Chapter 18

2.2K 106 15
                                    


Sabay kaming nag angat ng tingin nang may naglapag ng invitation sa lamesa namin.

The boy smiled at us. "We're inviting you in our party later. Actually, pili lang ang binigyan namin."

Nagtaas ako ng kilay. Nakita ko sa kabilang table na binigyan sina Damon nang invitation ng mga babae.

"So?" tumingin ulit ako sa kanila.

"Sana makapunta kayo. We're having a pool party, so see you later!" Sagot ng isang lalaki at ngumiti.

Nagbaba ako ng tingin sa invitation, tinignan lang 'yon. Nagpasalamat naman sina Veronica at nangakong makakapunta.

"So ibig sabihin niyan.. kailangan natin mag shopping!" Excited na sabi ni Elaine at pumalakpak.

Sa isang kurap ay nandito na kami ngayon sa mall. Pinag krus ko ang braso ko habang naglalakad, hinahanap nila ang isang shop na pag mamay-ari nina Elaine.

Yes, thy owned shops here. Habang naglalakad ay nasa likod lang kami ni Damon, tahimik.

"Remember that ice cream store?" Bigla niyang tanong.

Kumunot ang noo ko at tinignan ang tinuro niya. Sumeryoso ang muka ko nang may naalala roon.

"Ang sarap talaga nitong keso flavor!" Masayang sambit ko.

Ngumiti naman si Damon at hinawakan ang pisngi ko, doon ko lang napagtanto na may ice cream ang pisngi ko.

Tumawa ako at hinawakan ang kamay niya, kumuha ako ng tissue at pinunasan 'yon.

Napatingin naman ako sa mga kasama namin na mukang nag eenjoy din. Ngayon lang kasi kami naka tikim nito, parang gusto ko nalang tumira dito.

"By the way, you want to buy something here?" Damon asked.

Pinanliitan ko siya ng mata habang nag iisip.

"Wala naman.. wala akong nagustuhan na mga gamit dito. Tsaka gastos lang 'yun!"

He chuckled and pinched my cheeks. "Someday, we will get our money. And if you want, we will live here."

I shook my head. "No, hades will get mad."

He smiled. "We can convinced him, okay? Just wait for the right time."

I laughed and nooded. "Okay, i love you. Always."

He smiled. "I love you too, always."

Huminga ako ng malalim at tumingin ng seryoso sa kaniya.

"I don't remember anything."

Yun lang nag sinabi ko at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Nang mahanap ang shop ay pumasok kami.

Agad na alerto ang mga staffs nang makita kami. Elaine smiled at them, dinala nila kami sa isang kwarto.

Pagkapasok ay bumungad ang mamahaling damit at mga accessories doon. Umupo ako sa mahabang sofa at hinayaan silang maghanap ng mga damit doon.

"Wow, may ganito pala kayo rito?" Namamanghang tanong ni Karl.

"Oo pre, kumuha ka ng kahit ano ja'n. Its on me," mayabang tinapik ni Carlo ang dibdib niya.

Binatukan ka agad siya ni Elaine. "Kapal ng muka mo! Manahimik ka nga ja'n!"

Kilala na ako ni Elaine kaya bigla siyang kumindat sa akin. Hindi naman ako magaling pumili kaya hinahayaan ko siyang pumili para sa akin.

She handed me the white maong short and simple black off-shoulder croptop. After that, ang sabi niya ay ang panloob ko ay one piece.

As if namang huhubarin ko 'yon. Bukod sa may magagalit, hindi ko trip ang mga party na 'yan.

Greek AcademyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ