Chapter 31

2.1K 92 21
                                    


Kumunot ang noo ko nang makita ang titirahan namin, nilibot ko ang paningin ko at tinignan ang ibang bahay.

Puro kahoy lang ang nakikita ko, wala pang katao-tao. Tinignan ko naman ang bahay namin pansamantala, ito lang ang naiiba.

"Kung nagtataka kayo bakit siya 'yung naiiba, kasi ang sabi sa bahay na 'to..." lumingon sa amin si Karl. "May multo rito."

Halatang natakot ang mga kasama ko pero hindi lang nila pinahalata 'yon, umubo si Daniel at tinaasan ng kilay si Karl.

"Parang wala naman, paano mo nasabi?" Matapang nitong tanong.

"Kaya nga, sinong tangang matatakot sa multo?" Carlo scoffed.

Hindi sumagot si Karl at binuksan na ang bahay, oo nga pala. Ang bahay na 'to ay kulang black, ang mga bintana ay basag na pero may nakatakip namang kurtina na black.

May kalakihan siya, sakto lang din ang kwarto para sa amin. Pagkapasok ay agad na hinanap ni Karl ang ilaw at binuksan 'yon.

"Shit."

Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla silang sumigaw, nanlalaki ang mata kong nilingon si Daniel at Carlo na magkayakap habang nagtutulakan sa gilid.

Hindi ko maiwasang matawa nang biglang alisin ni Damon ang puting tela, at tumambad ang malaking lamp shade.

Agad na tumigil ang dalawa nang makita kung ano 'yon, hinampas sila ni Kailey nang pana dahil doon.

Binitawan nila ang isa't isa at pinagpagan pa ang sarili, inirapan ko sila at tinignan ang loob.

It's actually nice. Maraming mga gamit, pero nakatakip lahat ng puting tela, mura lang ang renta rito.

"Kaya sinabi nilang maraming multo rito dahil palaging nawawalan ng gamit ang mga tumitira rito."

Natigilan ako at tumingin kay Karl, seryoso siyang nakatingin sa amin habang naka upo sa lamesa.

"Eh bakit ito 'yung kinuha mo? Paano kapag pati mga gamit natin nawala?" Kunot noong tanong ni Elaine.

Ngumisi si Karl at tinanguan si Daniel, sinundan ko ng tingin si Daniel nang pumunta sa harapan namin.

"Dahil konektado ang bahay na 'to sa mission natin."

Sumeryoso ang muka nila.

"May malapit na eskwelahan dito.. at doon nag aaral ang mga magnanakaw na sinasabi nila."

Napataas ang kilay ni Veronica. "Mga?"

Bumuntong hininga siya at tumango.

"Oo, at tinatago ng eskwelahan ang tungkol sa mga magnanakaw na 'yon. Dahil pati ang may ari na 'yon ay nakikinabang sa mga ninanakaw nila."

Pinag krus ko ang braso ko at nilibot ang paningin, naglakad ako papunta sa mga nakatakip na puting tela at isa isang inalis 'yon.

Tumambad sa akin ang malaking salamin, kumunot ang noo ko at pinagmasdan 'yon.

Tinignan ko ang mga kasama ko mula sa salamin nang makitang papalapit sila.

Isa isa ko silang tinapunan ng tingin bago tignan ang ibang mga gamit dito.

Habang inaayos ang mga gamit ko ay biglang may kumatok, bumuntong hininga ako at binuksan 'yon.

Napaatras ako nang may binigay na plastic si Karl, tinignan ko 'yon. Uniform lang pala.

"Sa isang araw pa tayo papasok."

Greek AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon