Chapter 34

2K 101 8
                                    


"So nagkabalikan na kayo?"

Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Karl, dahan dahan akong humarap at agad na umiling.

"Malamang hindi, bakit mo naman naisip 'yan?" Napairap ako.

He chuckled. "Feel ko lang."

Sinamaan ko siya ng tingin, tatalikuran ko na sana siya nang hawakan niya ang kamay ko.

"Tara, may pupuntahan tayo," malaki ang ngiti pagkasabi.

Aangal pa sana ako nang bigla na niya ako hinila papalabas sa likuran ng bahay. Pagkalabas ay bumungad ang mga kahoy na sira sira.

Naalis ang tingin ko roon nang hilahin niya ulit ako at hinila kung saan.

Mga limang minuto ata ang nakalipas nang tumigil kami. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya, nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa harapan.

Inirapan ko siya at tumingin sa harapan. Umawang ang labi ko sa mangha nang makita, kitang kita ang araw dito sa itaas at ang mga punong umuuga dahil sa hangin.

"This is.. wow."

He chuckled. "Alam kong magugustuhan mo 'to."

I smiled and looked at him. "Paano mo naman nasabi?"

He looked at me and smiled. "I'm always watching you."

I laughed, tinagilid ang ulo . "I don't know if i should consider that as a creepy-"

Hindi ko natuloy ang sasabihin nang tumawa siya at umiling, natawa na rin ako at nag iwas ng tingin.

"Well.. thanks, i really need this kind of place," I sighed heavily.

Walang nagsalita pagkatapos kong sabihin 'yon, pinapakinggan lang namin ang mga ibong nagkakantahan at ang malamig na hangin.

Napangiti ako at yumuko, mas pipiliin kong mamuhay ng ganito katahimik.

"You're beautiful when smiling."

Napawi ang ngiti ko at nag angat ng tingin sa kaniya, nataas ako ng kilay dahil sa sinabi niya.

"Palagay ko, matagal ka nang hindi nakangiti ng ganiyan."

Napangisi ako at napairap. "Well, you're lucky."

He smiled at me and looked deeply. "Yeah, i'm lucky."

Napailing ako at nag iwas ng tingin.

"So what's your plan now?" Bigla niyang tanong.

Natigilan ako at sumeryoso ang muka, bumuntong hininga ako at tumingin sa kaniya.

"None," I simply said.

Napataas siya ng kilay kaya napangisi ako, nagpamulsa ako at tinignan siya ng mariin.

"Let her do the rest."

Halata sa muka niya na naguluhan siya kaya mas lalo akong napangisi, tinapik ko ang balikat niya at kinindatan siya.

"Let's go home."

"What's our plan now? we only have 3 days to do this shit." Kailey said boredly.

'Yan ang bungad niya pagkarating naming dalawa, aksidente akong napatingin kay Damon na seryoso ang muka habang nakatingin kay Karl.

Napairap ako at inagaw ang wine glass ni Justin, aangal pa sana siya nang pinandilatan ko siya.

Nakuha pa talaga nilang mag champagne.

"What's that?" Carlo asked.

Napatingin naman ako kay Daniel na seryoso ang muka habang nakatingin sa laptop niya.

Greek AcademyWhere stories live. Discover now