Chapter 8

66 4 0
                                    

Chapter 8

Isang linggo na ang lumipas simula noong unang klase. Masasabi kong ayos lang ang nagdaang araw.

Ngayon ay lunes. Kung ang naunang linggo ay simple at wala pang masyadong ginagawa.

Sa linggong ito magsisimula na ang training namin. Tuturuan na kami kung paano gumamit ng sandata.

Nasa harap namin si sir Dan, hawak ang isang maliit na kutsilyo. Pinasadahan nya ng hawak ang patalim nito.

"Dapat matuto kayo kung paano hawakan at gamitin ito ng tama." Pagtutukoy niya sa hawak niya.

Nakatingin ako sa kaniya habang sinasabi niya ito kaya ganon na lamang
manlaki ang mga mata ko ng hinagis niya ito sa gilid ko. Mabilis na umiwas ako. Hindi ako ang natamaan. Mabilis ang paghinga ko ngayon dahil na rin sa aldrenaline rush na nangyari.

Kung hindi ako umiwas ay baka nadaplisan na ako. Nagugulat kong tinignan si sir na kasalukuyang nakangiti at nakatingin sa akin.

"Natakot ba kita, binibini?" Pagtatanong niya sa akin. Unti unti siyang naglakad patungo sa harap ko.

"H-hindi po." Saad ko na lamang na may halong utal. Nakakagulat talaga ang ang nangyari, wala pa akong alam sa armas. Buti na lang ay magaling ako pagdating sa bilis.

"Pasensya na, binibini. Mabuti at naka iwas ka." Nakangiting saad niya habang nakapatong ang kamay sa aking balikat.
Tila ba binabati ako.

"Ito ay isang test para malaman ko ang bilis at kakayahan nyo pagdating sa  depensa. May grade ito. Simula ngayon ay ganito ang gagawin ko, naumpisahan ko na ito sayo binibini." Pagsasabi niya na ngayon ay nasa harapan na.

Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang aking paghinga.

"Tuturuan ko kayo kung paano ang tamang pag hawak sa kutsilyo at paano ang tamang pag gamit dito."

Iminuwestra niya hawak na maliit na kutsilyo at pinatama ito sa isang pader.

"Kung gagamitin niyo ito ay suguraduhin nyong nandito lang ang tingin para matamaan ang gusto nyong patamaan. Dapat alam nyo din ang kahinaan at kalakasan ng inyong magiging kalaban.  Hindi ko naabisuhan ang isa kong estudyante subalit naiwasan niya. Alam na natin kung saan siya magaling at kung saan siya mahina." Pagtutukoy niya sa akin.

Napatango tango naman kami. Kahit na kinabahan ako kanina ay masasabi kong tama siya.

Itinuro niya lamang ang tamang paghawak sa isang kutsilyo. Ito daw kasi ang pinaka madaling matutunan.

Natapos na ang klase namin sa weaponry. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria.

Hindi ko kasama si Ashley dahil kasama niya ang grupo niya. Elites ang tawag sa kanila, grupo ng mga estudyanteng magagaling na sorcerer.  Mataas din sila kaya ginagalang ng mga estudyante.

Iba ang oras ng klase nila. Iba din ang ginagawa namin. Sa tingin ko ay ay mahirap ang pinag aaralan nila.

Minsan ko lang nakakasama si Ashley. Sa dorm naman, wala akong kasama sa kama.

Sinabi niya na ito sa akin at humingi siya nang paumanhin dahil hindi daw niya agad nasabi sa akin.

Nandun kasi siya sa Elites. Ang alam ko ay hiwalay sila, magkaiba kami ng building. Magkaiba ang dorm building ng girls and boys. Bali tatlong building ang mga estudyante dito.

Tumayo na ako upang puntahan ang isa ko pang klase, which is power class. Dito tinuturo kung paano gamitin ang power o kung paano malaman ito.

Magkaiba ang klase namin dito ni Ashley. Elites siya kaya hindi ko din siya kasama. Alam niya kung paano gamitin ito kaya sa ibang grupo ito. Akala ko pa naman ay magkasama pa rin kami pero minsan lang pala yon.

Huli ko siyang nakasama noong last week. Una at huli ko siyang nakasama sa academy na ito noong first day of school.

Hindi ko na din nakasama ang iba pang Elites.

Nakarating na ako sa classroom na para sa power class. Sa tingin ko ay hindi lang ito simpleng classroom. Malaki ang silid na ito. Halos tama lang ang dating ko.

"Good to see you again, class. This is our classroom for power class. So let's start." Saad niya at itinaas ang kamay. Ikinumpas niya ito.

Pagkatapos niya itong sabihin ay biglang nakaramdam ako ng pag iba ng temperatura.  Napatingin ako sa paligid, doon ko nalaman na parang may nakapalibot na puti sa loob ng classroom.

"This will be a shield. Para hindi maapektuhan ang nasa labas ng classroom na ito. Kahit na baguhan kayo ay masasabi kong kailangan pa rin nating mag ingat. Btw, i'm miss Shin" Saad niya habang naka ngiti.

"I will group you into two. Sa kanan ko ay alam na ang kakayahan. Sa kaliwa ko naman ay hindi pa alam ang paggamit sa inyong kakayahan." Iginaya niya ang mga kamay.

Pumunta na ako sa kaliwa niya.  Medyo marami kami ang hindi pa alam ang kakayahan. Sa tingin ko ay anim kami. Tinignan ko ang kabilang grupo, binilang ko sila at nalamang sampu sila. Mas marami ang kabila.

Lumapit sya sa isang grupo at may sinabi. Nag kaniya-kaniya sila ng partner.

Lumapit naman sa amin si miss. "So, i will focus on you guys for this week and for the next week i will be in another group. Before we'll start, please drink some water." Nag bigay siya sa sa amin ng tig isang bottled water. Ininom namin ito tulad ng sabi niya.

"We will have an activity for this week and we will know the result after that. So let's start. Close your eyes, guys. Dont open it until i say so."

Hindi ko iminulat ang aking mga mata tulad ng sabi niya. Napaka tahimik ng lugar. Rinig ko din ang huni ng mga ibon at ang pag ihip ng hangin.

"Open your eyes guys." Rinig kong saad ni miss.

Pagmulat ko ng aking mata ay nasilaw pa ako sa liwanag, ipinikit ko ang aking mata at dinilat muli. Hindi na ito nag classroom kung saan kami kanina.

Madami ang mga puno, matataas ito. May mga ibon din akong nakikita na palipad-lipad sa kung saan.

"Dito ang magiging silid natin. Mas madaling malaman ang kung ano ang kapangyarihan nyo pag ganito ang lugar na pagsasanayan nyo..."

"We will not leave this place for one week." Sa sinabi niyang iyon ay napasinghap kami. May narinig akong nag bulungan.

Natawa si miss sa naging action namin. "Hindi ko pala nasabi sa inyo ang tungkol dito. I will make you sleep for a mean time. Sorry guys." Saad niya.

Bigla ay nakaramdam ako ng antok at pagbigat ng aking mga mata. Napatingin ako sa paligid at doon sumalubong sa akin ang pagbagsak nila at pag tulog. Gusto ko pa sanang mag tanong kay miss ngunit nahulog na ako sa isang panaginip.

Finn Academy: Where Magic Is AllowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon