Chapter 39

2.2K 94 1
                                    


"Hindi solusyon ang paghihiganti, Ruby!" Veronica shouted.

Napairap ako at sumandal sa pader, pinag krus ang braso at pinanood muna sila.

"Hindi mo ako naiintindihan, your mother killed my mom because of jealousy!"

Agad na nagalit si Veronica at tinapat ang kamay kay Ruby, napasigaw siya at umupo habang hawak ang ulo.

"Yes! Kasalanan ng Mom ko 'to! And I'm sorry if she did that! But revenge is not a solution just to satisfy yourself! Ano nga ulit sabi mo kanina? Mabait ang Mama mo! Malamang hindi niya gugustuhin 'tong ginagawa mo!" Sambit ni Veronica habang nakatapat pa rin ang kamay at papalapit kay Ruby.

Natigilan si Ruby nang itigil 'yon ni Veronica, nag angat siya ng tingin.

"You know what? I actually don't want to kill you," Nanggigil na sambit ni Veronica. "Because I treated you as my bestfriend! But what did you do, huh? You betrayed me! I feel sorry about your Mom, at willing akong pagbayaran ang lahat ng ginawa ng Mom ko mapatawad mo lang ako at maging.. best friend ulit tayo," naiiyak nitong sabi.

Napalunok si Ruby at dahang dahang tumayo, sinalubong ang tingin nito.

"But you also betrayed me. I never treated you like my friend! Pero sige, salamat ha? Salamat sa lahat! Ayan, okay na ba?! Mas okay na patayin mo ako kaysa maging kaibigan mo ulit!"

Napayukom ng kamao si Veronica. "You really deserve to die."

Sinamaan siya ng tingin ni Ruby, ngumisi siya rito at napataas naman ako ng kilay nang tumingin siya sa akin.

"Mukang nakuha ko naman na ang lahat, ang atensyon ng aking ama at ang kapangyarihang gusto ko.. I know Veronica will kill me now, but i just want to say that i drink some poisons."

Sumeryoso ang muka ko nang maalalang tinikman ko ang marumi niyang dugo.

Kinindatan niya ako at humarap kay Veronica, saktong pag atake niya ay napaupo ka agad ako nang yumanig ang lupa.

Nilibot ko ang paningin ko nang mahilo ako, napahawak ako sa dibdib ko nang mahirapan akong huminga.

Pumikit ako ng mariin at pilit na kinakalma ang sarili, nang mawala ang yanig ay nagmulat ako.

Napaatras ako nang makita ang paligid, wasak wasak ang academy.

Dahan dahan akong tumayo at hinanap ang mga tao, ngunit wala akong nakikita.

Maingat akong naglakad dahil ang tinatapakan ko ay nawasak na rin. Nang makalabas ako, nilibot ko ang paningin ko.

Napatingin ako sa langit, madilim ito kung titignan.

Bigla akong na alerto nang humangin ng malakas, nilabas ko agad ang kutsilyo ko at umikot para hanapin kung sino mang dadating.

"Serenity?"

Napaawang ang labi ko nang marinig ang boses na 'yon, dahan dahan akong tumingin sa likuran ko.

Nanlaki ang mata ko. "C-Carly?"

She is wearing the same clothes when that.. happend.

Ngumiti siya ng malaki at inambahan ako ng yakap, napangiti rin ako at tumakbo papunta sa kaniya.

Niyakap niya ako ng mahigpit at natawa, hindi ko mapigilang maluha kaya pasimple kong pinunasan ang luha ko.

Kumalas siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Anong ginagawa mo rito?" Nakangiti niyang sabi.

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

Huminga siya ng malalim at binaba ang kamay.

"Nandito ka sa Academy kung saan hindi mo na kontrol ang kapangyarihan mo."

Greek AcademyWhere stories live. Discover now