Chapter 6

87 8 0
                                    

Chapter 6

Huminto kami ng makarinig ng ingay. Napakalakas na ingay. Mga nagtitilian.

Napalingon kami kung saan galing yun.

Naglalakad patungo sa amin ang isang grupo, apat na tao. Isang babae tatlong lalaki.

Huminto sila sa harap namin.

Sila yung nakita ko sa picture na naka display sa kuwarto ni Ashley.

Nagulat ako ng biglang tumili ang katabi ko at lumapit sa kanila.

"Edward." Tawag ni Ashley sa lalaking sa wakas ay nakita ko na.

Niyakap nito ang lalaki ngunit hindi siya niyakap balalik nito.

Napatingin ako sa iba. Nakangisi ang lalaking gusto ko para sa pinsan ko. Napangisi din tuloy ako.

Dumako ang tingin ko sa babaeng naka cross ang mga kamay sa harap ng kaniyang ibabang dibdib. Nakahalukipkip ito.

Nilipat ko ang aking paningin sa lalaking nakapamulsa. Seryoso ito. Araw araw ata bad mood siya. Hindi pwedeng biruin. Siguro pag biniro mo ito, paparusahan ka agad.

Napabalik ang paningin ko sa babaeng hila hila na 'ko.

"Guys, pinsan ko pala si Alyana." Saad niya habang malaki ang pagkakangiti.

Napabaling tuloy sa akin ang mga mata nila. Unang lumapit sa akin ang lalaking gusto ko para sa pinsan ko. Malaki ang pagkaka ngiti nito.

"Hi miss, Ethan at your service." Sabi niya sabay halik sa likod ng aking palad.

"H-hello." Nahihiyang bati ko.

Tumawa siya ng malakas kaya nag tataka ko siyang tinignan.

"Mahiyain pala ang pinsan mo, Ashley." Saad niya na halatang inaasar ang babaeng nasa tabi ko.

Naiinis na hinampas ni Ashley ang lalaki.

"Lagi na lang nasisira ang araw ko dahil sayo." Saad niya ang hinahampas ito.

"Paano ba naman, halos araw araw tayong magkasama. Nag sasawa na ako sayo."

"Nag sasawa sa akin pero kay Scarlette hindi." Pagalit niyang saad.

Nakita ko namang umirap ang babae na sa tingin ko ay sya iyon.

"O, tama na yan at baka mag kasakitan pa." Napalingon kami kay tita at Mama na ngayon ay nag lalakad palapit sa amin.

"Ethan, iho ano bang ginagawa nyo rito?" Pag tatanong ni tita sa lalaking nakangisi pa rin. Hindi ba siya napapagod ngumisi.

"Naglilibot po tita. Tinitignan na rin po ang buong paligid." Napatango tango naman si tita sa saad niya

"O, nakilala nyo na ba 'tong pamangkin ko?" Pag tatanong sa kanila ni tita.

"Opo, sila lang po ang hindi." Saad ni Ethan.

"Si Alyana pala, pamangkin ko. Ito naman ang nanay niya na kapatid ko si Allysa."

Natatawang lumapit si Ethan kay Mama at nagmano.

"Hello po tita, Ethan po pala." Nantatawang ani niya na ngayon ay yakap na si Mama.

Nginitian siya ni Mama at niyakap na din.

Imunwestra ni tita ang mga kasamahan ni Ethan at Ashley.

"Ito si Luke..." Imuwestra nya ang lalaking crush ni Ashley.

Narinig kong humagikgik ang aking pinsan.

"Si Scarlette..." Saad niya sa babaeng  matangkad. Mahaba ang buhok na aabot sa kaniyang siko.

Finn Academy: Where Magic Is AllowedWhere stories live. Discover now