Chapter 35

1.9K 86 8
                                    


"What's on your mind?"

Inis akong napairap nang marinig na naman ang boses ni Karl. Kanina niya pa ako kinukulit!

Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin sa bintana. Lumilipad na ang kotse namin, pabalik sa academy.

Napatitig naman ako sa asul na ulap, bumuntong hininga ako at napakunot ang noo.

How can she do that? Kaya niyang bumuhay ng mga pinatay niya. And when they died, they turn into stone.

That means, Medusa is not only her parents.

And one more thing, she can control people like I'm doing. She have that powers... like me.

Bigla akong may naisip pero imposible. Napalingon ako kay Damon na tahimik na nagbabasa ng libro, bigla kong naalala ang ginawa niya dati.

"Lakas ni Justin magpaiwan," iling na sabi ni Carlo.

Yes, nagpaiwan si Justin para hanapin ang girlfriend niya. I just let him do that.

"Hayaan mo na, malaki na 'yon," sagot naman ni Alexis.

"Pero yung kay Ruby.. ganon ganon nalang ba 'yon? Yes we solved our mission but.. don't you think na gagamitin ni Ruby ang kapangyarihan niya makalabas lang?" Si Elaine.

Bigla akong napatingin sa kaniya, napatingin din sila sa akin. Nanliit ang mata ko at nagbaba ng tingin.

"Of course, she is Ruby. The important thing is, tapos na tayo sa mission," sinara ni Damon ang libro at tumingin sa amin.

Napunta naman ang tingin niya sa akin at nag iwas ako ng tingin.

Sumalubong ka agad si Niu-niu sa akin pagpasok ko sa kwarto. Napangiti naman ako at binuhat siya, sumampa siya sa balikat ko.

Nilapag ko ang gamit sa gilid ng kama at binuksan ang kurtina.

Bigla akong napatitig sa repleksyon ko mula sa salamin.

Dahan dahan kong inangat ang kamay at tinapat 'yon sa bandang mata ko, lumabas na naman ang pula.

Nawala ang atensyon ko roon nang biglang may kumatok, bumaba si Niu-niu mula sa balikat ko.

Humarap ako sa pinto at pinag krus ang braso, bumukas 'yon at bumungad si Damon na seryoso ang muka.

Umupo siya sa kama ko at napatingin sa pusa ko, kita ko na naman ang mangha sa muka niya ng makita ang mga mata nito.

"Hindi kita tinawag para titigan ang mata ng pusa ko."

Huminga siya ng malalim at nag angat sa akin ng tingin na walang emosyon.

"Anong gusto mong pag usapan?"

Tinitigan ko muna siya at sinara ang kurtina, binuksan ko ang ilaw nang dumilim. Sumandal ako sa pader at tinignan siya.

"Ang sabi mo pinatay mo si Ruby, bakit buhay pa siya?"

Hindi na siya nagulat sa tanong ko at mukang inaasahan niya na 'yon. Huminga siya ng malalim at pinag krus ang braso.

"The truth is.. nakawala siya. Hindi ko nasabi sa kanila at.. sayo. Alam kong magagalit ka lalo."

Hindi ako nagsalita at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"A group of centaurs attack me.."

Kumunot ang noo ko. "W-what? Kilala ko ang lahat ng centaurs-"

"And one of them si Marlon."

Bigla akong napaayos ng tayo at tinitigan siya ng mariin.

"What the fuck did you say?" Nanggigigil kong tanong.

Greek AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon