapter 28

2.1K 108 8
                                    


"Perseus!"

I smiled so widely when i saw him entering in our house. Sinalubong niya ako ng yakap kaya tinanggap ko 'yon.

"I'll talk to you later," He patted my head.

Kumalas na ako sa pagkakayakap nang makita si Hades na papalapit dito, he looked at me seriously before turning to Perseus.

He's still wearing his weird clothes. The white roman dress? I don't know.

Nag angat ako ng tingin nang makita silang kakagising lang at sabay sabay na bumaba. Mukang naghintayan pa ang mga 'to.

I looked at Veronica, natigilan siya ng makita si Perseus. Lumingon siya sa akin at bahagyang nagulat, i smirked.

Lumapit ako sa kaniya at pinag krus ang braso.

"What's the problem?"

Agad siyang umiling. "Wala! Naalala ko lang siya noong kinwento siya ni Mom sa akin..."

"Oh! Athena? Share naman ja'n," nakangisi kong sabi.

Tumawa siya at pabiro akong hinampas.

"Wala bang foods jaan?" She whispered.

Pasimple akong sumulyap kay Justin na nakatulala dahil bagong gising.

"Ayun oh," I pointed him.

Bigla siyang namula at nag iwas ng tingin, tumawa ako ng sarkastiko at iniwan siya roon.

Habang kumakain ay nag uusap si Perseus at si Dad. If Hades can read my mind, alam kong aasarin niya ako dahil tinawag ko siyang Dad.

"I made some headbands for all of you!" Persophone said excitedly.

"Really?" Excited din na sabi ni Elaine.

Persophone nooded while smiling.

Aabutin ko na sana ang pitchel nang unahan ako ni Damon, nilagyan niya ang baso ko ng tubig. Tinapunan ko lang siya ng tingin at ininom 'yon.

"Yes! Ipapakita ko sainyo pagtapos natin kumain."

Umubo si Hades kaya napunta sa kaniya ang atensyon.

"You're Hercules' son?" Perseus asked Karl.

Gulat siyang napatingin sa kaniya, dahan dahan din siyang tumango at ngumiti ng tipid.

"Yes po."

Pinanliitan ko siya ng mata. Alam kong kahapon pa siya may iniisip dahil hanggang ngayon, ang tahimik niya pa rin.

Huminga ng malalim si Perseus at dahan dahan ding tumango.

"You need to be careful always," He said seriously.

Napataas ako ng kilay at nagbaba ng tingin sa pagkain. Nag angat din ako ng tingin kay Karl at sakto namang nakatingin siya sa akin.

"Of course," He said while looking at me.

Tumikhim ako at nagpatuloy sa pagkain.

Tinignan ko ang langit na kulay pula, nasa likod kami ngayon ng mansyon. Pinagkakaguluhan nila ang ginawang headband ni Persophone.

Kahit ang mga lalaki ay pinagtitripan ang isa't isa, except sa isang killjoy na nanonood lang sa kanila.

Tinignan ko ang sarili sa maliit na salamin, ang headband ay gawa sa bulaklak. Nakapalibot ang iba't ibang kulay ng bulaklak, sa gitna ng likod nito ay may ribbon na kulay pula.

Inayos ko ng kaonti 'yon at nilagay sa harap ang buhok kong kulot pa rin hanggang ngayon.

"You looked like a goddess."

Greek AcademyWhere stories live. Discover now