Chapter 46

1.3K 76 14
                                    

Abby POV

Kahit sobrang sakit ng katawan ko pinilit ko pa din tumakbo para mahanap namin ni Gabb agad si Coleen, Dapat galit ako kay gabb pero nung nalaman kung ginawa niya to para samin nawala agad ang galit ko.

"Wait lang ate abby! yun may nakalock na pinto---" Hinila ko naman palapit si Gabb ng may nakita akong anino papalapit  samin. "May papalapit satin yuko" Yumuko kami pareho ni Gabb. Ngunit halos manlaki Mata namin pareho ng makita kung sino ang taong papunta sa gawi namin.

"ELLA! / SELA!?" Halos sabay na sigaw namin ni Gabb habang nakatingin sakanilang dalawa. Agad naman silang tumakbo papalapit samin. "Ayos lang ba kayo?" tanong ni Ella samin ni Gabb.

"Bakit kayo nandito mapapahamak kayo !" Sigaw naman ni Gabb tumingin naman sakin si Sela at niyakap ako. "Kala ko di na kita makikita abelaine, Salamat ligtas ka" Niyakap ko naman pabalik si Sela. Namiss ko siya kahit ilang oras palang kaming hindi nagkikita.

"Baka nakakalimutan mo abby, May bomba sa lugar nato magyayakapan paba kayo? Hindi pa nga natin nahahanap si Coleen" Napakamot naman ako sa ulo ko at bago humiwalay sa pagkakayap kay Sela.

"May bomba dito si Sheki na---"

"Anong meron sakin!? may bakla kayo iniwan niyo ko napaka bilis niyong tumakbo!" Biglang sulpot ni Sheki sa tagiliran namin. Niyakapan naman ni Ella si sheki. "Kala namin ni Sela napano kana, Bigla ka kasing nawala sa likodan namin!" Saad ni Ella binatokan naman ni Sheki sila sela at ella. "Wow bakit parang kasalanan ko pa? Eh kayo sabay kayong tumakbo habang ako naiwan" Inawat na ni Gabb si sheki.

"Hanapin na natin si Coleen mauubosan na tayo ng oras" Seryosong sabi ko at hinawakan ang kamay ni Sela.

"Asan na sila alice!?" Sigaw ni Sheki habang nililibot ang tingin niya. "Huwag kang mag alala Nasa mabuting kalagayan na sila" Tinapik ko siya ng mahina tumango nalang ito.

---

"Sure ba kayong nandito sa lugar nato si Coleen!? baka sumabog nalang ang lugar nato di natin siya mahahanap" Nakapamewang na sabi ni Sheki samin. Napatingin naman kami kay gabb na nag iisip pa din.

"Akin, Sa tingin mo anong parte pa rito ang hindi natin napupuntahan?" Tanong ella sa kanya. "Gabb mag isip kana agad baka mamaya Hindi lang si Coleen ang mawala dito pati tayo dahil later on magiging abo na tayo tsk!" Ginulo naman ni Sheki ang kanyang buhok at umirap samin.

"Sheki alam mo ansakit sa tenga ng bunganga mo pwede bang manahimik ka muna kahit saglit?" Tanong ni Sela kay Sheki, Bigla naman napamewang si Sheki dito at pinandilatan siya. "Paano ako mananahimik kung ilng minuto nalang mamatay na tayo" Saad ni Sheki.

Halos ilang minuto din kasi kami nag hanap sa building nato pero walang anino ni coleen ang nakita namin, Nag aalala nako sa pinsan ko gusto ko na ulit siyang mayakap ng tuloyan at sabihin kung ano ang mga nasa isip ko. Namimiss ko na yung boses niya, Pangungulit at pag tawa niya sa tuwing Nasa paligid siya. Haist coleen sana tulongan mo kaming mahanap ka.

"Tama may isa pang parte dito na hindi pa natin napupuntahan" Biglang sabi ni Gabb kaya agad akong lumapit dito. "Kaso Hindi ko alam kung mabubuksan ba natin ang Pinto na tinutukoy ko" Napakagat labi naman ako sa sunod na sinabi nito.

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon