Chapter 45

1K 78 7
                                    

----

"Sheki ihinto mo yan yung Van na ginamit ni Gabb!" Binatokan naman ni Sela si Sheki upang mapahinto yung sasakyan. "Ang brutal mo cyst! ano kaba!" Sita ni Sheki dito tinignan naman niya ng masama si Sela na patay malisya lang sa ginawa nito.

"Mag promise kayo na hindi niyo sasaktan si Gabb" Saad ni Ella habang nag aalalang tumingin sa dalawa. "Magagawa ba naming saktan ang kaibigan namin?" Tanong ni Sheki at tinanggal ang seatbelt nito ganun din ang ginawa ng dalawa niyang kasama.

"Saglit nga sure ba kayong makakapasok tayo diyan? tignan niyo may Dalawang taong nagbabantay!" Tanong ni Sheki habang nakatingin sa mismong lugar napa buntong hininga naman ang kasama niyang si Sela. "Natatakot kaba? Kung oo umuwi kana" Lumabas naman si Sela sa sasakyan.

"Hoy pumasok ka nga dito wala pa tayong plano na naihanda tapos susugod ka nalang bigla? baka bago ka makapasok Diyan ay pinagbabaril kana" Sita ni Sheki at muling hinila si Sela papasok na sasakyan tumingin muna si Ella sa labas bago siya nagsalita. "Dadaan tayo sa magkabilang gilid, Sheki dala mo ba yung baseball bat na?" Tanong nito tumango naman si Sheki at siniko si Sela.

"Teka hindi ba nakakamatay to pag hinagpas natin sakanila?" Tanong ni Sela sabay abot kela sheki ng Kagamitan. "May naiisip kaba paraan bukod sa paghataw natin sakanila? pano tayo makakapasok?" Tanong ni sheki at inirapan nito ang kasama niya.

"20 minutes nalang bago dumating ang mga pulis kaya bilisan na natin" Saad ni Ella at lumabas ng kotse.

Sheki POV

Mga bakla tong sumugod kami na walang dalang plano manlang, Ayuko pang mamatay pero need ko talaga tumulong lalot na sa malaking problema kami ngayon.

Lumabas nako ng kotse sinenyasan kami ni Ella na dumahan sa magkabilang gilid. Pinasama ko na si Sela kay ella. Kaya ko naman sarili ko baka kung kasama ko pa yung dalawa edi maaga na kaming makakasama ni lord.

Dahan dahan akong naglakad papuntang entrance. Habang papalapit ako mas humihigpit ang hawak kong sa baseball bat. sana naman pag hinampas ko to hindi mamatay ayukong maging murderer!

"Andaming babae sa loob sa tingin mo kaya mamatay yung mga yun?" Rinig kong sabi nung isang lalake. Hindi kaya yung mga kaibigan ko yung tinutukoy nila? anong mamatay baka sila tong patayin ko ng maaga diyan. "Pero naawa talaga ako pre sa isang nakakulong sa bodega, Masyadong nabugbog ni boss" nakita ko naman sila ella na nakapuwesto na sa bandang gilid. Nagkatitigan kaming tatlo Nag thumbs up nako hudyat na hampasin na nila yung isa.

Hinampas ko naman sa ulo Yung isang lalake nasa Gilid ko. Ganun din sila ella pero mukha sa likod lang nila hinampas. >.< bakit sa ulo ko hinampas what if may pamilya to!? Teka Hindi ko dapat intindihin yan uunahin ko muna kaibigan ko.

"Sheki halika na!" Sigaw ni Sela agad akong tumakbo papalapit sa kanila. Pumasok kami sa loob magkakasama medyo lumang Building nadin to napasokan namin. "Mahahanap ba natin sila dito? anlaki laki" Saad ko habang nililibot ang tingin ko.

"Maghiwa hiwalay kaya tayo" Nanlaki naman mata ko sa sinabi ni Ella. "Mag isip ka nga ella kung mag hiwalay tayo mas malaking chance na matigok tayo" Sagot ko dito habang nakatitig sa kanya.

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon