Chapter 35

1.1K 71 6
                                    

Sela POV

Pahiga na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto. Hindi sana ako sasagot ng pangalawang beses ay kumatok ulit. "Saglit lang!" turan ko dahan dahan ako tumayo at pumunta sa tapat ng pinto at binuksan ito. Nakangiti si Gabb na tumambad sa harap ko habang nay hawak na Isang basong gatas.

"Sabi ni Ate rans ipainom ko daw to sayo bago ka matulog" wika nito Bigla tuloy sumagi sa isip ko si Rans kahit na alam kong galit siya sakin nagagawa pa din niya akong tulongan. "Gabb thankyou" Ngumiti ako sa kanya bago ko kunin yung hawak niyang gatas.

"Hindi kapa ba matutulog? Tara samahan mo muna ako sa sala hintayin  sila Akin pupunta kasi sila dito" Nawala naman ang ngiti ko sa mga labi ng marinig ko ang sinambit niya. "Sila" so hindi lang si Ella ang pupunta dito?

"Huwag kang mag alala Ate Sela sinigurado naman namin na Hindi ka agad matutuntun ng magulang mo. Mapagkakatiwalaan naman natin ang mga kaibigan din natin" Sabagay kilala ko naman ang mga kaibigan namin. Simula pagkabata sila na ang kasama kong lumaki hanggang sa umalis kami noon sa bansa.

"Si A-abby ba pupunta?" Nahihiyang sabi ko. Gusto ko kasi makita si Abby kahit isang beses lang matagal na ang huli naming pagkikita ni abby. "Ahm ate Sela dadating din naman yung araw na magkikita kayo. Sa ngayon maghintay kalang promise ako mismong magdadala kay Ate Abby dito" Tinaas naman ni gabb ang kanang kamay niya na parang sumusumpa. Kahit kailan talaga Hindi nagbabago ang ugali nito.

Nagtungo naman kami ni Gabb sa Sala binuksan nito ang tv at umupo sa tabi ko nanood kami ng Doraemon habang hinihintay ang mga kasama namin. Nakakapagtaka kasi hindi manlang si Gabb nagtatanong kung anong nangyari sakin Kahit si Rans Hindi manlang din siya nagtanong. Mukhang ayaw din nila malaman o baka alam na nila ang kwento.

Tumingin ako kay Gabb habang iniinom oo Yung gatas na bigay niya sakin. Nilapag ko naman yung baso sa lamesa na nasa harapan naming dalawa. "Gabb matanong kita bakit lagi kayong magkasama ni Rans?" Walang anuma'y tanong ko dito. Pansin ko lang lagi sila yung magkasama ni Rans.

Napatingin to sakin ng magtanong ako. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya "Sige huwag mo ng sagutin Gabb. Ito nalang tanong ko May namamagitan ba kay Rans at Abby?" Syaka ako muling tumingin sa kanya. "Wala naman namamagitan sakanilang dalawa. Magkaibigan pa din naman sila" Sagot nito.

"Alam mo Ate Sela pasalamat ka nga dahil kahit na gusto ni Ate rans si Ate Abby ay hindi niya padin nagawang agawin to sayo. Dahil mas pinapahalagahan niya ang friendship na meron kayo." Dagdag nito hindi nalang ako nagsalita. Tama nga ang hinala ko kay Rans na may gusto ito kay Abby kahit noon pa man napapansin ko na ito. The way na tumitig siya kay abby parang hindi lang kaibigan ang tingin niya dito.

Pero sa pag kakaalam ko may Girlfriend si Rans. Pano niya nagawang magkagusto sa iba?

Napahinto ako sa pagiisip ng marinig kong may nagdoorbell si Gabb na ang tumayo upang pagbuksan ng pinto ito. "HOY VAKLAH KAYO BAT ANTAGAL NIYO BUKSAN!?" Hindi pa man ako nakakatingin dito ay mukhang kilala ko na agad kung kaninong boses yun. The one and only sheki.

"Tara pasok kayo Nandito si Ate Sela" rinig kong sabi ni gabb. Tumingin ako sa gawi banda kung saan siya pumunta. Nakita ko naman si Sheki na mas mabilis pa sa kidlat na Tumakbo papalapit sakin. Napaarray naman ako kasi natapakan niya yung paa ko.

"Sheki ambigat mo!" Sigaw ko sa kanya niyakap naman niya ako na parang wala ng bukas. Na miss ko tong pandak nato kahit papano. "Bakit ngayon kalang nagpakita samin nag aalala kami sayo!" Sigaw ni Sheki hindi naman siguro siya galit at sa bandang tenga ko pa siya sumisigaw.

"Sheki Huwag mo ngang sinasakal si Sela diyan. Bumitaw kana sa pagkakayakap nahihirap si Sela oh!" sita ni alice sa kanya. Buti nalang masunurin si Sheki pag si Alice ang nag utos kaya agad din ito umalis sa pagkakayakap sakin.

"Kamusta kana Ate Sela?" Tanong ni Ella sakin na ngayo'y katabi ni Gabb na nakatayo sa may gilid. "Kahit papano ayos lang naman ako namiss ko kayo guys" Maluha luhang sabi ko.

"Kami namiss mo baka si abby!" Sabat ni Sheki. kahit kailan napaka prangka talaga nito. "Namiss ka din namin Sela bigla ka nalang naglaho kala namin kung ano na nangyari sayo' Buti nalang tinext kami ni Rans at pinapunta kami dito" nakangiting sabi nito sakin. Buti nalang talaga at nandiyan si Rans utang na loob ko sa kanya lahat ng ito.

"Ay loka ka hindi mo iniingatan ang skin mo bakit andami mong pasa!?" tanong ni sheki sakin "Mahabang kwento" Yun nalang ang nasabi ko sa tanong niya. Sa ngayon hindi ko pa kayang ikwento sakanila.

"Huwag nyo na munang tanongin si Ate Sela about diyan. Hindi ba kayo napagod pumunta dito?" Buti nalang iniba ni Gabb ang topic at nalihis sa tanong ni Sheki. "Sira nga yung elevator sa building nato balak na nga sana mag reklamo nito ni Sheki kasi naghagdan kami" Saad ni Alice. Mukha nga dahil pawid na pawis sila bago sila pumasok dito kanina.

"Oo nga akin tignan mo oh napagod ako" Nguso ni Ella. Ngayon pa sila maglalandian? baka ibato ko sakanila yung nasa tapat kong baso.

"Gusto mo kunan kita ng tubig?" Tanong ni Gabb Tumango tango naman si Ella. Maya maya pa nagsalita naman muli si Sheki. "Ako gabb nauuhaw ako" Napatingin naman si Alice dito at Kinurot siya.

"May paa at kamay ka pumunta ka sa kusina at kumuha ka ng tubig. Kuhanan mo na din ako" bossy na sabi ni Alice sa kanya. Lagi nalang under ni Alice si sheki ano pa nga bang bago sa dalawang to?

"Bakit ako ang kukuha ng tubig mo!?" Turo ni Sheki sa sarili niya. Nilakihan naman siya ng mata ni captain alice. "Tara gabb kuhanan natin ng tubig yung mga feeling prinsesa nasaan ba yung kusina dito" Iwas tingin ni Sheki kay alice. Wala pala siya tumawa nalang ng mahina si Gabb at hinila si Sheki.

Kahit kailan hinding hindi nagbabago ang ugali nila. Si Abby kaya kamusta? siya pa din kaya yung abby na nakikilala ko. Kelan ulit kaya kami magkikita? Sana sa muling pagkikita namin maging maayos na ang lahat.

Someone POV

Nang matanggap ko na ang text  ng kasama ko ay agad akong napangiti. Mukhang umaayon lahat sa plano Makita lang kayong masaya. Ay lalo akong pursigido na gawin lahat ang mga dapat na ginawa ko na noon. Poor them hindi nila alam na isa sa mga kasama nila ang Mismong sisira sakanilang lahat.

"Mapaghihiganti na din kita maghintay kalang" Nakangiting sabi ko at tumingin sa lapida na nasa harapan ko. Sisiguraduhin ko na iisa isahin ko silang lahat.

"Simulan natin sa pinaka bata hahaha"

---

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon