Chapter 30

1.1K 74 1
                                    

Nile POV

Malalim na ang gabi pero dilat na dilat pa din ang mata ko kakaisip sa kiss na yun. habang nakahawak ako sa  labi ko. Ano ba tong nararamdaman ko tama ba to? Last check ko sa sarili ko 100% straight ako pero nung nakilala ko si Abby bigla nalang ako bumaluktot.

Hindi rin naman to first time na may nakiss ako, Parang nung nakaraan lang iniisip ko ano kayang Pakiramdam na mahalikan siya.

"Nile nababaliw kana" Sabi ko sa sarili ko at inayos ko ang pagkahiga sa kama ko. Pumikit ako saglit.

Muli ko nanaman naalala yung nangyare kanina kaya, Dali dali akong napadilat at umupo mula sa pagkakahiga.

"Hindi na pwede to"


Bigla namn ako nakaramdam ng uhaw kaya dahan dahan akong Tumayo ako at lumabas ng kwarto ko para pumunta sa kusina. Pagkapasok ko sa kusina nakita ko si Abby na nakasandal sa ref habang nakatingin sa cellphone niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya nung makita ko siya.

"Uhm abby" Tawag ko sa kanya. Napatingin to sakin. Damn bakit ba kasi napaka perfect ng itsura ng babae nato?

"O-oh N-nile G-gabing gabi na" nauutal na sabi nito, Hindi kaya nahihiya pa din siya sa nangyare kanina? Sabagay kung iisipin bakit nga naman hahalikan ng teacher ang student niya.

Pero simula umpisa aksidente lang yun!

"Di ka makatulog?" Sabay namin sabi ni Abby. Napakagat labi naman ako umiwas ng tingin sa kanya. Ano kaba Nile ampabebe mo siguro sa tingin niya ngayon.

"Uhm Abby" Panimula ko. Ako na mag oopen ng topic kasi randam ko na parang nahihiya pa din siya sa harap ko.

"Yes?" Tanong niya hindi to nakatingin sakin. Nakatingin siya sa cellphone niya.

Bumuntong hininga naman ako sabay sabing "About what happened yesterday, I didn't mean it" Nilakasan ko talaga loob ko khit medyo nahihirapan akong sabihin ang mga salitang yun.

Tumingin sakin si Abby at tumango "Well, About that kissed Nile..I don't think about it anymore" Parang bigla sumikip dibdib ko sa sinabi niya. Parang hindi bigdeal sa kanya yung kiss namin. So wala lang yun? para sa kanya Kasi sakin napaka bigdeal ng halik na yun.

"G-good" Nauutal na sabi ko at kumuha ng baso sa tabi niya. Umurong siya kunti kasi mukhang nakaramdam siya nabubuksan ko ang ref.

"Your sounds so dismay? did i said something wrong?"Tanong ni Abby mula. Humarap ako dito at ngumiti. "Good, Ayuko lang na magka ilangan Tayo abby hindi ko din nakakalimutan na teacher mo ko at student kita kahit na nasa iisang bahay na tayo" Pagsisinungalin ko sa kanya. Kahit na medyo nasaktan ako sa sinabi niya di ko pinahalata kasi ayukong biglang maawkward siya sakin.

"Mauna nako baka hinahanap nako ni rans, Pumunta lang talaga ako dito para kunin yung naiwan bracelet ni rans" Ngiti niya at pinakita niya sakin yung Bracelet.

Close kaya sila nung rans? tanga lang nile syempre kaibigan niya yun. Kaya close talaga sila. Bigla tuloy ako nainis nung marinig ko yung ibang pangalan ng babae.

"Uhm sige Goodnight abby" Yun nalang ang sinabi ko. Pagkaalis ni abby ay agad akong uminom ng tubig. Natense ako bigla dahil kay Abby.

"Well, About that kissed Nile..I don't think about it anymore"

So ako lang pala ang baliw na nag iisip about sa kiss na yun habang si Abby hindi naman bigdeal sa kanya. Sakto naman nagring ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumawag Yung ex boyfriend ko nanaman siguro may kailangan nanaman to sakin.

"Pero Gusto ko pa din na mapasakin ka Abby" Napangisi nalang ako sa sinabi ko, bago ko sagutin ang tawag ng ex ko.

Abby POV

Pagkabalik ko sa Kwarto ko inabot ko kay rans yung bracelet na pinapahanap niya, Hindi ko maintindihan kay Rans bakit gustong gusto niya matulog sa kwarto ko ngayon. Minsan nagtataka na din ako sa kanya kasi napaka clingy niya sakin nitong nakaraang araw.

"Buti nahanap mo" Nakangiting sabi nito sakin. Nasa taas lng naman ng ref bakit kasi iniwan niya doon. Tapos makakalimutan niya kung saan niya nilagay.

"Kung ikaw naghanap makikita mo talaga agad" Sagot ko at umupo nalang sa sofa habang siya nakahiga sa kama ko. Kala mo siya talaga may ari

"Abby wala pa akong balita kay Sela, Pero gumagawa naman ako ng paraan" Tumingin sya sakin at bumuntong hininga.

Bigla nalang kasi nawala ang communication ni Sela saming lahat. Sinabi din nila sheki nung tumawag sila kanina samin ni Rans ay out of coverage na daw to tuwing tinatawagan nila si Sela.

Nag aalala tuloy ako, Hindi ko alam kung okay ba siya o hindi. Iba yung kutob ko sa nangyayari ngayon.

"Natry nyo nabang pumunta sa bahay nila?" Seryosong tanong ko kay rans.

"Hindi pa Siguro bukas pupuntahan namin ni Gabb yung bahay nila Sela. Okay na ba yun abby para masatisfied kana diyan" Iritang sagot nito ni rans sakin. Binato ko naman siya ng unan buti nalang nasalo niya agad.

"Masama yung kutob ko knowing sela, Hindi naman siya mahilig mag off ng phone" Saad ko. Kilalang kilala ko si sela wala talaga siyang hilig na ishutdown yung phone niya. Baka daw kasi na may important call na dumating sa kanya kaya never siyang nag ooff.

"Huwag ka ngang praning diyan! Tsk pasalamat ka malakas ka sakin. Kung hindi never kung susundin mga pinag uutos mo diyan" Nakasimangot na sabi nito. Ang cute talaga ni Rans habang ng mamake face kahit kailan.

"Salamat nalang oh yan nagpasalamat nako" Natatawang sabi ko dito. "Pero abby bakit napaka concern mo pa din kay Sela kahit na nireject ka niya?" Nagbago naman itsura ko sa tinanong niya sakin.

"Kahit na ganun Kaibigan ko pa din si Sela. Naalala ko nung bata kami na proprotektahan namin ang bawat isa kahit ano man manyari." Napangiti nalang ako ng Biglang kong naalala yung panahong bata pa kami ni Sela yung puro laro lang at walang problema na dumadating sana bata nalang kami forever.

"Hindi kapa matutulog?" Tanong ni Rans sakin. pano ako matutulog kung nandiyan siya sa higaan ko?

"Eh nandiyan ka pa" Reklamo ko. Tumama naman sakin ang unan na katabi niya. "Arte mo! tumabi kanalang sakin Ambango bango ko kaya" Sagot ni Rans.

Wala naman akong nagawa kundi tumabi nalang sa kanya. Tumalikod ako sa kanya ayuko siyang kaharap naiilang ako.

Pumasok tuloy bigla sa isip ko yung nangyare samin ni Nile. Tama na rin na Nagkausap kami kaganina para walang ilangan sa nangyare. Mukha din naman okay lang sa kanya yung nangyare. Edi hindi ako magkakaproblema.

Ang problema ko lang naman ngayon ng tungkol kay sela. Bakit may kutob ako na my hinding maganda ang nangyayare sa kanya. Napaparanoid yata ako kasi hindi ko siya nakikita. Dahan dahan ko naman pinikit ang mata ko dinadalaw na din ksi ako ng antok.

---





Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon