Chapter 10

71 3 0
                                    

Chapter 10

Gusto ko nang bumaba, kahit na hindi mataas ay nangangamba pa rin ako.

Parang isang iglap ay narinig ang kagustuhan ko. Nakaramdam ako ng unti-unting paggalaw, bumababa ako.

Hanggang sa maramdaman ng aking mga paa ang mabatong lupa.

Napaluhod ako, itinukod ko ang aking mga kamay at ikinuyom ito. Hindi ko alam ang nangyayari, hindi ko alam kung bakit ito nangyayari.

Napalingon ako sa likod ko ng makarinig ng kaluskos.

Nanlaki ang mata ko ng lumabas ang higanteng halimaw. Tumayo ako agad at tumakbo na. Wala akong laban dito, hindi ko pa alam ang gagawin ko. Kaunti pa lang alam ko pag dating dito. Kumbaga isa pa lang akong sanggol na tinuturuang maglakad.

Mas binilisan ko pa ang aking takbo. Lumingon ako sa likod ko, pinapanatili pa rin ang bilis.

Bumalik ang paningin ko sa harap at pinag patuloy ang pagtakbo. Hanggang sa matagpuan ko ang malaking bato na maaari kong taguan pang samantala.

Nagtungo ako sa bato at umupo sa likod nito. Sakto na 'to para maitago ako. Itinaas ko ang dalawang tuhod ko at yumuko dito, malalalim ang hinuhugot kong hininga, hinahabol ang aking hininga.

Isinandal ko ang aking ulo sa bato at pinunasan ang aking mga pawis gamit ang aking kaliwang kamay.

Ngunit hindi pa ako nagtatagal sa pagpapahinga ng makatinig ako ng malakas na pagbato. Doon ko naramdaman ang pagkawala ng bato sa kanina lang ay aking sinasandalan.

Tumayo ako at dahan-dahang umikot parahap dito. Nahigit ko ang aking hininga nang makumpirma ang aking hinala. Nakita ko ang mabagal na pag bukas niya sa kaniyang bunganga. Bigla ay may lumabas na pulang apoy dito at pinalibot ito sa akin. Natula ako dito at hindi na makagalaw pa. Naiinitan na rin ako, parang pinapaso ako, ang hapdi.

Napabalik ang tingin ko dito ng bumuka na naman ang bibig niya at lumabas ang  apoy na ngayon ay direktang tatama na sa akin.

Napapikit na lamang ako dahil sa kawalan ng magagawa pa. Hindi ko alam ang gagawin. Kung mamatay ako dito, mamatay ako. Wala na akong magagawa pa. Ngunit ay biglang pumasok sa isip ko ang itsura ni mama habang nasa labas siya ng academy at habang kasama ko siya bago ako pumasok.

Hindi ako maaaring mamatay dito, hindi pa ngayon. Lalaban ako ngunit hindi ko alam kung paano. Binuksan ko ang aking mga mata at porsigidong tinignan ang halimaw na bumuga ng apoy patungo sa akin.

Wala sa sariling naitaas ko ang aking kanang kamay at hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng paghugit ng lamig sa aking sistema. Bumaba ito hanggang sa aking mga kamay at parang hindi na maka hintay pa.

Bigla ay lumabas ito sa aking kamay at binalot ng kulay asul na tubig ang kulay pulang apoy. Hanggang sa hindi ko na makita ang matingkad na kulay at bumulusok na ito sa higanteng kalaban ko ngayon. Nakita ko ang mabilis na  pagbagsak nito dahil sa lakas ng tubig na tumama sa kaniya. Dahan dahan akong lumapit dito upang makumpirma kung hindi na ba siya humihinga pa. Nang makumpirma ito ay mabagal na  bumababa ang tingin ko sa aking mga kamay, hindi makapaniwala sa nangyari. 

Hindi nagtagal ay unti unti kong narealize ang nangyari. Hindi makapaniwalang iniling ko ang aking ulo hanggang sa bumilis ito.

"Eto na ba 'yon, eto na ba ang kakayahan ko? Eto na ba ang matagal nang  nakatago sa katawan ko.

Bigla ay may nakaramdam akong pag patak ng maliliit na tubig sa aking palad, napatingala ako sa langit at doon nakumpirma ang nalalapit na pagbagsak ng ulan.

Nanatili akong nakatingala habang hindi pa ring mawala sa isip ko ang nangyari. Totoo ba ito, hindi ba 'to panaginip?
Bigla ay napa isip ako, ano bang ginagawa ko dito, paano ako napunta dito. Inalala ang huling nangyari bago ako mapunta sa lugar na ito.

Nasa isang parang gubat kami at ang huling sinabi ni miss ang nagpaalala sa akin ng lahat.

"Hindi ko pala nasabi sa inyo ang tungkol dito. I will make you sleep for a mean time. Sorry guys." Natatawang napa iling na lamang ako. Bakit hindi ko agad naisip ito.

Lumalakas na ang ulan kaya ibinalik ko na ang aking paningin sa halimaw, muntikan ko na siyang makalimutan. Nandito pa pala siya. Naka higa at hindi na gumagalaw pa.

Unti-unti akong nanghina. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakaramdam ako  ng pagod at panghihina. Napaupo na lamang ako, hindi ko na kaya. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Bigla ay naalala ko ang kapareho ng pangyayari na ito.

Pitong taong gulang ako noon, nang mangyari ang aksidente na kaparehas nito. Nangingising iniling ko ang aking ulo.

Hindi ko na maitatanggi pa, totoo 'yon. Idinilat ko ang aking mga mata at ibinigkas ang isang salita na ngayon ko lamang napatunayan.

"Katulad ako nila Ashley, hindi naman ako ipapasok dito kung hindi..."

"Kailangan ko na lamang itong palakasin at sanayin." Buong loob kong sabi. 

Dito unti-unti kong naramdaman ang pagbigat ng aking mga talukap at pagbagsak ko sa sahig at biglang dumilim na ang paligid.

"Hihi."

"Shhh, baka magising siya."

"Ano kaya ang reaksyon niya pag nakita niya tayo."

Nagising ako sa mga maliliit na tinig na tila nag-uusap. Iminulat ko ang aking mata ngunit agad ko din itong isinara. Nasilaw ako sa liwanag. Sinanay ko muna ang aking mga mata sa liwanag saka inangat ang aking paningin.

"Gising na siya!"

"Ang ingay mo kasi."

"Bakit ako, ikaw yon eh."

Napatingin ako sa aking harap. Doon ay nakita ko ang huling kasama ko bago mangyari ang pag hihirap ko kahapon.

"Anong ginagawa mo dito fairy... At sino din sila?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Isa-isa kong pinagmasdan ang mga kasama niya. Katulad niya ang mga ito. Halos magkakamukha lang sila kung hindi mo sila pag mamasdang maigi. Pakpak at ang kanilang mukha ang tanging pagkaka iba nila.

Napabalik ang tingin ko kay fairy, sa totoo lang hindi ko pa alam ang pangalan niya. Mabagal siyang lumipad patungo sakin. Kilala ko na siya agad dahil kulay pink ang pakpak niya, siya lang naman ang pink ang pakpak.

"Pasensya na Aly. Ang sabi kasi ni miss Shin ay pag dumating na ang iyong nakatakdang pagsubok ay iwan agad kita at hayaang matuklasan ang sarili mong kapangyarihan.

"Paano...paano mo nalaman ang pangalan ko." Nanghihina at garalgal kong tinig.

"Kinausap na kami ni miss tungkol dito. Taon taon ay mayroong napupuntang estudyante dito. Hindi ito ang unang beses...Aly."

---
Vote&Comment

Finn Academy: Where Magic Is AllowedWhere stories live. Discover now