Chapter 21

1.1K 75 2
                                    

Nakaupo si abby habang nakatingin sa kalangitan pinagmamasdan niya ang mga bituin. Nakatingin lang si Coleen at mari dito na nasa duyan.

Kinalabit naman ni Mari si Coleen kaya agad tong naibaling ang tingin niya dito. "Ang lalim siguro ng iniisip ni ate abby mo" Panimula ni Mari.

"Ewan ko ba. Bakit hindi nalang siya umamin agad kay Ate Sela may nasesense akong na mutual feelings din naman sila" Sagot nito at muling tumingin kay Abby.

"What if tulongan nalang natin si Ate abby mo Mukhang wala naman siyang balak umamin kay sela. Edi tayo gagawa ng paraan" Nakangiting sabi ni Mari at inakbayan si Coleen.

"May naiisip kaba na plano about diyan? kasi ako wala" Tanong nito. Tumingin si Mari sa kanya at kinindatan niya ito. "Oo ako pa! Ako bahala starting tomorrow gagawa tayo ng paraan Coleen" Sabi nito at tumayo sinundan naman siya ng tingin ni Coleen.

"San ka pupunta?" Tanong ni Coleen dito habang nakatingin kay Mari "Pasok na tayo sa loob nilalamig nako eh!" Sagot ni Mari at niyayakap yakap pa ang sarili.

"Wait si ate abby hindi ba siya nilalamig doon?" Tanong ni Mari habang nakatingin kay abby natulala habang nakatingin sa kalangitan. "Pabayaan nalang muna natin siya Mari. Tara pasok na tayo sa loob nilalamig kana pala" Hinubad naman ni Coleen ang jacket niya at sinuot niya ito kay Mari.

"S-salamat Coleen" Nauutal na sabi nito. Ngumiti si coleen at hinawakan yung kamay niya. "Tara pasok na tayo sa loob hayaan mo natin si Ate abby diyan" Yaya nito kay Mari.

Pagpasok nila sa loob saktong kakapasok lang ni Rans. "Ate rans! ikaw pala" Nakangiting sabi ni coleen at tumakbo niyakap niya si Rans.

"Namiss mo agad ako magkasama lang tayo kaganina.." Napahinto ito sa pagsasalita ng mapansin niya si mari na nakatayo "Oy mari Gabi na bakit nandito ka pa kela coco?" Tanong niya kay Mari. Napakamot ulo nalang si mari at nahiya.

"Tinulongan ko kasi kanina si Coleen sa assignment niya" Nahihiyang sagot nito sumabat naman si Coleen "Atsyaka ate rans dito muna siya matutulog" Nanlaki naman yung mata ni rans at pasalit salit ang tingin sa dalawa.

"Kayo naba?" Di makapaniwalang sabi ni Rans sa dalawa. "Halah! ate rans hindi magkaibigan lang kami ni Mari!" Sagot nito kay rans. Lumapit naman si Coleen kay Mari. "Sorry sa tanong ni ate rans ah" Sabi ni coleen kay mari.

"Kala ko binabahay mo na si Mari. Ikaw coleen ah" Tukso ni Rans sa dalawa. Habang si mari hindi makapag salita dahil nahihiya. Hindi kasi siya masyado close Kay rans at minsan niya lang kasi nakakausap kahit lagi na silang Magkasama dahil kaibigan nga ito ni Coleen din.

"Bakit ka nga pala pumunta dito ate rans?" Pagbabago ni Coleen sa topic. "Si abby nasaan?" Tanong ni Rans kay Coleen.

"Uhm ate rans nasa garden po" Si Mari nalang ang sumagot. "Sige salamat maiwan ko na kayo para makapag something something kayo" Nakakalokong ngiti ang binigay ni rans sa dalawa bago ito umalis.

"Ate rans naman eh!" Sigaw ni Coleen ng makalayo si Rans sakanila.

Pumunta naman si Rans sa may garden. Tama nga ang sinabi ni Mari sa isip nito. Nakita niya si abby na nakahiga sa damohan. Lumapit naman siya dito Nakapikit si abby Kaya mukhang hindi rin nito napansin ang pagdating ni Rans.

Sinipa naman niya si Abby ng mahina. Kaya agad napadilat si Abby at tumingin kay Rans. "Malamig hindi mo ba nararamdaman? Ang manhid mo ah" Pag bibiro nito at umupo sa tabi ni Abby.

"Ang presko lang sa pakiramdam. Gabi na napadalaw ka?" Tanong ni Abby habang nakahiga pa din. "Wala akong magawa sa bahay kaya nandito ako" Tumingin si Rans kay abby.

"So pag wala kang magawa dito ka pupunta samin?" Tanong ni abby at tumingin kay Rans na nakataas ang kilay.

"Parang ganun na nga" Pang sang ayon ni Rans dito. Umupo naman si Abby at tinulak ng mahina si Rans. "Doon kana nga uwi kana" Parang bata na sabi nito. Tumawa nalang si rans.

"Baka mamiss mo ko pag umalis ako dito haha" Tawa ni rans. "Ikaw mamimiss ko? puro pambubwesit nga lang ginawa mo sakin" inis na sabi ni Abby dito.

Hindi naman napansin ng dalawa na nakatingin lang si Coleen sakanila. Napabuntong hininga nalang si coleen "Hindi kaya may gusto si Ate rans kay ate Abby? Pero sana mali iniisip ko ayukong masaktan si Ate rans" Sabi nito habang nakatingin pa din sa dalawa.

Tumatawa lang si Rans habang nakasimangot si abby dito. "Rans nakapag desisyon nako" Seryosong sabi ni abby napahinto naman sa pagtawa si Rans.

"Tungkol saan?" Tanong rans kay abby. "Aamin nako kay sela. Lalakasan ko na loob ko" Seryosong sagot ni abby kay rans. Napangiti nalang ng peke si Rans kahit na nasasaktan siya sa narinig niya.

"Maganda yan. Matagal mo na siyang gusto diba? Sadyang torpe kalang" Sagot ni rans at umiwas nalang ng tingin kay abby. Binaling niya yung tingin niya sa langit.

"Rans pano kung hindi kami pareho ng nararamdam----" Hindi natapos ni abby ang sasabihin niya ng magsalita si Rans.

"Puro ka pano. Abby napaka negative mo mag isip. Hindi mo malalaman yan kung hindi ka magtatanong sa kanya. Mahirap magtago ng feelings sa isang tao. Dahil kapag tinago mo mas lalong gusto nitong kumawala" Sabi nito habang di nakatingin kay abby. Inisip nalang ni rans na kung saan sasaya si abby doon siya.

"Sorry rans napaka nega ko mag isip pero first time ko kasi to kaya wala akong alam"  sabi ni abby at pinaglalaruan yung damong mahawakan niya.

"Ang masakit lang naman na part yung malaman mo na wala kang pag asa sa taong mahal mo pero handa ka pa din damayan siya. Makita mo lang siya masaya masaya kana kana din. Kahit na masaktan ka okay lang huwag lang siya" Sagot ni Rans at tumingin kay Abby napatingin din si abby dito.

"Wow ang seryoso mo naman rans. Impossible naman na naranasan mo yan kasi stay stromg kayo ni Aly" Sabi ni Abby habang natatawa. Napalunok nalang si Rans.

"Abby may aaminin sana ako" Kinakabahan na sabi ni Rans kay Abby. "Ano yun?" Tanong ni abby hinawakan naman ni Rans ang kamay nito at kinakabahan sa susunod ka sasabihin niya pero kailangan niya pa din lakasan ang loob niya.

----

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon