Chapter Twenty-five

498 16 13
                                    

Mabigat ang ulo ni Dorsy nang magmulat ng mga mata.Agad siyang napapikit nang masilaw sa liwanag na sumalubong sa kanya.Nakabukas ang mga bintana ng silid at lumalagos sa manipis ang sikat ng araw.She was wearing a nighties nang palihim na sinulyapan niya ang katawan na nakabalot ng kamot.Kung hindi siya nagkakamali ay si Vince ang nag-uwi sa kanya.Maybe he is the one who changed her clothes too.Muntik na siyang mapasigaw ng maalala niya ang nakahihiyang ginawa niya kagabi.

"Haven't you had too much wine yet?" saway ni Vince sa kanya.Tinangka nitong agawin ang bote sa kanyang kamay.

"No way! This resto bar has the best fabulous wine I tasted. Ngayon lang ako ulit naglasing since I was at the age of thirteen, no. Uhm, sixteen. Ah, whatever! I can't remember anymore." aniya

Napailing-iling na lang si Vince.Kung tutuusin ay siya ang dahilan nang pag-lalasing nito.Hindi dapat siguro magkakaganyan ang asawa kung nag-paliwanag lamang siya tungkol sa nangyari sa kanila ni Downy.Nalilito rin siya sa sitwasyon niya ngayon kaya hindi pa siya makapag-decide.
Lalaki siya at walang mawawala sa kanya.Pero siya ang magiging sanhi ng pag-aaway ng magkapatid.
Sinimulan niya ang gulong ito kaya siya rin ang dapat tumapos.

Hinawakan niya sa braso si Dorsy. "Come on. Let's go home." Malumanay na sabi ni Vince habang hinihila niya ang asawa palabas ng resto bar.

"No!" Tanggi ni Dorsy dito.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Napipikon ng sabi nito. "The resto bar si going to close soon," paliwanag ni Vince sa asawa.

"So, ano naman ngayon? Sino ka ba?" Mataray niyang tanong kay Vince

"Hindi mo ako nakikilala? I'm your husband," ani Vince kay Dorsy.

"Ikaw asawa ko! No way!" aniya na iwinagayway pa ang kamay.

"Ako nga 'to si Vince. Asawa mo."

"Uhm! Asawa ko," aniya sabay simangot sa kanya. "B-bakit ka nandito?"

"Sinunsundo kita, alangan?" Nakakunot-noong sagot ni Vince sa kanya.

"Bakit mo ako sinusundo? Concern ka sa'kin no?" Nakangising sabi ni Dorsy kay Vince.Niyakap pa niya ang bote ng wine.Nagpagewang-gewang pa siya.Ngunit nahawakan siya ni Vince sa beywang kaya hindi siya tuluyang natumba.Sabay buhat narin.

Nais man niyang tumanggi ay wala na siyang lakas na magwala dahil sa isperito nang alak na naglalakbay sa buong parte ng katawan niya.Dinala siya ni Vince sa nakaparada nitong sasakyan.Ibinaba siya sa front seat at nilagyan ng seatbelt.Nang makitang safe na siya ay bumalik uli ito sa resto bar.Binalikan nito ang ang kanyang bag na naiwan at binayaran ang kanyang bills.Hindi na niya maalala ang mga sumunod na nangyari.Si Vince na ang gumawa no'n sa kanya.

"What are you doing to yourself, Dorsy?" bungad ng matalim at makapangyarihan tinig na iyon.

Muling nagmulat ng mga mata si Dorsy.Tumambad sa kanyang paningin ang makulimlim na mukha ni Vince.Nakaupo ito sa silyang nasa tabi ng kanilang kama.Heto ang unang pagkakataon na nakita niyang galit ang asawa.At heto rin ang unang pagkakataon na tinaasan siya ng boses.Sinimangutan niya ito saka humalikipkip.Nahiya kasi siya bigla ng mapansin niyang nakatitig si Vince sa may bandang dibdib niya.Manipis ang suot niyang pantulog at lantad ang shape ng kanyang boobs dahil wala siyang suot na bra ng mga sandaling iyon.

"I've got enough problems para problemahin pa kita," patuloy na turan ni Vince.Nanlilisik ang mga mata sa pagkakatitig sa kanya. "I could have just ignored you last night."

Naguguluhan si Dorcy sa narinig mula sa bibig nito.Ano ba ang nagawa niya nang nakaraang gabi na lango siya sa alak?At bakit siya pa ang galit gayong siya ang may kasalanan?

"I'm sorry," Vince suddenly apologized.Parang nabasa nito ang nilalaman ng isipan niya kaya humingi ito ng paumanhin.

Lumalim ang pagkakunot ng noo ni Dorsy. "Sorry? Without knowing the real reasons why I got drunk?"

"Alam ko kung ano ang rason kung bakit ka naglasing kagabi." ani Vince sa kanya.

"Alam mo naman pala, eh! So, what?" Kinakabahang sabi niya sa asawa.

"So what? You are being paraniod," sikmat ni Vince.Tumayo ito at lumapit sa tabi niya.Kampanteng naupo.Ipinatong ang paa sa paanan niya saka siya nito inakbayan.
Napalunok siya ng malanghap niya ang pabangong gamit nang asawa.
Napakaguwapo nito. Gosh! Kahit sino namang misis mai-insecure talaga kapag ganito kaguwapo ang asawa, 'di ba?

"W-why? What did I do last night?" kinakabahang tanong ni Dorsy.Sa hitsura nito ay ramdam niyang may ginawa siyang kabulastugan noong lasing siya. "Did I do something...outrageous?"

Isang mahaba at buntong-hininga ang itinugon ni Vince.Nanatili itong tahimik sa tabi niya.Siya naman ay tahimik lang na nakatitig sa nakapatong na paa nang asawa.Her mind filled with so much questions.Mayamaya ay siya naman ang bumuntong-hininga. "Bakit mo nagawa sa'kin 'yon? Bakit hindi mo man lang naisip na magkapatid kami?" Napalunok si Dorsy.

Damn, hindi siya dapat nagtanong ng ganoon.Nasa tinig niya ang pagtatampo.Pero gusto na niyang tapusin ang agam-agam na gumugulo sa kanyang isipan.Handa siyang tanggapin kung wawakasan na ni Vince ang relasyon nila kahit na masakit sa part niya.That was a big shame, but it was too late to retract her words.Nakagat na lang niya ang kanyang mga labi at saka nagpakatango-tango.Nilingon siya ni Vince.

"Do you mean that? I-I mean...I'm aware of my mistake and I'm sorry If I hurt your feelings."

"W-well," ani Dorsy na nagkabit-balikat pa. "I went to Taiwan to relax and enjoy pero..." hindi niya maituloy ang sasabihin dahil naiiyak siya.Lintik lang ang kanyang mga mata dahil bigla nalang naiiyak kahit hindi naman siya nagbabalat ng sibuyas.Tinanggal ni Vince ang pagkakapatong ng mga paa nito.Tumayo ito at lumapit sa may pintuan.

"Try to gey some more rest," tila nahahapong sabi nito bago lumabas ng silid.Naiwan naman si Dorsy na puno ng panghihinayang.At ano nga ang ibinungad nito sa kanya? I've got enough problems para problemahin pa kita? So, ang gusto nitong mangyari ay huwag na siyang sumali pa sa mga problema nito? Masyado bang mabigat ang dinadala nitong problema? Kung tutuusin ay madali lang naman niyang sulusyonan at tapusin ang problema nilang dalawa.Ang sabihin nitong tinatapos na nito ang relasyon nila?

Minabuti nalang niyang humiga ulit.Mabigat ang loob na muling ipinikat ang kanyang mga mata.Masakit din ang kanyang ulo dala ng hangover.Mabuti nalang at nakatulog siyang muli.Tanghali na nang magising siya.Agad siyang napabalikwas ng nakaramdam siya ng pagsusuka.Tarantang napatakbo siya patungong banyo.Malaya siyang nagduwal sa may lababo habang hawak ang kanyang sikmura.Tatlong araw na siyang nakakaramdam ng pagkahilo at pagduduwal.

Imposible namang buntis siya dahil ang huling pagtatalik nila ni Vince ay bago siya umalis patungong Taiwan.Mag-isang buwan pa lang naman.Pero kung bibilangin niya ang monthly menstruation period niya ay dapat dinatnan na siya.Kinakabahan tuloy siya.Naiyak siya dahil sa tatlong taon nilang pagsasama ni Vince ay sa wakas buntis na siya.Nanginginig ang kamay na napahaplos siya sa kanyang tiyan.Tuwa at lungkot ang kanyang nadarama.Pakiramdam niya ay wrong timing ang pagdadalantao niya dahil nagkakalabuan sila ngayon ni Vince.Nanlumo siyang napa-slide sa may pintuan ng banyo.Napasabunot siya nang kanyang buhok.
Napahagulgol sa kalituan.

Maraming negatibo ang tumatakbo sa kanyang isipan. Isa na doon kung tatanggapin ba ni Vince ang kanyang pinagbubuntis? Pangalawa kung aakuin ba nitong anak niya ang kanyang dinadala? Pangatlo kung handa ba itong ayusin ang relasyon nila at muling buuin ito kasama ang magiging anak nila? Handa naman siyang patawarin ito at tanggapin muli kung mangangako lang na iiwasan na nito si Downy at huwag ng ulitin ang pagkakamali nila.

Pero paano kung...si Downy ang mahal ni Vince? Paano silang mag-ina? Shit! Mura niya.Sabay sigaw nang ubod ng lakas na agad naman kinataranta ni Vince.Nasa loob na pala ito nang kanilang silid at may dala itong pagkain.Kinatok nito ang pintuan ng banyo.Pinagbuksan niya ang asawa
Inalalayan siya nito sa pagtayo.
Pinunasan nito ang kanyang mukha.Puno ng pagmamahal siya nitong pinagmasdan.Muli ay napaluha na naman siya.

###
Papatayin ko po si Downy para walang problema(joke) Naestress na rin po ang inyong lingkod! Buntis na eh😂😂😂Godbless mga kalhabz.Keep safe po!

Mali ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon