Prologue

411 46 5
                                    

Prologue

Inaatake nila ako.

Wala akong magawa kung hindi tumakbo.

Hindi sila patas.

Kanina pa ako tumatakbo at nag tatago.

Kailangan ko silang paghiwa-hiwalayin upang malabanan nila ako ng patas.

Hindi ito patas.

Nag-isip ako ng plano upang magawa ang aking plano.

Nandito ako sa taas ng puno. Inaabangan sila.

Lilituhin ko sila upang magtagumpay ako. Mananalo ako dito.

Maya-maya ay nag hiwalay sila upang mahanap ako.

Lima sila laban sa isa.

Malalaman mo agad agad kung sino ang matatalo at kung sino ang mananalo.

Pero kung mag iisip ka at gagawa ng plano may pag-asa na manalo ka pa sa kanila.

Tinawag ako ng lalaking nasa baba ko.

"Nasaan kana binibini. Wag mo na kami pahirapan pa. Mawawala ka na rin sa aming landas." Saad niya at tumawa pa ng malakas.

Ang creepy niya. Mukha siyang baliw.

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at bumaba.

"Akala ko hindi kana lalabas pa sa punong iyon, binibini."

"Bakit ba kayo nag tutulungan. Bawal yang ginagawa nyo." Saad ko.

"Walang bawal dito, binibini. Pag na patay na kita. Sila naman ang isusunod ko. Anong masasabi mo." Humahalaklak niyang saad.

"Huwag ka nang maraming satsat. Mag tuos na tayo." Nagigigil na saad ko sa kaniya.

Huminto siya sa pagtawa at biglang naging seryoso ang kaniyang mga mukha.

Bigla ay may bumulusok sa akin na mga matutulis na bagay.

Sa sobrang gulat ko ay nadaplisan ako sa aking pisngi sa kaniyang biglang atake.

Alam ko na kung anong kakayahan niya. Shooter siya. Magaling siya sa pag asinta.

Umiwas na ako sa sumunod pa niyang naging atake.

Hindi ko na siyang hinintay na umatakeng muli.

Hinugot ko ang aking ispada.

Tumatakbong lumapit ako sa kaniya.

Ang ilang atake niya ay naiiwasan ko subalit ang iba ay hindi ko nang magawa pang iwasan.

Alam kong hindi ko siya matatalo pag dating sa armas pero gagamitin ko ang aking bilis upang mag karoon ng kaunting pag-asa.

Pumunta ako sa kaniyang likod at dun siya inatake. Tumalsik pa sa akin ang ilang dugo. Pinunasan ko ito gamit ang aking kamay. Hindi ko siya pinatay dahil bawal. Dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang pumatay.

Maaaring pumatay subalit may kapalit ito. Hindi kana maaaring lumaban kahit kailan pa. Ikaw ay papatawan ng karapat dapat na kaparusahan.

Hindi man ako kasing galing ng iba. Ang matitiyak ko lang ay magaling ako pag dating sa pag plano.

Hinanap ko ang natitira at ginawa ang aking plano.

Isa na lamang ang natitira.

Nasa harapan ko siya.

Isang ngisi ang ibinigay namin sa isa't isa.

Tumakbo ako ng mabilis.

Hinabol naman niya ako.

Nilingon ko siya sa aking likod ngunit wala akong nakitang babae.

Pagbalik ko ng aking paningin sa aking harap ay biglang may ugat ng puno ang humarang sa aking daan.

Natisod ako. Pumalupot sa aking katawan ang mga ugat ng puno.

Pinilit kong makawala. Habang isinasagaw ko ito ay mas lalong sumisikip ang pagkaka pulupot ng ugat sa aking katawan.

Lumitaw sa aking harapan ang babae na may ngisi sa labi.

"Mukhang mananalo ako dito. Pinadali mo lamang aking trabaho. Kanina pa kita pinag mamasdan mula sa aking pwesto. Akala ko ay mahihirapan ako sayo ngunit nagkamali ako. Isa ka lamang mahina at walang kalaban laban..." Saad niya sa akin na may karugtong na tawa.

"At ngayon ang magiging katapusan mo-"

Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin ng pinulupot ko sa kaniyang leeg ang tubig. Hindi niya naramdaman ang pag gapang ng tubig sa kaniyang katawan dahil nakatuon lamang siya sa pagsasalita.

"Hindi mo ko matatalo dito at kailan man ay hinding hindi mo ko matatalo."

Nanghihina na siya hanggang sa mawalan siya ng hininga.

Kasabay nito ang pag luwag ng ugat na nakapalibot sa akin.

Hinabol ko ang aking paghinga.

Napaupo ako dahil sa nangyari.

Ito ang unang beses ko na lumaban. Lumabang walang kakampi. Kung hindi ko sila matatalo, ako ang matatalo nila.

Ako ang matatalo.

Ako ang magiging talunan.

Ako ang uuwing luhaan.

Ngayon ko lamang naramdaman ang aking pang hihina. Lahat ng natamo ko ay ngayon ko lamang napansin.

May mga sugat ako. Galing ito sa matulis na bagay. May mga pasa din ako na hindi ko napansin habang lumalaban.

Unti unti ko na lamang naramdaman ang pagdilim ng aking paligid, ang pag bigat ng aking mga talukap at ang pagbagsak ko.

Finn Academy: Where Magic Is AllowedWhere stories live. Discover now