Chapter Seventeen

503 13 3
                                    

Maaga palang may mainit na ang ulo ni Vince.Paano kasi pagkagising niya ay wala na si Dorsy sa condo nila.Wala na rin ang mga damit at ibang gamit nang asawa.Hindi niya alam kung saan ito nagpunta.Tinotoo nito ang pakikipaghiwalay sa kanya.Napamura ang malutong si Vince habang drive nito ang kanyang sasakyan papunta sa kanyang opisina.Hindi pa naman siya sanay na wala ang asawa.Namimis na niya agad ang mga lambing ni Dorsy sa kanya at ang pag-aalaga nito.

Kumaripas nang lakad si Vince papunta sa opisina nito.Nais niyang tanungin ang kapatid ng kanyang asawa na si Downy.Pabalibag niya itong binuksan ng pintuan.Napaigtad naman ang dalaga mula sa kanyang kinauupuan habang takot ang mga matang napatitig sa kanya.Ang aga-aga ay ang init na ng ulo nito at parang tigre na galit,naisaloob ni Downy habang tahamik na nakatingin kay Vince.Nilapitan siya ni Vince at yumukod habang malakas na ipinatong ang dalawang kamay sa mesa.

"Where is your sister?" Maawtoridad na tanong ni Vince sa kaniya.Matigas ang boses at nanlilisik ang mga mata sa galit.Animo pinagbibintangan siya nito sa kung nasaan ang ate Dorsy niya ngayon.Dapat siya ang nakakalam noon dahil siya ang asawa nito.

"I-don't know?" Takot na sagot ni Downy kay Vince.

"Tell me where is she? Imposible namang hindi siya nagpaalam saiyo?" ani Vince.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo? Bakit ako ang tinatanong mo? Dapat ikaw ang nakakaalam kung nasaan siya dahil ikaw ang asawa?"

"Huwag mo na siyang itago sa akin, Downy. Where is your sister? Where did she go?" Matigas ang boses na muling tanong sa kanya ni Vince.

"Siguro tama lang na umalis ang ate ko sa poder mo dahil hindi na niya matiis ang pananakit mo! I saw her last other day that she have bruises on her body. Napuno na siya saiyo kaya ka niya iniwan!" Pangongonsensiya ni Downy kay Vince.Kahit wala siyang katibayan na sinasaktan nga nito ang kanyang ate Dorsy.Kung hindi kaya ng ate niya si Vince ay siya nalang ang magtatanggol sa kaniyang ate.

"So, how sure you are that I hurt her? Do you have any evidence?" Nakakunot noong tanong ni Vince sa kanya.Humalikipkip siya upang maitago ang kabang nararamdam.
Ayaw niyang ipakita sa lalaking ito na medyo natatakot siya sa mga matatalim nitong titig.Ngumisi muna siya bago sumagot.Itinaas pa niya ang kanyang kilay saka inirapan si Vince.

"I don't have evidence but only my sister can prove that. Pero dahil nawawala siya at nilayasan ka na niya. Wala akong katibayan," ani Downy.

"Don't talk shit! From the start that we live together I didn't lay any finger to your sister!" ani Vince.

"If that so? Then, why did she leave you?" Nakangusong tanong ni Downy kay Vince.Dapat nga magalit siya kay Vince kung mapatunayan niyang binubog nito ang kanyang ate ngunit bakit mas pinananiwalaan pa nito ang sinasabi ng lalaki.Kung nasaan man ang ate Dorsy niya ngayon ay walang nakakaalam.Ang sabi lang ng kanyang nanay ay may iniwang sulat ang kanyang Dorsy ngunit hindi nito nabanggit kung saan ito pupunta.

Dorsy left Vince condo and planned to settle her new life.Kailangan din niyang mag-pahinga.Wala nang maisusumbat si Downy sa kanya dahil napag-tapos naman niya ito ng pag-aaral.Ganoon din ang kaniyang mga magulang dahil naponduhan na niya ito ng one year na gamutan at alawans.Nagtungo si Dorsy sa Taiwan.Doon muna siya.Malayo kay Vince.Nais niyang matutunang mahalin ang kaniyang sarili dahil tila nakalimutan na niyang mahalin ito.

Ang bruises na nakita ni Downy noong isang araw ay totoong naaksidente siya.Nabangga siya sa isang matigas na bagay kaya namaga iyon.Pina-check uo niya iyon.Kumuha siya ng medical record.At ang sakit na kuwento sa kanilang opisina ay gawa-gawa lamang niya iyon.She was healthy and normal.Pinagkalat lang niya ang maling information para may rason din siyang na mag-resign bilang Manager ni Vince.Ngayong malaya na siya ay magagawa na niya ang lahat ng nanaisin niya.Ang kumain, matulog at mamasyal nang walang kasama.Solo niya ang kanyang buhay. At the age of 33 is still not late to enjoy.

"I don't know? Sa tingin mo saan pupunta ang ate Dorsy mo? Saang lugar?"

"Hindi mo nga alam! Ako pa kaya? Ni wala nga siyang pasabi na aalis siya, 'di ba?" ani Downy.

"Imposibleng hindi mo alam? Kapatid mo siya at close kayo!" Gigil na sabi ni Vince.Napakamot pa ito sa ulo.Tila aburido kung nasaan ang kanyang ate.

"Kahit magkapatid kami hindi naman lahat nang pupuntahan niya ay alam ko! Baka nagpapalamig lang 'yon at babalik rin." ani Downy.

"This is not happening! This is not true!" ani Vince.

"I'm sorry, pero ang mapapayo ko lang saiyo ay hayaan mo na muna siya sa paglayo niya saiyo. Siguro narealized niyang hindi kayo para sa isa't-isa." ani Downy.Hindi niya alam kung bakit iyon ang nasabi niya kay Vince.So,kung hindi sila meant to be nang kanyang ate ay may chance pa siya.Shit!Ano bang naiisip ko?naisaloob ni Downy.

Ngunit imbis na sagutin siya ni Vince ay tinalikuran na siya nito at iniwanan.Lumabas ito nang office na hindi man lang siya sinusulyapan.
Napatitig siya sa pintuan na nilabasan ni Vince.Iniisip niya kung babalik pa ba ito sa opisina.Ngunit natapos ang buong mag-hapon at ang office hours ay hindi na muling nagpakita si Vince sa opisina.Siguro ay wala na itong a
balak magtrabaho.Naepektuhan sa pag-alis nang kanyang ate Dorsy.

Ilang beses na tinawagan ni Downy ang cellphone number nang kanyang ate Dorsy pero laging out of reach ito.Puro operator nang cell phone ang sumasagot sa tawag niya.Hanggang sa makauwi siya sa bahay nila.Hindi niya pinahalata sa kanilang magulang ang naging problema nila sa loob ng opisina.Kung nasaan man ang ate Dorsy niya ngayon ay siguradong masaya ito.Malaya na siya sa buhay at tama lang para sa kaniyan an naging desisyon nito sa sarili.

Pagkatapos kumain ay nahiga siya sa kaniyang kama.Baka kaya umalis ang ate niya ay para magpagaling at magpagamot?Maybe she doesn't want to be a burden to them?Pero bakit naman napaka-unfair nito at hindi man lang sinabi kung saan siya lupalop pupunta?Ngunit lingid sa kaalam niya ay nasa Taiwan lang si Dorsy.Wala itong sakit.Nakatulugan na niya ang pag-iisip.At kinabukasan back to work na naman siya muli.

Nang umagang iyon ay nagkakagulo sa kompanya.Kaya naman dahil baguhan lang siya at pangatlong araw din niya ay nakipag-usyosyo na rin siya sa nagkukumpunan.Dahil bakante raw ang Manager office ay si Vianna muna ang hahawak niyon.Kulang nalang ay sugurin ni Downy si Vince Aragon dahil parang ahas na nakapulupot sa kaniya si Vianna at hinahayaan lang naman ito nang lalaki.Asawa nito ang ate niya at hindi pa sila hiwalay.Pero heto at nakikipaglandian na agad!Gigil siyang nagtungo sa opisina.Pasalampak na na-upo sa swivel chair.

Wala naman siyang karapatan kay Vince kung tutuusin dahil bayaw lang niya ito.Kasalanan din nang ate niya kung bakit ito umalis.Kaya kahit magloko man si Vince ay choice na nito.Napabuntong-hininga siya.Ewab niya pero parang kay bigat ng dibdib niya nang mga sandaling iyon.Masyado siyang apektado sa nangyayari.

"Is there any problem?" Serysosong tanong ni Vince sa kanya.Nakapasok na pala ito sa opisina na hindi man lang niya namamalayan.Napanganga nalang siya dahil hindi siya makasagot. "Tapos mo na ba ang mga pinagagawa ko saiyo?"

Tumango bilang kasagutan.Iniabot niya kay Vince ang anim na files na natapos niyang basahin at pag-aaralan. "I need you to explain it to me. Come to my desk!" Utos ni Vince na hindi man lang siya sinusulyapan. Galit ba ito sa kanya? O sadyang dinededma siya nito? Tumayo na lamang siya at sunundan si Vince.Naamoy niya ang gamit nitong pabango.Shit! Ang bango niya, ani Downy habang nakatayo sa may likod ni Vince.Kung tangkad ang pag-uusapan ay tama lang ang height nito.Sa pangangatawan naman ay mukhang alagang gym.Likod palang ay yummy na paano na kaya pagnakaharap.Napamura siya muli.Sinita ang sarili at sinabihan ang isang bahagi ng kanyang isipan na huwag niyang pagnasaan ang asawa ng kanyang ate.Gosh!Mali nga naman!


Mali ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon