EPILOGUE

2.2K 96 19
                                    

Sela POV

7 years...7 years na ang nakalipas simula nung araw na yun. Marami na ang nagbago kagaya ng kinasal na sila Ella at Gabb pinili nilang mag adopt nakakatuwa nga kasi happy family na sila ngayon, Si Sheki at Alice naman sila na ngayon 3 years din niligawan ni Sheki si Alice masyado kasing Pabebe si Alice kaya naging matagal bago naging sila. Si Mari at Coleen Going strong as a friend hindi nga namin alam kung Friend nga lang ba sila or more than that pa, Pinakahuli naman hindi kayo maniniwala kung sino nakatuloyan no Rans. Nakatuloyan niya lang naman ang sinasabi niyang mortal enemy nya na si Nile Kita mo yun ng dahil sa asaran sila din pala ang magkakatuloyan bandang huli.

"Daddy! Daddy! look tita sela is here!" Napangiti nalang ako ng ituro ako ni Gabby anak na lalaki ni Gabb at Ella.

"Andiyan na kapala Ate Sela, Bumili ako ng bulaklak para sa kanya" Masayang ipinakita sakin ni Gabb ang hawak hawak niyang bulaklak. "Alam mo ba si Akin, Parang gusto na niyang bilhin lahat ng bulaklak sa flower shop" Natatawang sabi ni Ella Habang buhat buhat ang 5 years old nilang anak.

"Ibaba mo muna yan si Gabby" Utos ni gabb kay Ella agad naman sinunod ni Ella ang sinabi nito, Tumakbo papalapit sakin si Gabby at agad ako niyakap "I miss you Tita sela!" Sabi nito niyakap ko siya pabalik. "Namiss ka din ni Tita sela Mo Gabby" Saad ko bago ko siya hinalikan sa pisngi.

"Haist! nakarating din kami dito Si Sheki nakalimutan yung daan kaya maligaw ligaw na kami!" saad ni Alice na kakadating lang din kasama ang kanyang jowa na si Sheki na bitbit ang shoulder bag nito. "Malay ko bang makakalimutan ko magpayong ka nga napakainit wait kukunin ko lang sa kotse" Umalis naman agad so Sheki upang kunin ang payong sa kotse nito.

"Alam mo ang swerte mo kay sheki, kahit napaka loko loko niya mahal na mahal ka niya" Sabi ko ngumiti naman sakin si Alice "Tama ka kahit na napakamaloko ni Sheki ni hindi niya akong kayang ipagpalit" Ngiting sabi ni Alice dito.

"Kung ikaw hindi kayang ipagpalit ni Sheki, Kamustahin mo naman itong kasama ko na makakita lang ng maganda kala mo minamagnet na ang mata" Di namin namalayan na nandito napala sila Rans at nile kasama sila coleen at mari. "Grabe! napakatingin lang naman ako kasi ang ganda ng suot tapos bigla bigla ka nalang nagagalit?" Tanong ni Nile dito sa katabi niya. Natawa nalang ng mahina si Gabb habang nilalaro ang kanyang anak.

"kanina pa nga po yan sila nagsisigawan sa van eh" Kamot ni Coleen sa ulo niya. Dumating naman si sheki na May payong na dala dala at agad pinayongan si Alice. "Wow ah, Napaka sweet langamin sana kayo eww!" Saad ni Rans

"Alam mo napaka bitter mo ransoy! Nile naman kasi lambingin mo naman si Rans hindi yun nambabae ka nambabae" Sita ni Alice kay nile nanahimik "Tahimik na nga ako dito ako nanaman ang nakita niyo grabe talaga kayo sakin!" Pag mamaktol ni Nile habang naka sad face. "Hindi bagay sayo mukha kang pagong" iritang sabi ni Rans at umirap sa kasintahan niya.

"Sure ba talagang kayo? para kasing walang nagbago mas lalo atang lumalala ang away nyong dalawa" tanong ko sakanila "Ewan ko diyan kay rans lagi nalang nagagalit sakin wala naman akong ginagawa! mapalingon lang sa iba saglit kung ano ano na sinasabi" sagot ni nile binatokan naman siya ni Rans kaya nanahimik to bigla.

"Guys nakalimutan nyo ata kung ano ang pinunta natin dito" Biglang singit ni Ella. "Oo nga pala nasaan ang puntod ng tukmol na yun?" Tanong ni Sheki kinurot naman siya ni Alice "Bunganga mo talaga kahit kailan" Sita ni Alice sa kanya.

"Joke lang tara hanapin na natin puntod niya" Ngit ni Sheki at tumabi kay alice ulit.

hinapnap namin ang puntod nito at napangiti ako ng makita ko agad ang kanyang puntod. "Nakita mo din siya Sela, Ngayon makakapag paalam ka na sakanya" Hawak ni Rans sa likod ko tumingin ako dito at tumango.

Tumingin ulit ako sa Puntod nito. "Alam mo ba sa taon na lumipas, Hindi ko magawang matanim na galit nangibabaw ang lungkot sa puso ko..Maraming salamat sa pagmamahal na binigay mo kahit hindi ko nagawang suklian yun. Naging mabuti kang kaibigan sakin noon Maraming salamat sa lahat" Tumulo naman ang luha ko naramdaman ko naman may humawak sa kamay ko.

"Sorry nalate ako, Sela" Napangiti agad ako ng marinig ko ang boses ni Abby. "Hoy abby talagang late kana! nag moment session na si Sela syaka kalang dadating dito!" Sigaw ni Sheki tumawa naman si abby at inakbayan ako.

"Justin kung ano man ang nangyare noon kalimutan na natin yun, Napatawad ka nanamin at nangangako ako na hinding hindi ko papabayaan si Sela mamahalin ko siya hanggat nabubuhay ako magpahinga kana dude" Niyakap ko naman si Abby. "Kala ko di kana dadating" Sabi ko dito.

"alam kong napaka importanteng araw nato para sayo Sela kaya pumunta pa din ako kahit napaka dami kong scheduke sa office haist, napapagod nako kiss mo ko mamaya okay?" Natawa ako sa sinabi nito "Ano kaba Abby may nakakarinig sa sinasabi mo" Sita ko sa kanya.

"Oo nga nandito pa kami Ate Abby nakalimutan mo ata!" Sigaw ni Ella "Ilugar mo naman kaharutan mo abby nakakaumay na!" saad naman ni Rans na katabi ni nile.

"Sela...gusto ko lang sabihin" Humiwalay si abby sa pagyakap sakin at bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Ano kaba abby tumayo ka nga nakakahiya sa kaibigan natin" Nahihiyang sabi ko dito, Parang sira talaga tong babae nato kahit kailan.

"Sela...Gusto ko lang sabihin sa dami ng pinagdaanan natin, Nakarating tayo dito. Nalagpasan natin lahat ng problemang dumating..." Napahinto naman saglit si abby at ngumiti sakin. "Sml abby---BAKIT KABA NANGUNGUROT ALICE!?" Napapoker face bigla kami ng sumingit si sheki sa usapan.

"Napaka epal talaga ni ate sheki! ate alice paki layo mo nga muna yan dito" Magalang saad ni Mari. "Ang bagal kasi mag salita ni abby naiihi nako" Napaka panira talaga ni Sheki. nawala ang excitement ko dahil sa kanya.

hinawakan naman ni Abby ang kamay ko "Marsela Mari Guia i want to spend all my life to you...Will you marry me?" At nilabas nito ang singsing mula sa bulsa niya niyakap ko naman siya at hinalikan. "Yes i do..ikaw at ikaw lang ang papakasalan ko hanggang sa huli mahal na mahal kita Abelaine Trnidad" At muli siyang hinalikan niyakap ko naman siya habang may ngiti sa aking labi.

"Yown! oh! mabuhay ang bagon--- Oo na mananahimik nako!" Sigaw ni Sheki at tumakbo papalayo samin. "Congrats abby at Selaaaa!" Sigaw sigaw na sabi ng mga kaibigan namin.

Niyakap ko muli si abby ng mahigpit. Di ko inaakala na hanggang sa huli kami at kami pa din ang magkakatuloyan sa daming pagsubok na pinagdaanan namin nakakaya naming harapin. Sa bawat araw na lumilipas mas lalo kaming nagiging matatag, Kahit na minsan nag aaway nangingibabaw pa din ang pagmamahal namin sa bawat isa.

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon