Chapter 14

39 2 0
                                    

Chapter 14

Nagising ako kinabukasan ng inaantok pa, ikaw ba naman ang mag movie marathon hanggang sa umaga.

Alas dos na ng hapon ng magising ako. Tamad na tumayo ako habang nag uunat. Napatingin ako sa katabi ko, ngunit wala akong nadatnan na Ashley sa aking tabi.

Inilipat ko ang aking paningin kay Kleah. Nakita ko siyang nakabusangot pa ang mukha, nakahupo siya habang nag uunat. Tamad siyang tumayo. Nang makakita nya ako ay lumapit agad siya.

"Naka luto kana?" Saad niya habang humihikab pa, siguro kung hindi lang siya nagugutom hindi na siya tatayo pa at hihiga na lang ng magdamag.

"Hindi pa, kagigising ko lang din tulad mo." Wika ko habang nag pupusod ng aking buhok. Inayos ko na rin ang aming  kama ni Ashley. Speaking of Ashley...

Lumingon ako sa kaniya at nag tanong. "Nakita mo ba si Ashley? Hindi ko na siya nakita pa noong paggising ko."

"Hindi nagpaalam sa akin yon." Saad niya at tumalikod na. Kinuha niya ang thermos at nagtimpla ng dalawang kape.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tapat ng mesa. Kumuha din ako ng pandesal at nagsimula ng mag kape. Tumayo siya at binuksan ang gasul. Pinainit niya ang kawali at nagsimulang magprito ng dalawang itlog, ginawa niya itong malasado. Nagprito din siya ng nuggets. Sinunod din niya ang pag sangag ng  kanin. Ginisa niya ang bawang at nag sangag na.

Kumuha naman ako ng plato at baso. Inilagay ko na rin ang dalawang itlog at nuggets. Sa paraan na ito ay makatulong ako. Natapos na rin siya mag sangag ng kanin.

Hanggang ngayon ay nagtatanong pa rin ako kung nasaan ba talaga si Ashley.

Napa angat ang tingin ko mula sa kalagitnaan ng pagkain nang magsalita siya. Binasag niya ang katahimikang pumapalibot sa amin.

"Wag ka ng mag alala, nag iiwan naman si Ashley ng sulat sa table o unan. Hindi mo lang siguro napansin kasi maliit lang  'yon."

"Sige, titignan ko na lang mamaya." Muli ay binalot kami ng katahimikan. Natapos din kami ng hindi masyadong nag iimikan.

Ako na ang nag hugas ng aming pinag kainan. Siya naman ang nag punas at nag ayos ng mesa.

Natapos ako sa paghuhugas. Pinunas ko ang aking mga kamay sa damit na suot ko bago hawakan ang sulat na nasa table. Ngayon ko lamang ito napansin, tulad ng sinabi ni Kleah ay maliit lamang ito at hindi madaling mapansin. Kinuha ko na ito at binasa.

'Aly, hindi na ako naka pag paalam sayo.  May biglaang meeting. Pinatawag kami ni Clark. Sa sobrang pagmamadali ko ay nakalimutan kong magsabi, tulog rin kayo kaya nag iwan na lamang ako ng letter. Uuwi ako agad pag tapos na. Manonood pa tayo ng movies.' Habang binabasa ko 'yon ay parang naririnig ko ang boses ni Ashley. Natawa pa ako sa huling pangungusap niya.

Itinabi ko na lamang ang sulat niya at nagsimulang gumawa ng gawaing bahay.

"Aly, lalabas muna ako. Bibili lang ako ng mga grocery natin. Naubos rin yung mga junkfood at ice cream natin kagabi. Ang lakas don ni Ashley." Natatawa niyang saad.

Napatawa na rin ako dahil sa sinabi niya. "Sige. Ako na lang ang gagawa ng mga gawaing bahay. Feel ko na kailangan kong gumalaw. Naging busy na rin kasi tayo."

"Sige. Alis na 'ko." Tumango na lamang ako at sinabing mag ingat siya.

Katahimikan ang bumalot sa bahay. Ako na lamang ang tao dito. Huminga muna ako ng malalim bago gumawa ng mga gawain.

Sinimulan ko ang pag wawalis. Madami na rin ang alikabok kasi matagal na rin ng huling mag walis. Nagtagal ako sa pag wawalis dahil sa mga alikabok. Mayroon din akong inusod na sofa upang matanggal ang mga kalat na nasa likod nito. Mayroong isang haba na sofa dito. Mayroon ding tv na naka lagay sa pader. Dito kami nanood kahapon.

Dalawa ang kama at meron ding maliit na kusina. Isang banyo at maliit na mesa, kasya ang apat na tao. Nag tanggal rin ako ng mga agiw. Pinalitan ko na rin ang mga punda at bedsheet namin. Sana hindi magalit si Kleah. Pagkatapos kong palitan ito ay nilagay ko ito sa labahan. Bukas na lang lalabhan.

Nag punas na rin ako ng ilang gamit. Pinalitan ko rin ng baterya ng wall clock nang makitang hindi gumagalaw ang mga kamay nito. Minsan ko lang ito magawa dahil lagi kaming tulong. Ngayon, mag isa lamang ako.

Natapos ako sa lahat ng gawain. Kaunti lamang ang ginawa ko dahil konti lamang ang gamit dito. Malaki ang dorm ngunit kaunti lamang ang gamit dito. Halos mga kailangan lang ang nandito. Mga panluto, study table, ilang gamit na babasagin.

Nagpahinga lamang ako ng saglit at naligo na. Nagtagal ako sa pagliligo ko. Hindi inaalala kung nandito na sila. Mayroon naman silang susi at maaaring makapasok kung nandito na sila.

Natapos akog maligo ngunit wala pa sila. Binuksan ko na rin ang tv upang malibang ako. Tinignan ko ang oras at nalamang alas singko na. Nalipat lamang ito ng marinig ko ang pagkatok.

Dali dali akong tumayo at binuksan ito. Sumalubong sa akin ang dalawang babae. Parehas silang may buhat na tig dalawang plastic ng groceries.

"Aly, papasukin mo na kami. Ang bigat ng mga dala namin." Saad niya habang medyo inaagat ito tila pinapakita talaga sa akin kung gaano ito kabigat at anong dala nila.

Binuksan ko ang pinto ng malaki. Agad na nilagay nila ito sa mesa. Lumapit naman ako sa kanila.

"Nakakapagod ang araw na 'to. Pinatawag ka ng maaga para sa meeting tapos kailangan pa mag grocery." Pag rereklamo ni Ashley habang nakasalampak na sa upuan at patagilid na nakapatong ang kaniyang ulo sa mesa.

"Parang ngayon mo lang ginawa 'to Ashley. Madami ka pang gagawin sa mga susunod na araw." Saad ni Kleah habang inilalagay ang mga pinamili nila sa ref at ang iba sa cabinet.

Tinulungan ko na rin siya sa pag-aayos. Hinayaan na lang namin si Ashley na mag reklamo. Titigil rin siya mamaya kapag nalabas na niya yung mga hinaing niya.

Nasa de lata na ang aming pag aayos ng magtumigil siya sa pag sasalita. Naramdaman ko na rin ang paglapit niya sa amin. Inakbayan niya kaming pareho at may sinabing nakapag patawa sa amin.

"Hindi pwedeng matapos ang araw na 'to na hindi tayo nanonood!" Masiglang pahayag niya.

"Ano ba Ashley, nakaligo ka ba? Ang baho mo." Pasigaw na saad ni Kleah natawa na lamang ako ng mapasimangot ang aking pinsan.

Inamoy pa niya ang sarili at nagtatampong tinignan ang babaeng ngayon ay pilit na nag seseryoso.

"Wala naman, ah! Pero sige maliligo na ako." Umalis siya sa aming tabi,  kumuha ng kaniyang masusuot at pumasok na sa banyo.

"Tsk."

Tinignan ko si Kleah na tapos nang maglagay ng nga stock namin. Napala iling pa siya.

"Minsan madaling utuin si Ashley pagdating sa mga ganoon. Gusto niya kasing manood kaya gagawin agad yung mga sinabi."

Napangiti na lamang din ako. Ako na ang nag handa para sa panonood namin. Pag tapos kasi maligo ni Ashley sumunod agad si Kleah.

Nakapatay na ang ilaw at kasalukuyan na kaming nanonood ng mga movie. Nasa kaliwa ako, sa gitna si Ashley at nasa kabila si Kleah. Romcom ang pinapanood namin. Kinikilig pa nga ang aking pinsan pag may mga nakakakilig scene para sa kaniya.

Sinasabi pa niyang magiging ganoon din sila ni Edward. Hinayaan na lamang namin siya ni Kleah.

Finn Academy: Where Magic Is AllowedWhere stories live. Discover now