Chapter 42

1K 74 5
                                    

Abby POV

Hanggang ngayon kasama ko pa din Sila Sela. Nandito na kami sa bahay sumama sila samin ni Sheki pauwi saktong kakabalik lang ni Gabb. Pinagmamasdan ko lang kilos niya simula kanina pero wala naman siyang ginagawa kakaiba inaasikaso niya pa din kaming lahat.

Abby mukhang nag iisip kalang ng masama sa tao itigil mo na yan.

"Sa isang linggo di ko kasama si Alice feeling ko kulang ako" Malungkot na sabi ni Sheki kahit sino naman malulungkot pati din kami.

"Gabb bakit nga pala ngayon kalang?" Tanong ni Sela sa kanya napatingin to agad kay sela at ngumiti. "May inayos lang ako Atlis natapos ko ng ayusin" Saad nito umiwas nalang ako tingin dito at tumingin kay Ella na natahimik lang.

Bigla naman may doorbell Kaya nagkatinginan kaming Lima "Oh bakit? kung sino pinaka malapit sa pinto siya na magbukas tsk" bored na sabi ni Sela "So dahil malapit ako ako magbubukas?" Tanong ni Sheki sa kanya

"Ako nalang magbubukas nag aaway pa kayo e parang pagbukas lang ng pinto pinag aawayan na" Buti pa si Ella nag iisip yung dalawa nag tatalo pa kung sino magbubukas.

"Napaka tamad nyo talagang dalawa di na kayo nagbago tsk" Irap ko sakanilang dalawa lumapit naman si sela sakin at agad akong niyakap "Huwag na galit abelaine si Sheki kasi ayaw buksan agad ang pinto" Turo ni Sela kay sheki.

"Oh ano ako nanaman!?" Turo naman ni sheki sa sarili niya. Bumalik naman si Ella na may dala dalang envelope. "Ano yan akin?" Tanong ni Gabb sa kanya at lumapit. "May isang batang nag abot nito sakin, napaka weird nga e" Sagot ni Ella sa kanya.

"Buksan niyo na" Utos ni sela sabay kumalas sa pagyakap niya sakin at lumapit kay ella. Lumapit na din ako sakanila upang malaman kung ano ba talaga ang laman nung envelope

"Nakapangalan kay Ate Abby" Nagulat naman ako sa sinabi ni Gabb. "Kay abby nakapangalan so sa kanya pinapadala yung envelope nito?" Tanong ni Sheki sabay inagaw kay ella yung hawak nito. Napasapo naman ako pati ba naman yan pinag aagawan nila.

Pagbukas ni Sheki biglang nag iba itsura nito at dahan dahan tumingin sakin. "Guys----" Hindi na natuloy ni Sheki ang kanyang sasabihin. "Sino nagpadala nito?" galit na sabi ni Sela napansin kong may hawak silang mga litrato. "Tignan mo ate abby, Mas maganda kung ikaw ang tumingin" Inabot naman ni sela muna kay gabb ang hawak niya. Binigay naman sakin ni Gabb ang mga litrato.

Halos manlaki ang mata ko sa litratong hawak ko. Picture ng mga kaibigan namin na may tape ang labi habang nakagapos sila. Bigla naman akong napaluha ng makita ko ang picture ni coleen na duguan.

"Abby tahan na" pagpapatahan sakin ni Sheki habang hinahagod ang likodan ko. Dahil kung titignan lahat ng litrato mas makikita mo kung sino ang pinahirapan nila kundi si Coleen. Hindi ko akalain na magsusuffer sila lalong lalo na ang pinsan ko.

"May cd pa pala" Saad ni Sela at pinakita samin yung CD na hawak niya. "U-uhm panoodin natin" Utal utal na sabi ko tumango naman si Gabb at kinuha ang hawak ni Sela na cd.

Habang naghihintay kami maplay ang cd. Ay mas lalo akong kinakabahan lumapit naman si Sela sakin at hinawakan ang aking kamay upang mawala kahit kunti ang kaba ko.

Nang magplay halos madurog ang puso ko ng makita si Coleen na nakatali ang kamay at paa nito na halos lantang gulay na.ibang iba ang itsura niya na muli namin siyang nakita at nakasama.

Hindi ko naman maiwasan ang umiiyak lalo naramdaman ko naman ang paghagod ni Sela sa likodan ko. "Sela bakit siya? Bakit hindi nalang ako" Maluha luha kong sabi kay sela "Abelaine tiwala lang magpakatatag tayo" Bulong ni Sela sakin at hinalikan yung noo ko at ngumiti.


May lumapit naman kay Coleen na isang tao.  Nakatakip ang mukha nito kaya di namin makilala agad bigla naman niyang  hinawakan ang buhok ni coleen at ipinaangat halos maiyak kami ng mga kasama namin dahil puro pasa ang mukha nito halos matapak na dahil sa dugong umaagos sa mukha niya tapos nakatape ang bibig nito.

"Sh*t Coleen!" Sigaw ni Sheki na halos gusto na niyang pumasok sa Loob ng tv.

Narinig naman namin na nagsalita ang Taong may hawak sa kanya. Halatang binago nito ang kanyang boses.

"Hoy coleen tumingin ka naman sa camera Siguradong miss na miss kana nila lalong lalo na ang pinakakamahal mong pinsan Say Hi" pagkasabi nito ay may dalawa pang Tao ang biglang pumasok at kinuryente si Coleen.

Kinuyom ko naman ang kamay ko. Halos rinig namon ang pagsigaw ni Coleen na hindi lang basta sigaw. Pinapahiwatid nito kung gaano na siya nasasaktan at nahihirapan.

"Tigil niyo muna yan" Huminto ang dalawa nitong kasama sa pag papahirap kay coleen ng magsalita yung isa. "Abby kung napapanood mo to Kung gusto mo mabawi ang mga kaibigan at ang pinaka mamahal mong pinsan pumunta ka dito iligtas mo sila hahahahahaha" Tumawa naman ito na parang demonyo habang punapalakpak.

"Hindi naman talaga sila madadamay kung hindi sila malapit sayo. Gusto mo makipag swap? mukhang yun ang gusto mo papayag naman kami Silang Lima kapalit ng buhay mo" Bigla naman umistop ang video. Ako naman dahan dahan napaupo sa mga napanood at narinig ko.

"F*ck! bakit si Abby ang gusto nilang kapalit!?" Sigaw ni Sela Hindi ko alam kung ano ang irereact sa mga oras nito. "Huwag muna tayo magpadalos dalos mag isip muna tayo ng paraan hindi pwede na ibigay nalang natin si Ate Abbt basta basta" Rinig kong sabi ni Gabb.

"Sino bang nagsabing ibibigay natin si Abby sakanila!?" Sigaw naman si Sheki habang nasa harapan ni Gabb "Hindi mo ba narinig papakawalan lang nila yung mga kaibigan natin kapag binigay natin si Ate abby sa kanila!" Sigaw ni Gabb hinawakan naman ni Ella si Gabb.

"Bakit gusto mo ba ibigay natin si Abby ng ganun ganun lang! Gabb may way pa para maligtas natin ang mga kaibigan natin" Naramdaman ko mahigpit na yakap ni Sela sakin. "Sige nga may naiisip kayo?" Sarcastic na sabi nito at nag cross arm.

"Hinding hindi natin ibibigay si Abby ng ganun ganun nalang tapos ang usapan" Rinig kong sabi ni sheki.

Dahil pala sakin kaya sila nagsuffer ng ganun hindi ko kayang Maghintay lang sa wala. habang ang iba pinahihirapan ano ba talagang kasalanan ko at sinisingil ako ng ganto kalala. Napangiti nalang ako Tumingin sa mga kasama ko.

"Willing ako buhay ko kapalit ng mga kaibigan natin" Nakangiting sabi ko nagulat naman silang Apat sa sinabi ko.

Kung ito lang ang way para maligtas ko ang mga kaibigan ko gagawin ko para sakanila.

--

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon