Chapter 2

1.7K 116 0
                                    

"Let's go gorls!"

Nabalik ako sa katinuan ng Marinig ko ang pag sigaw ni Sheki, oo nga pala sinundo niya kami kasama niya sila Gabb at Ella na pumunta dito sa banay.

Abby ano bang nangyayare sayo bakit lutang ka nanaman?

"Ayos kalang ate Abby?" Bulong ni Gabb sakin katabi niya ako habang si Ella At Coleen nag uusap hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila.

"Yup okay lang bakit?" Balik na tanong ko kay Gabb, Tumingin naman siya sakin.

"Parang di ka mapakali" Gabb at tumakbo papasok ng kotse, Wait hindi daw ako mapakali?

Yan kasi Abby masyado kang obvious! napansin na ni Gabb what's more kung pati yung iba mapansin.

"Hoy Ano ginagawa mo diyan wala kang balak pumasok sa sasakyan gusto mo maglakad?" Naramdaman ko naman nag cling sa braso ko si Rans, Bakit ba panay sulpot nalang lagi to? isumbong ko kaya to Aly.

"Abby at Rans Ano ba tinatayo tayo nyo diyan! halika na kayo excited nako makita si Sela!" Sigaw ni Sheki samin, hinila naman ako ni rans papasok ng kotse.

Tumabi ako kay ella na nasa bandang likodan ng kotse habang nakatabi niya si Gabb gitna namin si ella, Tapos nasa harapan naman namin si Coleen At Rans din si Sheki nasa Tabi ng driver niya.

tahimik lang ako sa buong byahe habang nakatingin sa bintana nag iisip kung ano gagawin ko mamaya at Kung ano ang sasabihin ko kay Sela.

"Ate Abby chips you want?" Tanong ni Ella sakin, Puro nalang "Ate Abby" Malamang ako pinaka matanda sakanila -.-

ano ba gusto mo itawag nila sayo? Baby Abby eww! bakit ko ba naiisip to.

"See Naka tulala nanaman si Abby?" Sinamaan ko naman ng tingin si Rans sabay kuha ng chips na hawak ni Ella.

"Anyare ba sa baklang yan?" Sabat ni Sheki na nakalingon na din sa gawi ko, Napaka epal talaga ni Rans kahit kailan.

"wala sheki! papansin lang talaga masyado si Rans crush yata ako" Sabi ko nalang at tinignan si rans.

"Kapal naman ng mukha mo ikaw magiging crush ko! Mas Okay pa maging crush ko si Gabb kesa sayo" Napaka choosy naman nito Ayaw sakin tsk as if naman siya din magustohan ko.

"Ehem!" Pekeng ubo ni Ella Si Gabb naman namula sa sinabi ni Rans Hala siya?

"Huwag nyo pag agawan si Ate Gabb ako kaya kailan ako mapag aagawan?" Sabat ni Coleen, Eh kung batokan ko kaya to para madala?

"Subokan mo Di kana sisikatan ng araw Coleen" Pananakot ko sa kanya Napayuko naman ito, See takot ka pala.

"Abby Huwag mo ngang igaya si Coco sa boring mong lovelife!" Sigaw ni pandak este ni Sheki.

"Ikaw nga Ilang taon kana nagpapansin kay Alice Never kang napansin oops my bad" Sabi ko at kunyare tinakpan yung bibig ko narinig ko naman napahagikgik yung dalawang katabi ko.

"Si Alice kaya nagpapansin sakin" proud na sabi ni Sheki habang nakatingin sakin.

"Sige sasabihan ko siya na lagi siyang nagpapansin sayo" Nagulat ako ng may biglang bumato ng piattos sa mukha ko.

"Subokan mo lang Abby!" Pagbabanta niya napa smirk naman ako.

bumalik nalang ako sa pagkatingin ko sa bintana Habang sila nag aasaran parin, Di ko namalayan na napapikit nalang ako sa antok.

Coleen POV

Huminto narin ang sasakyan at sawakas nasa tapat na kami ng bahay ni Ate Sela nagsilabasan naman sila habang ako nasa kotse parin At ginigising si Ate Abby na sarap na sarap aa pagtulog nito.

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon