Chapter 2

153 27 4
                                    

Chapter 2

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang makausap si Mama. Kailangan kong malaman kung anong nangyayari, kung bakit nandito kami.

Anong ginagawa namin dito. Hindi naman namin 'to bahay. Kung sakaling sa amin ito, ay wala akong alam na may bahay pala kaming mala-palasyo ang laki.

Inayos ko muna ang pinagtulugan ko. Tumayo na ako upang  makapag hilamos na ako. Nagtali ng aking buhok.

Lumabas na ako at hinanap si Mama. Una 'kong pinuntahan ang kaniyang silid. Nakita ko kasi na medyo naka awang ang pinto. Inisip ko kaaagad na ito ang silid niya.

Malaki ang kaniyang silid. Mas malaki ito kesa sa akin. Sa tingin ko ay ito ang Master bedroom.

Nilibot ko ang buong second floor. Merong anim na kuwarto dito.

Pinuntahan ko lahat ng maaaring puntahan dito. Halos lahat ng gamit dito ay antigo. Hindi ko alam kung hilig ba nang may-ari ng bahay nito ang pagkolekta ng mga antigo o dahil na rin sa tagal ng bahay na ito.  Nang mapagod ako ay bumaba na ako.

Pagbaba ko ay nakita ko si Mama na may kasamang matanda, siya yung sumalubong sa amin kahapon. Siya ang mayordoma dito at wala na akong duda don. Mukhang matagal na rin siya dito.

Kausap niya si Mama na tila ay matagal na silang magkakilala.

"Ma." Tawag ko sa kaniya at lumapit.

Lumingon siya sa akin at ngumiti ng matamis.

"Good Morning, anak." Pagbati niya sa akin. Tumango ako sa kaniya at bumati pabalik.

"Good morning po manang." Pagbati ko sa matanda. Tumango ito at ngumiti sa akin.

"Magandang araw din Aly."

Umupo sa centro si Mama nasa kanan niya ako. Inaya pa namin si manang na sumabay sa amin.

Noong una ay ayaw niya ngunit nangulit si Mama. Hindi pumapayag sa gusto ng matanda. Kalaunan ay pumayag na ito at umupo sa tapat ko.

"Ma, nasaan tayo. kaninong bahay 'to?" Pagtatanong ko sa kaniya habang naglalagay ng pagkain sa aking plato.

"Mamaya na tayo mag-usap, kumain muna tayo." Tumango ako at sinunod ko ang kaniyang sinabi.

Matapos naming kumain ay pumunta kami sa living room. Meron ditonh  malaking chandelier. Umupo kami ni Mama sa isa sa mga sofa doon.

"Aly, anak." Tawag nya sa akin. Magkatapat kami sa upuan.

Bago ako makapag tanong ay nag salita na siya kaagad.

"Aly, patawarin mo si Mama." Panimula niya.

'Patawarin' ibig sabihin may ginawa siyang masama. Nagsinungaling siya. Ayaw pa naman nya sa mga sinungaling ngunit heto siya at siya mismo ang gumawa non.

"Sa atin ito. Hindi totoo yung pinaramdam kong buhay sayo. Hindi totoo yung buhay na natamasa mo. Hindi totoo ang lahat ng 'yon. Patawad anak. Patawarin mo si Mama." Nangingig niyang saad.

Katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi kaagad ako nakapag salita. Hindi ko alam ang aking sasabihin.

Nakarinig ako ng mahihinang hikbi. Sigurado akong hindi ako yon. Napatingin ako kay Mama, nakayuko siya at nanginginig ang kaniyang mga balikat.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"Ma naiintindihan kita. Kahit hindi ko pa alam ang lahat, naiintindihan kita." Pag susuyo ko sa kaniya. Totoo ang aking sinabi.

Hindi ko man alam ang lahat, gagawin ko ang aking makakaya upang intindihin siya. Hindi ako mapapagod na intindihin siya.

Tumingin siya sa aking mga mata. "Anak, ginawa ko 'yon dahil akala ko ay yon ang tama. Para sayo lahat nang yon. Ginawa ko yon hindi para sa akin kundi para sayo." Pagsasalaysay niya. Mahinahon na siya at tumigil na rin sa pag hikbi.

Nagtatanong ko siyang tinignan.

"Ma, ano bang pinagsasabi mo?" pagtatanong ko sa kaniya. Wala akong idea sa sinasabi niya.

"Ginawa kong normal ang lahat. Akala ko kaya ko, kasi yun yung gusto ko. Yun yung gusto ko para sayo. Ayaw kong madamay ka pero mukhang nakatakda na talaga yun. Wala na 'kong magagawa pa." Pag papatuloy niya. Tumayo na siya kaya tumayo na din ako.

"Lumabas tayo, maganda ang araw ngayon. Malapit na rin ang tag-ulan kaya sulitin na natin ito. Matagal tagal pa natin mararanasan ang ganitong kasarap na pakiramdam." Pag-iiba niya sa usapan.

Lumabas na siya patungong garden. Sumunod na lamang ako.

Hindi ko na rin nabanggit sa kaniya ang naging saad niya kanina dahil mukhang nakalimutan na niya ito.

Habang nag lalakad kami, makikita mo talaga ang kagandahan sa paligid. Halatang naaalagaan.

Dumeretso kami sa garden ng bahay na ito. Manghang tinignan ko ito dahil na rin sa kagandahan ng mga bulaklak. Maraming rosas dito na parehas naming paborito ni Mama.

Halos lahat ata ng katangian niya nakuha ko. Natutuwa ako dahil mayroon kaming ganitong paligid. Hilig din kasi ni Mama ang mga bulaklak kaya hindi na ko mag tataka pa.

Namasyal kami buong araw.

Lahat na ata ng lugar dito sa bahay ay napuntahan kona dahil kay Mama, siya mismo ang kasama ko sa buong maghapon.

Hindi ka mapapagod dahil na rin sa kagandahan ng lugar. Napaka sariwa at tunay na nakaka relax dito. Napuntahan namin ang garden na kay sarap sa pakiramdam. Nalibot na din namin ang loob ng bahay. Hindi lang ang loob pati ang mga parte nito.

Sa pagpunta namin sa huling destinasyon ay  mas lumaki ngiti niya.

Alam ko na kung bakit dahil tunay ngang maganda ang lugar na ito. Ito ang fountain. Malinaw ang tubig nito. Naaalagaan ng husto.

Malapit na rin kasing mag gabi kaya mas gumanda ang paligid. Kung pagmamasdan mo ang buong lugar ay parang nasa ibang bansa ka. Kulay kahel lamang ang makikita mo.

"Ma ang ganda niya." Pagpupuri ko sa babae.

Ang nasa fountain kasi ang babae na nakatayo. Naka tayo ito kaya kitang kita mo ang kagandahan nito. Tunay ngang maganda siya. May lumalabas na tubig sa kaniyang mga palad na parang sa kaniya talaga galing ito. Nagmumukha siyang dyosa. Kahit na bato ito ay kakakitaan mo talaga ng kagandahan.

Tumingin saakin si Mama at ngumiti. "Napakaganda niya hindi ba?" Tumango ako sa naging saad niya.

"Ito ang pinaka paborito kong parte sa bahay na ito bukod sa garden sa bahay na ito." Makikita mo talaga ang saya sa kaniyang mga mata. Nakakatuwa pag nakikita mong ganito kasaya ang iyong ina.

Pagsapit ng gabi ay talagang nakakapagod. Sabay kami nila Mama at manang sa hapag. Naglalagay ako ng aking pagkain ng mag salita siya.

"Nagustuhan mo ba ang ating paglilibot Aly, anak?" Pagtatanong nya ni Mama sa akin. Sino ba ang hindi magugustuhan ang ganitong paligid. Tahimik at payapa. Gusto ko din ng ganitong buhay.

"Ma, nagustuhan ko po. Ang ganda po dito. Maaliwalas. Hindi nakaka buryo." Pag sasagot ko sa kaniyang tanong.

Ngumiti na lamang siya at tumango.

Natapos na kaming kumain. Ako na ang nag prisintang mag hugas ng plato. Gawain ko naman ito noong nasa dati naming bahay. Kasama ko si manang dito upang tumulong. Umalis na si Mama upang makapag paninga. Alam ko kasing pagod na siya kaya prinisinta ko sa kaniya ang pag papahinga.

Nalaman ko din na tuwing weekdays ay may kasamang katulong dito si manang. Hindi ko lamang siguro napansin sila kaya parang walang kasama si manang.  Pag weekends naman ay ang apo niya ang kasama niya.

Natapos kami sa paglilinis at pag huhugas ng plato. Umakyat na ako upang magpahinga. May nakasalubong akong babae paakyat ko sa hagdan.

"Maam." Tawag niya sa akin at yumuko. Nagugulat ko siyang tinignan.

"Wag mo na 'kong tawaging maam. Aly na lang." Pag sasabi ko sa kaniya. Tinignan ko siya. Napansin ko na kulay blue ang kaniyang damit hanggand tuhod ito. May apron din ito sa harap. Ang palagay ko ay sa kusina siya naka-assign.

"Paki patay na lamang ang mga ilaw at maaari ka nang magpahinga." Nag angat siya ng kaniyang tingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Nagpaalam na rin ako upang makapag pahinga na.

Finn Academy: Where Magic Is AllowedWhere stories live. Discover now