Chapter 14

2.5K 119 15
                                    


I crossed my arms while looking at Karl. He's smiling at me, kumunot ang noo ko.

Bigla namang lumitaw si Chloe sa harapan namin, tumabi kay Karl.

"Guys.. this is Karl Alcantara, son of Heracles."

Napataas ako ng kilay.

Heracles? As far as i know he's dead. Hercules was in so much agony after he took the potion that he wished he were dead. Hercules eventually died and after he did, his mortal portion perished.

Ngumisi siya sa akin. Ang singkit niyang mata ay nawala, napairap ako.

"He will be in superior section, okay? Magiging classmate mo sila," tinapik ni Chloe ang balikat niya.

"What a coincidence, parang dati lang ako 'yung iniimbestigahan niyo pero ngayon.. mukang kasama na rin ako," He smiled.

I looked at Elaine. She's calm, like she know this already.

"Alam mo ang tungkol sa kaniya, Elaine?"

Bigla siyang tumingin sa akin at dahan dahang ngumiti.

"Hindi kasi ako sure nung una kasi.. baka nagbibiro siya. Kaya hindi ko sinabi," She smiled.

Huminga ako ng malalim. Tinapunan ko ng tingin si Karl bago umalis doon.

Heracles is the God of Strength, heroes, sports, athletes, health, agriculture, fertility, trade, oracles, divine protector of mankind, and gatekeeper of Olympus.

I know he's strong like us. They said his father is the strongest man on Earth. I'm expecting na siya rin.

After that, I decided na mag libot muna rito sa gubat. Nag angat ako ng tingin nang makita ang mga punong gumalaw dahil sa hangin.

Maglalakad na sana ako nang matigilan ako.

Nagulat ako nang nasa harapan ko na si Karl. Nakangiti siya sa akin habang nakatingin ng deretso sa akin.

"What the fuck?"

He chuckled. "Sorry, ikaw lang ang gusto kong lapitan."

Nagtaas ako ng kilay. "Elaine?"

He shook his head. "I want you."

Nagtaas ako ng kilay. Tumawa lang siya at pinanood ko siyang umakyat sa puno at umupo.

Nagbaba siya ng tingin sa akin at niyaya ako roon. Bumuntong hininga ako at umakyat na rin.

"Gusto mo bang malaman kung paano ako naka punta rito?" He asked.

"Wala akong pake."

Imbis na mainis siya ay nakita ko pa ang pagka mangha sa muka niya. Nairita ako at sumandal.

"After what happened in the school.. nakulong si Mama."

Hindi ako nagsalita at bored lang siyang tinignan.

"Of course, someone died and we hide it. Actually.. Mom and I planned that."

Natigilan ako at napakurap kurap. Napaayos ako ng upo at huminga ng malalim.

"She knows about this Academy.. and also Dionysus is involved."

Napairap ako. Of course, siya ata ang nag plano ng lahat.

"I'm aware kung ano ako at sino ang Ama ko. My Mom didn't tell me about that pero ako mismo naka alam. 'Yun lang daw ang mabuting solusyon para makapasok ako rito.. nang mag usap sila ni Dionysus, ang sabi ay pupunta raw ang mga anak ng Olympians kaya ayan.. nalaman ko rin ang tungkol sa inyo."

I can see the sadness in his eyes. He looked at me and smiled sadly.

"Hindi ko man lang siya naabutan.. sayang."

Greek AcademyWhere stories live. Discover now