Chapter 29

1.1K 86 9
                                    

Sela POV

Hindi ako makatulog dahil tumatakbo pa din sa isipan ko si Abby. Haist ano ba kasing ginawa mo sakin abby at nagkakaganito ako? Tumayo ako at sumilip sa bintana kitang kita ko yung bituin ang ganda talaga pag masdan ng mga bituin lalo na pag madami sila.

"Sela Alam mo May nabasa ako na isa sa mga bituin na nakikita natin ay Sariling bituin natin Tapos doon daw nakapaloob yung tadhana natin' ang cool diba?"

Napangiti nalang ako ng maalala ko yung sinabi ni Abby, Naniniwala kasi siya ng ang tadhana daw ng isang tao ay nakapaloob sa bituin. "Kung totoo man yun asan kaya ang bituin mo abby?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa mga bituin.

Tanaw na tanaw ko mula sa bintana ko ang mga body guard na inutosan ni Daddy para bantayan ako Nakapalibot sila mula sa labas ng bahay. "Seriously sa tingin ba nila tatakas ako?" Tanong ko nalang.

"Mukhang Malalim ang iniisip mo?" Napalingon ako sa likodan ko nakita ko si Kuya miguel. Hindi ko manlang namalayan na pumasok siya sa kwarto ko.

"Wala to Kuya miguel" Pagsisinungaling ko habang nakatayo pa din sa tapat ng bintana ko. Lumapit sakin si Kuya miguel at inakbayan ako.

"Haist hindi ka talaga magaling magsinungalin Marsela" Rinig kong sabi nito napatingin ako sa kanya. "Ano nga yung iniisip mo?" Tanong ulit niya sakin.

"Natatakot ako na dumating araw na ikakasal ako sa isang tao na di ko naman gusto. Kuya Miguel kahit ayaw ko wala akong magagawa kundi sundin ang utos ni Daddy" saad ko sa kanya naramdaman ko naman na Niyakap ako dahan dahan ni kuya miguel.

"Naiintindihan kita Mahirap talagang gawin ang isang bagay na ayaw mo" Rinig kong sagot ni Kuya miguel niyakap ko naman siya pabalik at sinubsob ko ang mukha ko sa Dibdib niya. Mas matangkad kasi si Kuya sakin.

"Pero Marsela nasa sayo naman yan kung gugustohin mo o hindi may karapatan kang humindi" nang marinig ko ang sinabi niya ay inangat ko ang tingin ko dito. "Anong ibig mong sabihin kuya?" Tanong ko sa kanya.


"Kaya ba ayaw mo makasal kay Justin, Dahil may iba kang gusto marsela?" napahiwalay naman ako sa pagkakayakap sa kanya. "Mukhang tama ang hinala ko base sa reaksyon mukhang umiibig na ang bunso namin sino siya?" Nakangiting sabi ni Kuya, Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko kung sino baka kasi hindi niya matanggap.

"Ayuko magpakasal kay Justin dahil hindi ko naman siya Mahal yun lang ang dahilan ko kuya" Diretso sagot ko sa kanya at umiwas ng tingin. "Ayaw mo magpakasal kay Justin, Dahil kay abby tama ba ako?" Bigla naman akong nanigas sa kinatatayuan ko ng banggitin niya ang pangalan ni Abby.

"Kahit hindi mo sabihin Nararamdaman ko Marsela, Mahal mo si Abby tama ba? Pero hindi mo kayang sabihin sa kanya dahil na malapit kana ikasal sa iba" Sagot ni kuya miguel, Dahan dahan naman ako tumango. Dahil mukhang wala na din naman akong maitatago.

"Kahit na mahal ko siya para saan pa? pag nalaman niya to kamumuhian niya lang ako" saad ko kay kuya.

"Hindi mo ba na isip kung umamin ka sa kanya agad, Baka mabago niyo pa ang sitwasyon na meron ngayon" Sagot ni kuya bago lumabas ng kwarto ko. Naiwan naman akong nkatayo lang habang nakatingin sa pinto.

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon