Chapter Thirty-six

1.2K 30 7
                                    

Six months later.

Busy ang lahat sa first birthday celebration ng anak nila Dorsy at Vince.Mga malalapit na kaibigan at kamag-anak ang kanilang mga bisita.Of course naging God-mother ni Dorvi ang kababata ni Vince na si Vianna at God-father naman ang bestfriend niyang si Josh.

"So, kailan niyo susundan si Dorvi?" tudyo sa kanila ni Josh.

"We are trying our best," ani Vince sa kaibigan sabay kindat kay Dorsy.Palihim naman siya nitong inirapan kahit alam niyang biro lamang iyon.

"Mukhang kailangan na niya ng kalaro," sabat naman ni Vianna sa usapan.

"Oo nga Honey," sabay ni Dorsy sa biro ng mga ito. "Need na niya talaga ng kalaro. He will be lonely if wala siyang playmate na brother or sister," aniya.

"Bubuo tayo," sang-ayon naman ni Vince. "Bago mag-two years old si Dorvi ay dapat may kapatid na siya."

Nagtawanan silang lahat sa biruang iyon.Super thankful talaga si Dorsy dahil kahit madami ang pagsubok na dumating sa kaniya ay ang lahat ng iyon ay nalagpasan niya.She was blessed.Ang ginawang pag-kakamali sa kaniya ni Vince noon ay naging daan para sa kaniya upang malaman kung sino talaga ang mga taong totoo sa paligid niya.

Hindi naman niya talaga masisisi si Downy kung nagmahal lang ito.Ang problema nga lang ay sa maling tao ang kaniyang inibig.Kung isiipin ay hindi dapat niya ginawa iyon bilang pag-respeto sa kaniya.Kahit na pinag-babayaran naman na nito sa kulungan ang ginawa nitong kasalanan ay dapat na malaman nitong siya talaga ang nagkamali.Sana lang pag-kalipas ng sampung taon nitong pagkakabilanggo ay magiging mabuting tao na ito.Hindi na uulit pa sa mali nito.Humingi naman na si Donwy ng kapatawaran sakaniya at pinatawad na niya ito.

Ang nanay Dolores naman niya ay tinutulungan pa rin niya hanggang sa ngayon.Hindi niya ito pinabayaan kahit na ganoon ang nangyari sa kanila.Alang-alang nalang sa yumaong amahin niya.Nagka-ayos din sila noong time na humaharap sila sa korte.Humingi rin ng tawad ang nanay Dolores niya sa kaniya at pinatawad narin niya ito.Actually ay dumalo pa nga ang Nanay Dolores niya ngayong birthday ni Dorvi.
Nagpapasalamat pa rin siya dahil buo pa rin naman ang kaniyang pamilya.
They survived sa lahat ng pagsubok.

"Honey," pukaw ni Vince sa kaniya.Niyaya siya nito sa kinatatayuan ng asawa.Kung saan ay pinapanood nito si Dorvi na nilalaro ang cake nito habang ang lahat naman ay abala sa pagkuha ng larawan at nagkakantyawan. Kinawayan ni Dorsy si Vince bilang sagot.Nilapitan niya ito at niyakap sa beywang.Ipinilig niya ang ulo sa didib ng asawa.

"I was so happy to have you and Dorvi," ani Dorsy kay Vince.

"Me too," maiksing sagot ni Vince sa kaniya.Habang hinahaplos nito ng masuyo ang likod niya

"Thank you for everything and to your love," ani Dorsy.

"You deserve it, Honey," ani Vince.

"Really?" kunwaring duda niya.

"Yes of course dahil napakasuwerte ko rin saiyo. Hindi mo ako binitawan at inawan kahit napakalaki ng kasalanan ko saiyo. You didn't give up on me and I was so thankful of that." Madamdaming sambi ni Vince.Itininingala nito ang mukha niya.Nagkasalubong ang kanilang mga mata.Nagkatitigan.

Dahang-dahan iniyuko ni Vince ang ulo upang salubungin ang mga labi niya.Hinalikan siya ni Vince sa labi.Puno ng pagmamahal ang halik na iyon.Napayakap siya ng mahigpit kay Vince.Parang nahinto naman ang mga bisita at biglang natuon nasa kanilang dalawa ang kanilang mga atensiyon.After a few minutes ay bigla silang nakarinig ng masigabong palakpakan.Nagulat silang dalawa ng tuwang-tuwa ang kanilang mga bisita sa ginawa nila.Bigla na lang kasi nilang inagawan ng spotlight ang kanilang anak.Pero hindi naman nila sinasadya iyon.

"Kayong dalawa," sita ng mommy ni Vince. "Kaarawan ng apo ko tapos aagawin niyo ang spotlight ng apo ko," nakakunot noong sita nito sa kanila.

"We're sorry about that mom," napapakamot sa ulong hinging paumanhin nito sa ina.

"Doon na nga kayo!" pagtataboy nito sa kanila. "Go to your room. Magharutan pa kayo dito. 'Di na kayo nahiya sa anak niyo."

"Sorry po," nakangising paumanhin ni Vince sa mommy niya.Tinalikuran na sila nito at nagtungo sa kinaroroonan ng iba pang mga bisita.
Napakasuwerte rin niya sa kanyang byenan dahil sobrang bait nito.Wala talaga siyang maipintas.Magmula rin ng ipanganak niya si Dorvi ay ito na ang nag-alaga at nag-palaki sa anak niya.Minsan ang mommy pa ni Vince ang galit kapag hinihiram nila si Dorvi sa kanya.Kulang nalang ay ito na ang tumayong totoong mommy ng kaniyang anak.Pero naiintindihan naman niya ang sitwasyon ng mommy ni Vince.Mahal lang talaga nito ang apo dahil iyon na ang regalo nila sa kaniya sila ng daddy ni Vince.

Mayamaya pa ay may kumalabit sa kaniya.Nagpaalam si Dorsy kay Vince at sinabi niya ditong mag-uusap lang sila ni nanay Theresa.Hinila ni Dorsy ang kamay nito at inakay sa isang bakanteng upuan.Hindi nakakapagsalita si Nanay Theresa.Hindi niya alam kung takot lang ito magsalita o 'di naman kaya ay talagang pipi lang.Pinagamot niya si Nanay Theresa at sa anim na buwang pagka-rehab nito ay mukhang naging maganda naman ang resulta.Nang lumabas ang resulta ng kanilang DNA test ay napag-alaman niyang si Nanay Theresa nga ang nawawala niyang nanay.Siya ang totoo niyang ina.

Kung nakakapagsalita lang sana ito ay marami sana siyang dapat itanong dito.Marami sana siyang nais malaman. "A-anak," mayamaya ay banggit nito.Nagulat si Dorsy dahil sa unang pagkatataon ay nagsalita na ito.Bigla siyang napayakap sa ina.Sobrang natuwa ang puso niya dahil sa wakas ay makakapagsalita na ang nanay niya pagkalipas ng anim na buwan.

"Nay! Nay," ani Dorsy.Pinisil ang pisngi ng kaniyang ina. "Nakakapagsalita ka na Nay?" aniya.Hindi parin makapaniwala.

"Oo," sagot ng nanay niya.

"Ano pong nangyari sainyo? Paano pong nabuntis kayo? Bakit kayo nagkagayan?" sunod-sunod niyang tanong.

"Hindi naman talaga ako totoong pulubi anak," simula nito. "Isa akong mananahi dati sa isang factory. Isang gabing pauwi na ako ay hinarang ako ng dalawang lalaki paliko sa may sakayan. May ipina-amoy sila sa akin at nawalan ako ng malay. Hanggang sa hindi ko na matandaan ang mga sumunod na nangyari.Ikinulong nila ako sa isang bakanteng bodega at doon paulit-ulit na hinalay at binubugbog. Nagulat nalang ako isang araw pag-gising ko nasa tambakan na ako ng basura. Magmula noon doon na ako tumira. Doon na rin ako nanganak. Iniwan ko ang sanggol dala ng takot na baka patayin ako. Kaya nagpagala-gala ako," mahabang paliwanag nito.

At doon nalaman ni Dorsy kung sino naman ang kaniyang totoong ama.Ang taong pumulot rin sa kaniya at walang iba kundi ang tatay Domingo nila.Magkapatid sila sa ama ni Downy.Napag-alaman niyang ang tatang Domingo niya ang isa sa mga nanggahasa sa nanay Theresa niya.Dahil nakokonsensiya raw ito ay ilang beses raw nitong binalikan ang tambakan ng basura kung saan doon nila iniwan ang kaniyang nanay Theresa.Hanggang sa makita nga siya nito at inuwi.Ipinalabas na napulot lang siya nito sa basurahan pero ang totoo no'n ay totoong dugo pala niti ang nanalatay sa katawan niya.

Sa isang iglap ay nalaman ni Dorsy ang buong katotohanan.Nalaman niya ang lihim ng kanilang ama.Nalaman niya kung sino siya.Dahil meron din palang nakaraan ang tatay Domingo niya, nanay Dolores at nanay Theresa.Ang buhay ng mga ito ay gaya sa kanila nila Vince at Downy.Ang nagmahal ang mga ito sa maling tao at napunta sa kamalian ang lahat.Nakagawa ng krimen.
Kung hindi niya napigilan si Downy ay baka ang kinasasapitan rin niya ngayon ay ang ipatapon rin siya sa tambakan ng basurahan gaya ng ginawa sa Nanay Theresa niya.

Pero kahit paano ay naging malinaw na sa kaniya ang lahat.Naging malinaw kung sino ba talaga siya.Kung ang isang pagkakamali ay mauulit muli karma ang tawag doon.Dahil sa buhay ng tao ay may kaakibat nang karma.Kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ay babalik at babalik saiyo.So, ang karma ng tatay niya ay walang iba kundi si Downy.Dahil ito ang nagbabayad ngayon sa mga kasalanan nito.Nakakulong si Downy dahil sa ginawa nitong pangtra-traydor mismo sa kaniya.Dahil para kay Dorsy mali ang ibigin ni Downy ang kanyang asawa.Mali ang ibigin nito dahil sakaniya lang si Vince.

****Wakas****

Maraming salamat mga kalhabz sa ginawa niyong pagsuporta sa aking akda.Sana nakatulong ako at nabigyan ko kayo ng magandang aral.Ito lang ang ating tatandaan.Kung alam mong mali, ikaw na ang umiwas.Huwag tayong maging makasaril at dapat marunong tayong tumanggap ng mali.Paalam and Godbless.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mali ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon