Chapter 41

1.1K 82 10
                                    

Abby POV

"Isa abelaine amin na yan!" Sigaw ni Sela sa tabi ko inagaw ko kasi yung remote at ni-next ko saktong nanonood siya ng doraemon na favorite niya. Kaya ayun sumigaw sigaw parang bata haist.

"Alam nyo sarap nyong pag utogin dalawa" Sita samin ni Sheki hindi ko namalayan na nakatingin pala samin si Sheki correction Hindi lang pala siya nakatingin samin pati si Ella.

"Sheki huwag mo naman sirain Moment nilang dalawa" Saad ni Ella at tinuloy ang pagkain ng kung ano man kinakain nila ni sheki nasa bandang kusina sila nakaupo. Habang kami ni Sela ay nasa Sofa sa sala nanonood medyo malapit kasi sa kusina kaya nakikita kami nila sheki.

"Abelaine Halika" Tawag sakin ni Sela "Halikan?" Tanong ko sa kanya Binatokan naman agad no Sela at hinila yung buhok ko palapit sa kanya. "Nauuhaw ako kunan mo ko Tubig" Sabay bitaw sa buhok ko Kakasabi lang ni Sela na mahal niya ako pero ginawa niya akong utosan. -.-

"Pwede ka naman kumuh---Ito na kukuha ako tubig madam saglit lang" Tumayo naman ako at tumingin muna kay sela bago Kumuha ng tubig sa kusina. "Oh tapos na landian session nyo?" Bungad sakin ni Sheki mani pala yung pinapapak nila ni Ella hindi ko namalayan. "Makalandian session kana man pinakukuha lang niya ako ng tubig" Sagot ko humagitgit si Ella at binuksan yung rip at inabotan ako ng bottle of water.

"Salamat Ella, Si gabb paba di pa nakakauwi?" Tanong ko kay ella "Nagtext siya kagabi may ginagawa lang daw siya ng importante pero yun na nga napapadalas nga" Sabi ni Ella at nagcross arm. Ano naman importante na gagawin nun?

"Ah ganun ba balik lang ako kay sela" Nakangiting sabi ko "Huwag kang ngumiti abby Ang ganda mo baka agawin kita kay sela Joke lang! sige balik kana" Sinipa naman ng mahina ni sheki pag kasabi ni Ella nun. Sila pag utogin kong dalawa diyan.

Bumalik na ako kung nasaan nakaupo si Sela nanonood pa din siya ng doraemon inabot ko sa kanya yung binigay ni Ella agad din naman niya ito ininom "Gusto mo jacket kukuhanan kita" Ngiti ko sa kanya "Nasa loob yata ng kwarto na tinutulogan ni Gabb yung jacket hiniram niya kasi nung nakaraan" Sagot ni Sela tumango nalang ako at agad tumayo hinawakan naman niya ang kamay ko. "Ako na kukuha baka sabihin mo pinapahirapan kita" Inalis ko naman pagkakahawak niya "Ako nag alok ako kukuha sige upo kalang diyan" Umalis nako sa harapan niya.

Hindi nako kumatok dahil alam ko na wala din naman si Gabb sa kwarto. Pagkabukas ko ng kwarto sobrang linis mas babae pa yata to si Gabb kesa sakin. Well babae din naman ako pero hindi ako masyado nag lilinis kadalasan pinapalinis ko lang si Coleen sa kwarto ko e.

Nakita ko naman ang Jacket sa Kama ni Gabb mukhang nakalimutan niya ibalik kay sela Kinuha ko naman agad to. Napakunot ang noo ko pag katingin ko sa sahig Agad ko naman kinuha ang isang pamilyar na bracelet sa sahig. "Ito yung bracelet na regalo ko kay Coleen nung birthday niya, bakit nandito to?" Nagpunta ba si Coleen dito? kaya nandito to. Bakit mapupunta sa loob to ng kwarto na tinutuloyan ni Gabb.

Bigla naman bumukas yung pinto kaya agad kong tinago sa bulsa ko yung Bracelet na na nakuha.  Pagkatingin ko sa likodan ko "Tagal mo naman kunin yung jacket abby kala ko kung ano nangyare sayo" Pambungad sakin ni Sela habang nakapamewang sa harapan ko. "Nagpupunta ba dito si Coleen?" Tanong ko kay Sela nagtaka naman siya sa tanong ko.

"Simula ng dumating ako dito three weeks ago hindi ko pa nakikitang Pumunta dito si Coleen, Bakit?" Sagot agad ni Sela lalo naman akong nagulohan Impossible pumunta nga si Coleen dahil sa nagdaan na two weeks lagi lang siya nasa bahay kasama si Nile minsan si Mari.

Tumingin ako kay Sela at dahan dahan ngumiti "Wala, Ito sela jacket mo sorry natagalan hindi ko agad nahanap e" Inabot ko sa kanya yung jacket niya. "Bakit parang nag iba yung mood mo ayos kalang?" Tanong ni Sela sakin at lumapit sakin.

"Uhm oo ako paba" Sabi ko sabay tap ng dibdib ko natawa naman siya sa ginawa ko. "Oo na Tara abelaine baka hinahanap na tayo nila sheki" Hinawakan naman niya ang kamay ko. Ako naman tong parang baliw na pangiti ngiti dahil sa holding hands namin dalawa.

Pagkabalik namin sa sala kumakain pa din yung dalawa wala bang kabusogan tong dalawang to? Si Ella naman mukhang nahawa na ni Sheki sa katawan. "Antagal niyo lumabas ah! kakakita nyo lang baka nag jujugan kayo Agad" Sinamaan naman ng Tingin ni sela si sheki.

"Gaya mo kami ni Abelaine kagaya sayo" Saad ni Sela at pinaupo ako umupo din siya sa tabi ko. "Kailan uuwi si Gabb, Ella?" Tanong ko bigla kay ella napahinto naman siya sa pagkain niya. "Susulpot nalang bigla yun wait mo lang--aish! inubos muna sheki!" Sabi ni Ella natawa nalang ng mahina si Sheki sa mya pinag gagawa niya.

"Bakit mo ba hinahanap si Gabb?" tanong ni sela sakin habang nakacross arm bakit bigla nalang nag iba tono ng boses nito "Hindi ko na kasi siya nakikita Mars" Yun nalang sinagot ko sa katabi ko. sumandal naman si Sela sa balikat ko "Huwag mo hanapin ang wala nandito naman ako yiee Baka himatayin ka sa kilig" Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatawa ako sa sinabi ni Sela.

"Peri total nabanggit mo si Gabb, Oo lagi siyang pumupunta dito pero lately hindi na siya masyado pumupunta Anyare na kaya doon hindi na nga niya nakakamusta si Ella. Nagtatampo na nga si Ella sa kanya hindi lang pinapahalata ng tao" Bigla naman pumasok sa isip ko yung Oras na Pinaghiwahiwalay niya kami nung araw na hinanap namin si Coleen. Hindi kaya may kinalaman siya?

"Pupunta nga dapat kami ni Ella nung araw na hinahanap niyo si Coleen, Kaso sabi ni Gabb Dumito na muna kami. Sorry niwala manlang kaming naambag" Saad ni Sela Ginulo ko nalang buhok niya sabay ngiti. "Okay lang yun Sela makikita din natin mga kaibigan natin, Mabubuo din tayo lahat pag nabuo Tayo gagawin ulit natin ang mga nagawa natin noon" Hinawakan ko naman ang ulo ni Sela habang Ang isip ko gulong gulo pa din sa nangyayare.

Iba ang kutob ko kay Gabb. Ayukong mag isip ng masama pero may puzzle sa isip ko na kailangan ko pa mabuo para malaman ko kung ano talaga.

----

A/N: May Nag PM sakin Kung tapos naba talaga tong story nato. hindi pa pero malapit na din itong matapos.

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon