Chapter 1

4.3K 126 10
                                    

Abby POV

"Ate abby hindi ba't ngayon ang uwi ni Ate Sela Galing Canada?" Napahinto ako sa pagkain ng marinig kong magsalita si Coleen napabuntong hininga naman ako sabay ngumiti.

"Ngayon ba?" Tanong ko dito

"Ate Abby Hindi mo ba siya namiss?" Pabalik na tanong ni coleen sabay tingin sakin.

"Oo nga abby nakalimutan namin ngayon pala uwi ni Sela dito" Naalala ko nga pala kasama namin si Rans dito. Lagi naman nandito yan ewan ko ba kung bakit.

"Good to know that" Saad ko sabay Tayo Ng matapos nako kumain.

Pumunta muna ako sa kusina sabay hinugasan yung pinagkainan ko bahala sila mag hugas ng sakanila masyado naman silang donya kung pati pinagkainan nila Huhugasan ko.

Pero totoo kaya sinabi nila na uuwi na si marsela?

"Ano yan nag day dreaming ka nanaman?" Muntik ko ng maihagis sa mukha ni Rans yung hawak kong plato ng magsalita ito.

"Pwede ba rans huwag kang magsasalita bigla bigla tinatakot mo ko" Pano nalang kung naihampas ko yung hawak ko sa kanya? edi nayari ako kela tito rifol nito.

"Pano ba naman tulaley ka habang naghuhugas ka diyan, Tell me excited ka makita siya nuh? Yiee!" Pang aasar niya sakin nilapag niya pa talaga hawak niya para tusokin lang yung tagiliran ko What a childish.

"Maybe?" Hindi ako siguro kung namiss ko ba talaga si Sela.

"Anong maybe Hindi ka sigurado kapa niyan? Parang dati lang hindi kayo mapaghiwalay ni Sela Kung baga ikaw buntot niya HAHA" tawa nito' inirapan ko nalang siya at pinunas ko yung kamay ko sa damit niya sisigaw pa sana siya kaso tumakbo nako papalayo sa kanya.

Bumalik naman ako sa tabi ni Coleen na kumakain pa din' Kanina pa to kumakain hindi pa din tapos saan ba pinaglihi tong pinsan ko na to sa pagong?

"Coleen hindi ka paba tapos kumain?" Napahinto ito sa pagkagat ng Fried Chicken at tumingin sakin.

"Ate abby Kita mong kumakain ako tapos pinapakilaman mo ko pano ako matatapos nito" Aba't tinanong ko lang naman Umaangal pa.

"Ang sakin lang Bilisan mo kumain diyan ikaw ba nakapag enroll kana?" Tanong ko dito. Matalino naman si Coleen Kaso ang panget lang sa kanya napaka tamad niya.

"Oo naman ate abby kahit tanong mo pa sa MNL University!" binatokan ko naman siya pano ba naman Bigla biglang sumisigaw.

"Hinaan mo boses mo coleen Magkatabi lang tayo wala ako sa Kabilang kanto" iritang sabi ko at sinamaan siya ng tingin na pa peace sign naman ito.

"Kamusta college life mo ate abby?" Pag iiba niya ng topic habang binabalatan yung fried chicken na hawak niya.

"Okay lang naman" Maikling sagot ko sa kanya, napansin ko naman ngumiti ng nakakaloko to.

"Bakit ka nakangiti bata ka?" Naasar ako pag nguningiti siya ng ganyan yung parang may binabalak na ewan.

"Swerte ko kasi ikaw pinsan ko' Kilalang kilala ka sa university ayan tuloy walang nagbabalak ligawan ak-----" Agad ko naman sinipa yung tuhod niya mula sa ilalim ng lamesa.

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon