Chapter 11

69 3 0
                                    

Chapter 11

"Paano...ibig-sabihin..." Hindi ko alam ang tamang sasabihin ko.

Ngumiti ng marahan si fairy. "Ngayon na nalaman mo na ang iyong kakayahan ay maaari ka nang makabalik sa totoo mong mundo..."

"Dalawang araw ang inilagi mo dito ngunit isang linggo ka ng wala sa totoo mong mundo, Aly."

Sa sobrang gulat ko ay hindi agad ako nakapag salita.

Mas lalo akong nagulat nang imilot sila at tila bumubuo ng bilog. Dahan-dahan akong tumayo at malungkot na tinignan ang lahat. Unti-unti kong naramdaman ang pagtulo ng luha sa aking kaliwang mata. Hanggang sa mayroon pang sumunod na dalawa.

"Wag kanang malungkot Aly, maaari ka pa namang makapunta dito, maaari namang kami ang pumunta sa mundo nyo."

Napalingon ako kay fairy, siya ang unang nakilala ko dito. Una kong naka usap at naging kasundo sa madaling panahon.

Mabilis na lumakad ako palapit sa kaniya at pilit ang ngiting huminto sa tapat niya.

"Wag na sabing malungkot magkikita pa naman tayo. Pag mayroon kaming extra time pupunta kami sa inyo, pag ikaw ang mayroong sobrang oras maaari mo kaming bisitahin dito."

"Asahan mong bibisita ako minsan sa inyo. Kayo din."

Ngumiti kami sa isa't isa. Kaya ganon na lamang ang gulat ko nang lumipad siya nang mabilis patungo siya sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya ng malaki ngunit nanlaki ang mga mata ko noong niyakap niya ako sa leeg ko. Natawa na lamang ako dahil hindi man lamang umabot ng kalahati ng aking leeg ang yakap niya.

"Hanggang dito na lamang. Maaari ka nang makabalik sa inyo pagkatapos nang gagawin namin," lumipad siya patungo sa mga kasama niya at pinunan ang kulang sa pagbuo ng bilog.

Nanatili ang tingin ko sa kanila. Hanggang sa nakakita ako ng parang kakaiba, lumiliwanag sila. Nag mumukha silang alitaptap. Kulay ginto ang liwanag na nakapalibot sa buong katawan nila.

Unti-unting lumalaki ang liwanag na binubuo nila kasabay nito ang pagtakip sa kanila, hindi ko na makita pa. Sinubukan ko silang hanapin sa pamamagitan ng paghawi sa liwanag, umaasang muli ko silang makikita. Ngunit bigo ako, purong ginto lamang ang nakikita ko. Wala din akong mararamdaman parang wala akong nakasama kani-kanina lamang.

Napatingin ako sa taas nagbabakasali na nandun sila ngunit tulad lamang ng kanina ay purong ginto lamang ang nakikita ko.

Bigong ibinaba ko ang tingin don, muling sinubukang hanapin sila sa paligid. Nagtagal ang tingin ko sa isang parte nang may mapansin, parang merong malaking bilog don. Na unti-unti lumalaki.

Lumapit ako dito hanggang sa masilaw ako sa liwanag na dala nito. Aatras na sana ako ngunit parang may pumipigil sa akin, hinihila ako papasok sa bilog. Sinubukan kong muling umatras ngunit umaabante lamang ako kahit na ayaw ko. Sinubukan kong mag pumiglas ngunit huli na, mabilis akong hinigop nito papasok sa loob at nawalan ng malay.

Nagising ako ng maramdaman ang sakit ng likod ko parang mayroong matigas akong nahihigaan na sa palagay ko'y simento.

Iminulat ko ang aking mga mata. Agad na napansin nito ang matatayog na puno, mayroon din akong naririnig na huni ng mga ibon. Pamilyar ang lugar na ito parang galing na rin ako dito. Pilit kong inalala ito habang umuupo.

"Magaling, magaling."

Napalingon ako sa nagsalita. Doon ko nakita si miss na nakangiti sa aming lahat habang pumapalaklak ng mabagal. Lumakad siya palapit pa sa amin. Inilibot ko ang aking tingin, nandito na rin ang mga ibang kaklase ko. Ang iba ay mukhang kagigising lang at nagising dahil sa pagsasalit at pagpalalakpak ni miss. Dahan dahan akong tumayo kasabay ko ay ang pagtayo din ng aking mga kaklase.

"Nakakatuwa na nalagpasan nyo ang unang pagsubok na nakalaan para sa inyo. Walang nabigo sa inyo kahit isa, mayroong nahirapan dahil unang beses nilang gagamitin ito. Iba-iba ang lugar nyo, ngunit parang iisa lamang dahil sa galing nyo, mukhang nagtutulungan kayo pero hindi. Mahusay kayo bilang isang baguhan."

Nakikita ko ang galak na nakapaskil sa mukha niya, nakarinig din ako ng sipol at palakpak sa mga kasama ko dito.

"Witwit."

"Yes!"

"Galing natin!"

Mayroon pa akong nakita na tumatalon sa sobrang tuwa. May nakita din akong napapasuntok sa hangin. Mapapansin mo ang sobrang galak nila sa isa't-isa. Nagmumukhang matagal na silang magkakilala ngunit hindi.

"Psst." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakahawak din siya sa balikat ko na parang close kami. Hindi ko naman siya kilala. Ngayon ko lang din nakita ang mukha niya, siguro ay dahil na rin na kasisimula pa lang ng pasukan. Tatarayan ko sana siya nang magsalita siya.

"Congrats sa atin, nalagpasan natin ang unang pagsubok." Buong galak na saad niya. Napanguso ako dahil sa gagawin ko sana. Mabait naman pala siya, buti hindi ko natarayan.

"Congrats din, galingan pa natin sa susunod." Nakangiti kong pahayag habang nakataas ang kanang kamay at nakakuyom ang kamao. Nagmumukha tuloy akong nangangandidato sa isang eleksyon.

Natigil ang pagsasaya namin ng magsalita si miss.

"Ngunit umpisa pa lang ito, hindi pa ito ang huli. Mahirap para sa inyo at mas magiging mahirap pa sa susunod. Marami pang pagsubok ang haharapin nyo kaya wag kayong masyadong matuwa. Hindi lalakas ang kakayahan nyo kung hindi ito sasanayin, kaya maghanda kayo sa susunod na pagsasanay nyo..."

Mabilis na natahimik kami, walang nagsalita kahit isa sa amin. Nawala ang mga ngiting nakapaskil kanina lamang sa mga mukha namin. Ang kaninang ingay at galak namin ay parang isang yelong natunaw at naging tubig.

Lahat kami ay nakatingin kay miss na seryoso ang tingin sa amin. Walang makikitang ngiti sa kaniya, kaya nawala rin ang amin.

Tanging pag-ihip lang ng hangin at huni ng ibon ang maririnig na ingay sa paligid namin.

Kung walang sinabi si miss ay masasabi kong payapa ang lugar na 'to, maganda at masarap sa pakiramdam. Ngunit kabaliktaran nito ang nangyari. Aaminin kong may punto si miss, ngunit maaari namang ipabukas ito at hayaan kaming mag saya para sa unang pagsubok namin.

Hanggang ngayon ay nakatingin kami kay miss, ganon pa rin ang itsura niya. Hindi nagtagal ay nagbago ang seryosong mukha ni miss at bumuka ang bibig niya ang akala ko ay pagsasabihan kami at mas lalong magpapaalala ngunit iba ang lumabas sa bibig niya.

"Binabati ko kayo sa naging galing nyo, mahuhusay kayo. Nakakagalak at nalagpasan nyo ito. Masasabi kong unang hakbang na ito patungo sa tagumpay nyong mapalakas ang kakayahan nyo."

Unti-unti ay umukit ang ngiti sa aming labi muling nag karoon ng ingay at selebrasyon.

"Salamat miss!"

"Akala ko kung ano na."

"Ako nga din eh."

"Hindi ko inaasahan ang pagbawi ni miss sa atin. Muling nagbalik ang saya sa atin, hindi ba?" Napalingon ako sa katabi at ngumiti. Hindi ko pa alam ang pangalan niya at siguro ay ganon din siya.

Nahihiyang ngumiti ako sa kaniya at magtatanong na sana ngunit maunahan niya ako at tila nabasa ang kahulugan ng ngiti ko.

Nag lahad siya ng kamay. "Anne."

Na tinanggap ko. "Aly."

Nagngitian kami sa isa't-isa at sabay na tumawa.

Nalungkot lang ako nang kaunti dahil hindi ko kasama ang aking pinsan dahil nasa grupo siya ng elite.

Wala man ngayon si Ashley sa aking tabi na kasama ko pagdating sa mga ganito ngunit mayroon na akong masasabing kaibigan na makakasama ko at sana ay maging si Ashley din.

Finn Academy: Where Magic Is AllowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon