Chapter 17

2.5K 109 12
                                    


Tiningala ko ang bahay na nirentahan nila. Halatang luma na dahil ang bintana ay basag na, tinignan ko pa ang inaapakan namin na damuhan na puno ng bato.

Sinipa ko ang isang bato at pinanood 'yon pumunta sa madilim na parte. Gabi na rin kasi nang makarating kami, tanging buwan nalang ang nagsisilbing liwanag namin.

Nang mabuksan nila ang pintuan ay nagsi pasukan na kami. May takip ang lahat ng gamit dito na kulay puting tela.

Napaubo kaming lahat nang alisin ni Daniel ang telang puti, nagkalat naman ang mga alikabok.

"Ikaw maglinis niyan," masungit na sabi ni Kailey.

Hindi sumagot si Daniel at umupo lang sa sofa, umakyat ako sa itaas para tignan kung ilan ang kwarto.

Sampung kwarto ang nandito. Magkakaharap ang limang pintuan, binuksan ko ang ilaw para makita ang kabuuan.

"Carlo and Alexis, magkatabi kayo," rinig kong sabi ni Justin.

Narinig kong nagsi angal ang dalawa kaya napailing ako. Binuksan ko ang unang pintuan, maayos naman ang kama. Kitang kita ang buwan mula rito dahil sa nakabukas na bintana.

Nilapag ko ang gamit sa gilid ng kama, sinara ko na rin ang bintana at inayos ang kurtina.

Nang matapos ay bumaba muna ako, nakita ko agad silang nag uusap ng seryoso.

"Okay na ang lahat. Ang mga babae at lalaki ay magkahiwalay, magka-iba ang section natin. Pretend that we didn't know each other, okay?" Damon said seriously.

Sumandal ako sa pader habang nakikinig sa kanila.

"The uniforms are here, may box palang nakalagay doon sa labas," nilapag ni Carlo ang box sa gitna namin.

Binuksan nila 'yon at kinuha ang kaniya kaniyang uniform. Hinagis sa akin ni Damon ang isang uniform at palda.

Ang palda nila ay kulay black, hanggang tuhod. Ang blouse ay kulay puti, at may tie na kulay black.

"Matulog na kayo, maaga pa tayo bukas."

Una na akong umakyat since ako ang malapit sa hagdan. Pagkapasok ay ni lock ko ang pintuan at hinagis sa sahig ang uniform, natulog na.

Kinabukasan ay nagising ako sa sinag ng araw. Kumunot ang noo ko nang makitang nakahawi ang kurtina, tumingin ako sa bandang pintuan.

Doon ko nakita si Damon na seryosong nakatingin sa akin habang naka krus ang braso. He's always doing that, for fuck sakes!

Inis ko siyang inirapan at bumangon. "Ano ba? Gigising naman ako!"

"Shut up. We're not in the academy to wake up at 12pm."

Mas lalo akong nairita kaya hinagisan ko siya ng tsinelas. He chuckled and shook his head.

"Get ready. They're cooking-"

Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil sinara ko ng malakas ang pintuan. Ni lock ko naman 'yon, bakit nakapasok pa rin siya?

Pagka suot ng uniform ay tinignan ko muna ang sarili sa salamin. Suot ko na rin ang contact lense, tinignan ko ang kwintas kong kulay black na may heart sa gitna, na kulay pula.

Hinawakan ko 'to habang nakatingin sa salamin. Persophone made this to me, she likes doing some accessories.

Bumuntong hininga ako at napag desisyunan nang bumaba.

"Eto palabok, masarap 'to!"

Nagtaka ako nang may nakitang nilapag si Karl sa lamesa. It's like a spaghetti, but its a color yellow. I mean, I've never seen like these?!

Greek AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon