Chapter Eight

584 17 2
                                    

Balisa ng gabing iyon si Dorsy.Hindi siya makatulog at pabaling-baling lang siya sa kanyang higaan.At lingid sa kanyang kaalaman ay ganoon din pala ang kapatid nitong si Downy.Hindi rin ito makatulog dahil pareho sila nang iniisip ng gabing iyon at walang iba kundi si Vince.Si Dorsy ay iniisip kung paano ang kahihinatnan niya kapag natuloy ang kasal nila ni Vince.Samantalang si Downy naman ay kung paano nakilala nang ate niya ang Vince D'Vincy Aragon na 'yon.Tila nag-karoon ng pagka-interest sa dalaga.

Puyat at maga ang mata ni Dory kina-umagahan.Kung bibilangin lang niya ang oras ng kaniyang tulog ay baka apat hanggang limang oras lang.Naabutan niyang nag-titimpla ng kape ang kanyang Nanay sa maliit nilang kusina.Umupo siya silyang naroon at hinilot-hilot pa ang leeg na animo nangawit sa kanyang paghiga.

"O, anyari saiyo? Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos, ah?" Tanong nang nanay nila ng mapansin nito ang mukha niya.

"Medyo nay." Maiksi niyang sagot.

"O, ayan! Mag-kape ka na muna nang mahimasmasan ka diyan," utos nito.

Tumango si Dorsy.Nagtungo muna siya sa lababo at nag-mumog bago bumalik sa kanyang kinauupuan.Humigop siya sa tinimplang kape ng kanyang nanay.Nais niyang aminin dito ang napag-usapan nila ni Vince kagabi.Sa tatay lang niya ililihim ang gagawin upang hindi ito mabigla.Dahil natatakot siyang baka atakihin ito muli.

"Nay..." Umpisa ni Dorsy sa kaniyang ina ng umupo na ito sa kalapit nitong silya.Nang mga sandaling iyon ay nasa loob pa ng kaniyang silid ang kapatid n'yang si Downy. "Nay, may sasabihin sana ako sainyo." aniya sa ina.

"Ano 'yon? Tungkol ba sa pag-alis mo?"

"Hindi po." ani Dosry. "Ano kasi nay, hindi na ako aalis," aniya.

"Bakit? Nagbago na ang isip mo?" Gulat na tanong ng kanyang ina.

"Kasi nay, magtra-trabaho na lang ako sa kompanya ni Vince kaya naisip kong dito na lang ako." Paliwanag niya. "Atsaka isa pa pareho lang naman ang sahod ko sa kompanya ni Vince. Kaysa pumunta pa ako ng Taiwan mainam na dito nalang. Magkakasama pa tayo." Mahabang paliwanag niya sa ina.

"Eh, 'di mabuti kung ganoon? Matutuwa ang tatay mo pag-nalaman niyang hindi ka na aalis. Nalulungkot kaya siya kahapon pa." Nakangiting paliwanag ng nanay niya sa kanya.

"Pero nay..." Putol ni Dorsy sa sasabihin. "Huwag kang mabibigla sa aaminin ko at kung maari ay isekreto mo nalang muna kay tatay, ha?" aniya. "Magpapakasal ako kay Vince, nay."

"Ano?" Malakas na bulalas ng kanyang ina.Hindi ito makapaniwala sa inamin niya. "Mag-papakasal ka sa boss mo? Ano'ng pinagsasabi mo, anak! Hindi kita pinalaki para ibenta ang dignidad mo sa isang lalaki! Ano bang na-isip mo at pumayag kang mag-pakasal sa magiging boss mo?" Naiiling na reaksyon ng kaniyang ina.

"Nay, hindi naman sa ganoon? May maganda kasing offer sa akin si Vince. Since maganda naman ang offer niya so sinungaban ko na ang alok niyang kasal. Isa pa, mabait naman siya," pakunsuwelo niya sa nanay niya para kumalma ito.

"Ano? Magpapakasal ka kay Vince?" Malakasang boses na tanong ni Downy mula sa kanilang likuran.Naroon na pala ang kapatid at kanina pa nakikinig sa usapan nila ng kaniyang nanay.Hindi nila namalayan ang paglapot nito sa kanilang kinauupuan.Agad tumayo si Dorsy at tinakpan ang bibig nang kapatid.

"Hush!" aniya na nilingon ang silid ng ama. "Hinaan mo lang 'yang boses mo at baka marinig tayo ni Tatay." Sita ni Dorsy kay Downy.

"So, totoong magpapakasal ka kay Vince?" Ulit nitong tanong.

Gustong malaman ni Downy kung totoo talaga ang narinig niya mula sa kanyang ate.Kung totoo man ay bakit nakakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Dapat ba siyang magselos sa ate Dosry niya? Dapat ba siyang maiinggit dito? Bakit kasi si Vince pa ang magiging asawa ng ate niya? Bakit sa dinamirami nang lalaki sa mundo ay sa crush pa niyang si Vince? Ganoon ba kaliit ang mundo nilang tatlo? naisaloob nang dalaga.

Mali ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon