Chapter 1

256 40 5
                                    

Chapter 1

Napapansin ko na parati na lang nakatulala si Mama nitong mga nakaraang araw. Wala akong naiisip na dahilan kung bakit siya nagkakaganyan, hindi ko rin siya makausap dahil alam ko na hindi siya makakasagot ng maayos.

Siguro kakausapin ko na lang siya 'pag nabawasan na ang pagiging tulala niya. Pag medyo maayos na siya.

Nakatitig lamang ako sa kaniya. Katatapos ko lamang mag walis. Nakatingin siya sa malayo.

Hindi ko na lamang siya inistorbo at tumayo na. Marami pa akong gagawin. Mag huhugas ng pinggan, mag didilig, mag lalaba at mag sasaing.

Ako muna ang gagawa sa mga gawain ni Mama. Alam ko ang kalagayan niya kaya gagawin ko ang mga gawain niya. Kaya ko naman kaya bakit hindi.

Umupo ako sa harap niya. Inabot ko muna sa kaniya ang basong may lamang tubig bago magsalita.

"Ma, mag pahinga ka muna. Ako muna ang bahala dito." Saad ko habang hinahawakan ang kaniyang kanang kamay. Hawak naman niya sa kabila ang basong binigay ko sa kaniya.

Huminga muna siya ng malalim bago tumayo at binitawan ang hawak na baso. Nabitawan ko rin ang kaniyang kamay.

Wala siyang naging tugon. Nag tungo na lamang siya sa aming silid.

...

"Mama, kumusta kana?" Nakangiting tanong ko sa aking ina kinabukasan. Ngunit ni isang tugon ay wala akong narinig. Huminga na lamang ako ng malalim.

Mamaya  ko na lang siya  kokomprontahin. Dahil napapabayaan niya na rin ang sarili niya. Mahahalata mo sa kaniyang mukha ang labis na pag-iisip.

Labis siyang nag-aalala. Lumalalim na din ang itim sa ibaba ng kaniyang mga mata. Namumutla narin siya. Mukhang nabawasan din siya ng timbang.

Nag-huhugas ako ng pinggan  sa kusina nang narinig ko ang pagsarado ng aming pintuan at ang paglangitngit ng luma naming upuan, nangangahulugan itong may umupo.

Kababalik lamang ni Mama galing sa pamamalengke. Nilingon ko si Mama na ngayo'y nakaupo na sa tapat ng maliit naming lamesa muli kong ibinalinang aking paningin sa aking ginagawa. Kahoy ito kaya matunog. Matagal na rin kami sa bahay na ito.

Kahit na halos nakatulala siya sa nagdaang araw ay hindi naman niya ako napapabayaan. Sa simpleng pag kumot niya sa akin pag ako ay natutulog ay kumakalma na ako. Naiisip ko na ayos lang siya at mabuti pa din ang lagay.

Nilingon ko siya mula sa paghuhugas ko ng pinggan, halos magkalapit lamang kami dahil narin sa liit ng aming tahanan.

"Ma, kumusta kana?" tanong ko sa kaniya, dahil mukhang ayos na rin siya.  Siguro mas bumuti ang lagay niya dahil nakalanghap siya ng sariwang hangin ngayon.

Nilingon niya ako at nginitian na para bang sinasabi niya sakin na magiging ayos lang ang lahat, walang mangyayaring hindi maganda. Natapos na ako sa paghuhugas  at pinupunasan ko na lamang ang aking mga kamay.

Tinawag niya ako kaya lumingon ako sa gawi niya.

"Alyana, anak."

Pinalapit niya ako sa kaniya. Pagkalapit ko sa kaniya ay nagsalita na siya agad na para bang hindi ito pwedeng ipabukas.

"Aly anak, ililipat na kita ng paaralan. Mas nararapat ka don." Hindi na ako nagulat sa naging turan niya dahil hindi lingid sa kaalaman ko na mahirap ang buhay. Iginapang lamang ako ni Mama sa pag-aaral.

Sa umaga ay nagtitinda siya ng gulay. May taniman din kami ng gulay sa bakuran kaya dun na mismo kumukuha si Mama ng kaniyang ititinda. Katulong niya ako sa pag tatanim. Minsan naman ay sinasamahan ko siya sa pag titinda pag wala akong pasok.

Finn Academy: Where Magic Is AllowedWhere stories live. Discover now