Chapter 7

3.3K 131 20
                                    


"Where's Damon? Bakit biglang umulan? Nabasa tuloy kami! Hindi man lang nagsabi!" reklamo ni Daniel habang pinupunsan ang sarili.

Hindi ako sumagot at nag iwas lang ng tingin, tumingin ako mula sa bintana. Tinitignan ang mga pumapatak na ulan.

"Asa kwarto eh, ayaw ako pagbuksan," rinig kong sabi ni Justin.

"Hayaan niyo siya," sambit ko habang nakatingin pa rin sa labas.

Hindi nila ako sinagot pero alam kong tumango sila. Huminga ako ng malalim at umakyat para makapunta sa terrace.

Pumunta ako sa pinaka dulo at tumingala para makita ang langit. Sobrang dilim at ang lakas ng hangin. Nagpakawala ako ng isang apoy, na agad ding nawala dahil napatakan ng ulan.

What's with him?

Bumuntong hininga ako at naisipang pumunta ng kwarto. Saglit pa akong natigilan nang makita ang pintuan niya, napairap nalang ako at tuluyan nang pumasok.

Kinuha ko ang combat knife ko na nasa lamesa at umupo sa kama. Pinaglaruan ko 'yon habang nakatingin sa bintana.

Napatingin ka agad ako ay Niu-niu nang bigla siyang sumampa sa kama at tumabi sa akin. Tumingin siya sa mata ko at nag iwas lang ako ng tingin.

Napatigil lang ako nang maramdaman ang hapdi mula sa daliri, tinignan ko ang dugong tumulo. Kumunot ang noo ko nang makitang black ang dugo ko.

Dahan dahan kong inangat ang daliri kong dumudugo, black ang lumalabas na dugo. Tinignan ko ang combat knife ko, tinitigan.

Napatingin ako sa bintana, tumayo ako at lumapit doon. Binasag ko ang bintana gamit ang combat knife, na naglikha ng ingay.

Sinugatan ko ang kabilang kamay gamit ang basag na salamin, tumulo ang dugo sa sahig. Pula ang dugong lumabas.

Nang may napagtanto, napangisi ako. Hindi ko pinansin nang marinig ang katok nila. Pumunta ako sa kabinet at kinuha ang nakatagong bote, ininom ko 'yon hanggang sa makalahati.

Palakas ng palakas ang katok nila, natataranta na. Napairap ako at itinago na ulit ang baso sa pinaka gilid. Ni lock ko ang kabinet at tinago ang susi sa bulsa.

Napatingin ako sa bident, hinawakan ko 'yon at napag desisyunang dalhin palagi sa akin. Ginawa ko itong bracelet, tulad ng sabi ni Hades. Sinuot ko 'yon sa akin.

Tuluyan akong napatingin sa pinto nang bumukas 'yon nang malakas. Gulat na napatingin sa akin si Damon, agad akong nilapitan at tinignan ang kabuuan. Hinawakan sa magkabilang braso.

"What the hell are you doing?!" sigaw niya at tumingin sa bintanang basag, at dumapo ang tingin sa hawak kong combat.

Napatingin naman ako sa likuran niya, nag aalala silang nakatingin sa akin. Nang makita ang tingin ko sa kanila ay umalis sila isa isa.

I looked at my cat when she suddenly hissed and looked angry, while looking at the one person. I smirked, tumingin ako sa kaniya.

Nakita ko ang takot sa mata niya kaya agad din siyang umalis.

Hindi mo ako maloloko.

"What was that? Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?!"

Hinawi ko ang braso ko at tinalikuran siya, kumuha ako ng band aid sa side table. Tahimik niya lang akong pinapanood habang ginagawa 'yon.

Nagulat ako nang kinuha niya ang band aid at siya na ang nagbukas no'n. Napairap ako nang kinuha nya ang kamay ko. At nang malagyan, ang isa naman ang nilagyan niya.

Greek AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon