Chapter 9

76 4 2
                                    

Chapter 9

Luminga-linga ako upang malaman kung anong lugar ito. Merong naglalakihang puno at mga hayop, meron din akong nakitang mga bulaklak na
nagsisimulang bumukadkad.

Napakaganda ng paligid. Kung nandito si mama ay paniguradong matutuwa siya.

Naglakad lakad pa ako. Kumuha din ako ng isang gumamela na nakita ko kanina. Inilagay ko ito sa kaliwa kong tenga.

Habang naglalakad ay nakarinig ako ng kaluskos. Napalinga ako sa paligid. Hinahanap kung saan galing yung ingay. Sinundan ko ito.

Hindi ko namalayan na napunta ako sa isang ilog. Lumapit ako doon. Ang linaw ng tubig. Dahil na rin sa pagod at uhaw, uminom ako. Mukha namang walang lason ito dahil sa natural ang paligid nito.

Mala-kristal ang tubig sa ilog. Nakaka ginhawa ng pakiramdam dahil naka inom na rin ako.

"Hello." Naibuga ko ang iniinom kong tubig dahil sa gulat. Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na 'yon.

Maliwanag ito at lumilipad. Tumayo ako at pinagpag ang aking suot. Lumapit ako sa bagay na yon.

"Hello." Saad niya

Hindi siya bagay. Maliit siyang nilalang at lumilipad. Nasabi na rin ng isa sa mga guro ko na mailap daw ang mga fairies at sa gubat lang ito naninirahan.

Para siyang alitaptap dahil sa liwanag niya. May pakpak siya at sa tingin ko ay kasing laki lang siya ng palad ko.

Tinaas ko ang palad ko upang hawakan siya. Ibinuka ko ito malapit sa kaniya.

Lumapit siya dito at umupo.

"Hi." Pagbati ko sa kaniya. Kulay pink ang kulay niya at transparent ang pakpak niya. Nakakatuwa siya. Ang ganda ganda niya.

Ngumiti siya at nag salita.

"Hello. Ngayon lang kita nakita dito." Saad niya habang nakangiti ng malaki.

"Ngayon lang kasi ako napadpad dito. Alam mo ba kung anong lugar ito?" Pagtatanong ko sa kaniya.

"Oo naman, fairies world ito. Ibig sabihin dito ako nakatira. Mundo naming fairies ito." Pagsasaad niya.

"Nakakatuwa naman dito, ang ganda ng paligid." Nakangiting saad ko habang inililibot ang paningin. Sinimulan ko na din ang paglalakad. Nasa palad ko pa rin siya.

"Talagang nakakatuwa dito sa mundo namin." Saad niya.

Pinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad. Umalis siya sa palad ko at lumipad sa tabi ko. Ipinapaliwanag rin niya kung ano ang meron sa kanila.

"Ito naman ang pinapamalagian namin pagsapit ng gabi. Dito kami nagtatagpo tagpo."

Isa itong itong sapa. Mahinahon ang tubig dito.

Napatingin ako sa fairy na nasa tabi ko.
Lumingon din siya sa akin at ngumiti. Kaya ganon na lamang ang gulat ko ng mabilis siyang lumipad palayo sa akin. Inabot ko pa siya gamit ang aking kaliwang kamay na para bang hinuhuli ko siya.

Natigilan pa ako saglit at hinabol siya ng makabawi.

Mabilis siyang lumipad palayo sa akin. Tumakbo ako patungo sa kaniya. Pilit siyang hinahabol kahit malayo na siya.

Pinagpatuloy ko pa rin ang pagsunod sa kaniya. Hindi ko na namalayan na may nakaharang palang malaking ugat na naging sanhi upang madapa ako at maitukod ang aking mga kamay.

"Aray." Hindi rin ako nakatayo kaagad dahil na rin sa sakit na aking nadarama. Napatingin ako kung saan nagmumula ito. Doon bumungad ang kulay pulang sugat sa aking sakong. Sa tingin ko ay magkakaroon pa ito ng pasa.

Padahan-dahan akong umalis sa pag kakadapa ko at umupo. Sinubukan ko pa itong hawakan ngunit hindi ako nagtagumpay.

Napakasakit nito. Muli ay binalikan ko ito ng tingin at tama nga ako, paunti unti ay nagkakaroon na ito ng kulay lila. Pinunit ko ang baba ng aking damit at pinantapal ko ito sa aking sugat. Dahan dahan lamang dahil na rin sa sobrang sakit. Tinignan ko na rin ang aking palad na alam kong may sugat din, hindi masyadong malala ngunit may madarama ka pa ring kaunting sakit.

Sa huli ay hindi ko siya mahabol dahil na rin sa mga ugat ng puno na nakaharang.  

Doon ko na din naramdaman ang pagkapagod. Napakapit ako sa tuhod ko dahil na rin sa pagod. Pinapahinga ang aking paa. Napakabilis niyang mawala sa paningin ko. Tumayo na ako at pinunasan ang pawis ko. Paika-ika akong naglakad patungo sa isang puno. Iniiwasang mabigla ito at baka lalong sumakit pa.

Hindi pa ako nakakatagal sa pagpapahinga ng makaramdam ako ng pagkaluskos.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng ingay. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Naglakad ako ng dahan dahan upang makita kung anong nangyayari.

Nanlaki ang aking mga mata ng may bumulusok sa akin ang ugat ng puno. Mabilis ang paglapit sa akin ng ugat. Ganoon na lamang ang gulat ko ng bigla itong naging lima.

Nang makabawi ay tinalikuran ko na ito at tumakbo ako ng mabilis, sakto na upang hindi ako maabutan ng bagay na patungo sa akin.

Hindi ko na liningon pa ang aking likod dahil nakatuon lamang sa aking daraanan ang aking atensyon. Nag iisip kung ano ang dapat kong gawin.

Lumingon ako sa aking likod at ganon na lamang ang aking gulat ng makitang kaunti na lang ay maaabutan at makakalapit na sa akin ang mga ugat ng puno na hindi ko alam kung saan galing.

Napapikit na lamang ako dahil sa sobrang takot, hindi ko na alam ang gagawin ko. Natataranta na rin ako, na alam kong hindi ko dapat pansinin at isawalang bahala ko na lamang ito.

Makalipas ang halos dalawang minuto ay wala akong naramdaman. Wala akong naramdaman na kahit anong sakit. Payapa pa ang aking pakiramdam na kanina lamang ay kinakabahan. Na para bang nasa isa akong bula at nakalutang sa ere. Sa pakiwari ko ay nasa langit ako at namamahinga.

Iminulat ko ang aking mga mata. Sumalubong sa akin ang payapang kapaligiran. Ganitong-ganito ang lugar na aking nadatnan noong ako ay dumating dito. Payapa ito at maaliwalas,  parang walang ugat na bumalusok patungo sa akin.

Doon ko na lamang napansin na para bang wala akong tinatapakang lupa at para bang nakalutang ako sa langit katulad ng naramdaman ko kania lamang.

Tinignan ko ang aking sarili at kinapa-kapa. Wala nga akong natamong sugat at galos. Napatingin ako sa lupa. Doon ko lamang napansin na nakalutang nga ako. Nanlaki ang aking mga mata. May takot din akong nadarama dahil hindi ko alam kung paano ako nakarating dito at kung paano din ako aalis.

Hindi ko nga naramdaman ang aking paglutang kanina, kaya paanong hindi na ako nakaapak sa lupa at kasalukuyang lumulutang.

Finn Academy: Where Magic Is AllowedWhere stories live. Discover now