Chapter 12

54 4 0
                                    

Chapter 12

Panibagong araw na naman. Patungo ako ngayon sa weapon class ko. Ako lang mag-isa dahil wala si Ashley. Hindi ko  rin kasama si Anne dahil hindi ko pa siya nakikita ngayon araw.

Liliko na sana ako para makarating sa classroom ko ng makarinig ako ng pagtawag sa pangalan ko.

"Alyana!"

Speaking of Anne, nandito na siya at papunta na siya sa akin.

"Hi, papunta kana sa weapon class?" Nakangiting pagtatanong niya sa akin.

"Ah, yes." Pagsasagot ko habang tumatango pa nang dahan dahan.

"Great! Papunta na rin ako, sabay na tayo." Saad niya habang pinupulupot ang kaniyang kamay sa aking braso.

"Class listen." Pagpatatahimik sa amin ni sir nang dumating siya.

"For today's class, i will teach a defence for all of you. You can use this in a mission or in a sudden fight. This is by partners, you're free to choose your partner."

Pagkasabi ni sir ay naghanap na ng partner ang bawat isa.

Tinignan ko ang lalaking na ngayon ay nasa harap ko at nahihiyang naka yuko.

"Hi...k-kung h-hindi mo m-mamasamain can I be your p-partner?" Nauutal niyang pagtatanong sa akin.

Tatanggi na sana ako dahil baka wala pang partner si Anne at ako ang gusto niyang makapareha.

"Hayaan mo na Aly, pasensya na rin agad dahil mayroon na akong partner." Parang himalang narinig ni Anne ang sinasabi ng utak ko.

Naramdaman ko ang pag-alis ni Anne kaya itinuon ko na lamang ang aking paningin sa lalaking nasa harapan ko. Hanggang ngayon ay nakayuko siya at tila kinakabahan. Hindi ko naman siya kakainin o ano. Sa katunayan ay natuwa pa ako dahil mayroon na namang kumausap sa akin. Napadako ang tingin ko sa kamay niyang hindi mapakali, kinukutkot niya ang kuko niya at tila doon niya itinutuon ang kaniyang pansin.

Napataas ang tingin ko sa kaniya nang makita ko ang pagtago niya sa kaniyang kamay. Nakita ko ang pag-iwas niya nang kaniyang tingin.

"Halika na, okay lang." Napataas ang tingin niya sa akin at unti-unti ay gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi.

"Let's start but..." Kay sir na nakatuon ang aming mga mata. Dahil baka mayroon siyang sasabihing iba at importante.

"I'm glad that we have our elite here to help me in teaching you." Pagpapatuloy ni sir sa kaniyang sasabihin. Kasalukuyang nakatingin si sir sa gilid malapit sa pinto.

Lumipat ang aking paningin sa elite na sinasabi na ngayon ay pirming nakatayo. Kumpleto silang lima. Unang dumako ang aking paningin sa babaeng malaki ang ngiti sa akin, napangiti na rin ako sa nakakahawang ngiti niya. Kumaway din siya sa akin na agad kong sinuklian.

Dumako ang tingin ko sa lalaking nasa gitna na seryosong nakatingin sa akin. Ang kaninang napakalaking ngiti ko ay biglang nawala at tila ayaw magpakita. Ganoon pa rin ang kaniyang mga mata. Kasing lamig pa rin ng yelo ang titig niya. Napakaseryoso rin ng kaniyang mga mata.

Naunang iniwas niya ang kaniyang paningin at seryosong naglakad patungo kay sir, nakasunod sa kaniya ang iba pang elite.

"I will group you into 5. Mayroon tayong elite na siyang magiging leader nyo. Tutulungan nila kayo upang matutuhan ang mga defence na kailangan nyo..."

"By one leader, there's a 3 partner."

Nagumpisa nga si sir sa pagpa-partner sa amin.

"Shane and Nicole, Clara and Elaine, Alyana and John for group 5." Kami na ang huling grupo. Lahat na sila ay mayroong grupo at leader. Hati hati na kami.

Finn Academy: Where Magic Is AllowedWhere stories live. Discover now