Chapter 13

60 4 0
                                    

Chapter 13

Biglang nawala ang ingay sa paligid nang pumasok ang elite. Lahat sila ay nasa elite ang tingin. Hindi nagtagal ay nasa sa akin na ang kanilang paningin. Hindi rin naman nakapagtataka dahil sino ba naman ako para makasama ang mga elite.

Nahihiyang iniwas ko ang aking paningin. Samantala ang mga elite ay tila sanay na sa nakukuhang atensyon. Diretso ang mga tingin nila, hindi pinapasadahan ng tingin ang mga nandito. Ang kanilang tindig at dating ay masasabi mong napaka respitadong tao sila. Nagpatuloy na lamang kami maglakad. Nakahawak parin ang braso ni Ashley sa akin.

Tumigil kami sa isang glass na table. Ang mga table dito ay may mga kulay na hindi ko alam kung para saan. Mayroong dilaw, green, blue at red. Isa lamang ang transparent at glass ito ay ang para sa elite.

"Ashley, sigurado ka ba? Pwede namang sa ibang table ako." Bulong ko sa pinsan ko na ngayon ay nakangiti ng malaki.

"Oo naman, ako ang nag aya sa 'yo dito diba, pag hindi sang ayon si Clark ay magsasalita at tututol yan." Nakangiting bulong niya sa akin.

Wala na akong nagawa pa at umupo na lamang. Sabay ng pag upo ko ay ang ingay at bulong ng mga nandito.

"Sino ba yan?"

"Diba siya yung transferee?"

"Bakit kasama niya yung elites."

Samut-saring tanong at bulong ang maririnig mo. Hindi ko na lamang pinansin ito dahil parang wala lang din ito sa mga kasama ko.

Mayroong huminto sa gilid. Napa angat ang tingin ko dito. Bali ang ayos namin, nasa pinaka gilid si Ashley sa gitna ako, sa kanan ko si Ethan katapat si Scarelette. Nasa gitna si Clark at sa kanan nito si Edward. Isang babae, yumuko muna ito kay Clark at nagsalita na.

"Ano pong order nyo?" Pagtatanong ng babae. Sinundan ko ang tingin ng babae, natagpuan ko ang tingin nito kay Clark subalit wala ang tingin niya rito. Ngayon ay nakangiti ng malaki habang malagkit ang tingin kay Clark. Iniwas ko na lamang ang aking paningin at lumanding ito sa aking pinsan na kasalukuyang nagtataas baba ang kilay habang nakangiti ng mapang asar.

"A20 set. Lahat na kami." Napatingin ako kay Ethan sa sinabi niya. Napatingin din siya sa akin at ngumiti ng mapaglaro. Natatawang iniwas ko ang aking paningin.

Dumating na ang order namin. Isang coke, fries, fried chicken at rice. Sobra Nagsimula na kaming kumain ng walang imik.

Hanggang sa matapos kami ay wala pa ding imikan. Napaangat ang tingin ko nang tumayo si Clark, sumunod si Ethan. Hanggang sa silang lahat na ay tumayo, nakisama na lamang ako.

Lumakad nang nakapamulsa si Clark. Nandon pa rin ang tindig na nakaka intimida.nangunguna siya sa paglalakad. Sumunod na lamang kami, walang nangahas na mag salita.

Nang malapit na kami sa classroom ko ay nagpaalam agad ako kay Ashley. Pumayag naman na siya kaya umalis na agad ako.

Pumasok na ako sa aking silid aralan. Power class ang klase ko ngayon. Umupo na ako sa silid namin. Naabutan ko si miss na nagsasalita. Napatingin sa akin ang iba, anong oras naman na kasi. Bakit ba nakalimutan ko ang oras. Hindi ako dapat nahuhuli sa klase.

"Sorry po sa pagiging late." Saad ko at yumuko ng kaunti bilang paghingi ng tawad.

"Take a sit, miss."

Umupo ako sa pinaka dulong upuan malapit sa bintana.

Inayos ko ang aking bag. Tinignan ko ang labas, maalinsangan ngayon. Ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa harap at itinuon ang pansin kay miss na nagpapaliwanag.

"Hindi na ako ang magtuturo sa ibang kaklase nyo na marunong nang gamitin ang kakayahan. Kaya kayo na lamang ang aking tuturuan. Tuturuan ko kayo hanggang sa matapos ang school year nyo. Maraming pagsasanay ang kailangan nyong gawin. Kaya ngayon palang ay sinasabi ko na sa inyo, hindi madali ito. Tandaan nyo, ang kakayahan nyo ay bihira lamang. Hindi lahat ng tao ay mayroon nito, kaya sanayin nyo ito upang hindi masayang..."

Iniwas ko ang mga mata ko kay miss, itinuon ko ito sa labas ng bintana. Ang sarap sa feeling pag mayroon kang nakikitang ganito. Nakakaginhawa.

"That's all, wala tayong klase ngayon. Sa susunod muli nating pagkikita, paalam." Tumayo na agad kami pag-alis ni mam.

Kukunin ko na sana ang aking bag nang mayroong kumalabit sa akin. Nilingon ko ito habang inilalagay ang aking backpak.

"Aly."

"Bakit?"

"Nakita kasi kitang nakatulala, ano bang iniisip mo?"

"Wala."

Sabay kaming lumabas, habang nag-uusap. Huminto kami sa paglalakad nang humarang sa harapan namin si Ashley.

"Aly, doon pala ako matutulog sa dorm natin." Lumipat ang tingin niya sa babaeng katabi ko.

"May bago ka pa lang friend, bakit hindi mo sinabi sa 'kin." Bulong niya sa akin habang pasulyap-sulyap kay Anne.

"Ngayon pa lang kasi tayo magsasama ulit. Nakalimutan ko kanina dahil sino ba naman ang gustong magsalita sa ganoong katahimik." Asik ko sa kaniya.

"Tama ka naman." Saad niya habang tumatango nang dahan-dahan.

"Anne si Ashley, pinsan ko. Ashley si Anne, bago kong kaibigan."

Galak na inilahad ng aking pinsan ang kaniyang kamay. Nahihiyang tinanggap ito ni Anne.

"Kilala na kita, sino ba ang hindi nakakakilala sa elites." Natatawang saad ni Anne habang tinatanggap ang kamay ng aking pinsan. Napasimangot naman si Ashley.

"Hanggang dito na lang ako, mayroon pa akong gagawin." Kumaway pa sa amin si Anne, kumaway na rin kami.

Humarap kami sa aming daan ng hindi na makita pa si Anne.

"Ngayon na lamang tayo nagsama ulit, mag bonding tayo, wala naman tayong pasok bukas." Excited niyang saad. Hindi na siya makahintay pa at hinatak na ako.

Nanonood kami ni Ashley ng isang movie. Kasama din namin si Kleah. Weekend naman kaya mag sasaya kami sa gabing ito. Sama-sama kami sa iisang kama. May mga pagkain din kami. Napag kasunduan namin na mag movie marathon. Tapos na rin kami mag half bath. Nakapatay na rin ang ilaw dahil hindi kami sanay.

Tatlong movie na ang napapanood namin. Tungkol ito sa mga hayop. Mayroong ingay ang dapat nilang pahintuin. Wala sila sa kanilang sarili. Dahil dito nasira ang syudad.

Hindi na namin namalayan ang oras. Naka pito kaming movie. Natapos na lamang kami ng makita namin ang malapit ng pag sikat ng araw. Natawa na lamang kami dahil mukhang napa sobra kami.

Natulog na agad kami. Nakatulog kami agad dahil sa pagod.

---
Votes&Comments are highly appreciated. Share your thoughts din po about this story. I'll surely read it. Love lots!

Finn Academy: Where Magic Is AllowedWhere stories live. Discover now