Chapter Thirty-two

370 17 6
                                    

Agad sinundan ang sasakyan na lulan kay Vince.Ang guard ng kompanya ang nakakita sa lahat.At hindi ito maaring mag-kamali kung sino ang nang-kidnap sa kanilang boss.Walang iba kundi ang kapatid ng Madam Dorsy nila.Luckyly it was not to late and someone saw the incedent.
Tumawag ng back-up ang bodyguard para sundan ang kotseng ginamit sa pag-kidnap kay Vince.They save Vince.At nahuli si Downy.Hindi ito nag-tagumpay sa ginawa niyang plano.

"Pakawalan niyo ako! Mga walanghiya ako!" Nanggigil na sigaw ni Downy sa mga opisyal ng police na nag-a-assist sa kaniya.Nasa loob na sila ngayon ng presinto.Nahuli ang dalaga at ang kasama niyang lalaki na binayaran niya upang maisagawa ang plinanong krimen.

"Hindi ka namin puwedeng pakawalan Madam. May kaso kang kinakaharap," sagot ng isang police kay Downy. "Kailangan mong panagutan ang ginawa mong krimen."

"Ano'ng kaso? Ano'ng krimen ang pinag-sasabi mo? Wala akong pinatay na tao! Wala akong ginawang masama!" aniya.Pinandilatan niya ito.

"Madam, your case is kidnapping," naiiling na sagot ng police. "At sa batas natin ay krimen din po iyon."

"Kidnapping? Kaso na ba pala 'yung kidnapin mo ang taong mahal mo? Kaso na ba 'yun?" Sigaw niyang tanong sa police officer.Tumatawang, napapailing naman ang police sa kasagutan niya.Siguro ay pinagtatawanan nito ang sinabi niyang pag-kidnap sa taong mahal.
Ano namang masama kung iyon naman talaga ang totoo.Kaya niya nagawa iyon ay para tuluyang mapasakaniya si Vince.Bakit ba hindi siya naiintindihan ng mga ito.

Mayamaya pa ay bumungad sa may prisinto si Dorsy.Tinawagan siya ni Vince at sinabi nito ang tungkol sa kinakasangkutang problema ng kanyang kapatid.Agad namang nagtungo sa presinto si Dorsy pagkatapos nilang mag-usap ni Vince sa telephono upang makita si Downy.
Akbay siya ni Vince papasok sa loob ng sinalubong siya nito sa may bungad ng presinto.Nilapitan ni Dorsy ang kapatid.Imbis na yakapin niya ito ay isang malakas na sampal ang ipinadapo niya sa pisngi ni Downy.

"Sampal sa kawalan mo nang respeto sa akin!" Naiiyak niyang sambit.Nanginginig talaga siya at nangigigil ng sobra sa ginawang kahihiyan ng kapatid.Umabot pa talaga sila sa presinto.Sinampal niya muli ito. "Sampal sa ginawa mong pag-aahas sa asawa ko! At sampal para sa ginawa mong pambaboy sa pag-katao ko!" Galit na turan niya sa Downy.Wala namang umawat sa ginawa niyang pananakit dahil naglabas lang siya ng sama ng loob dito.

"A-ate...mahal ko si Vince. Mahal na mahal ko siya. Simula pa noong una ko siyang makita sa bahay natin. Nagtiis ako ng maraming taon para mapasa-akin si Vince. Ginawa ko ang lahat. Pero bakit? Bakit?"

"Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo, Downy? Si Vince lang ba ang puwede mong mahalin kahit alam mong mali ang ibigin siya!" May pagkainsultong tanong niya sa kapatid. "Wala na bang ibang lalaki sa mundo? At siya lang talaga ang puwede mong mahalin?"

"Oo! Alam kong mali ang ibigin ang asawa nang kapatid ko! Pero tao lang ako ate. Nagkakamali at nagkakasala rin," katwiran ni Downy kay Dorsy. "Inaamin ko! Maraming lalaki sa mundo pero anong magagawa mo kung iisang lalaki lang ang tinitibok ng puso natin?"

"Nonsense!" Sigaw ni Dorsy sa kapatid. "You are being blinded by your own self love!" aniya. "Makasarili ka!"

Tumawa ng nakakaloka si Downy.May isa pa siyang natitirang baraha.At iyon ang hawak niyang divorce paper na peke ang pirma ni Vince.
"Why don't you ask your husband? If he truly love you, bakit niya pinirmahan ang divorce paper ninyo?" Nakataas ang kilay niyang sabi sabay ngisi kay Vince. "Kung makasarili ako, mas makasarili ka. Dahil hanggang ngayon umaasa ka pa rin na magkaka-ayos kayo ng asawa mo. Or I mean ex- husband?

Kinakabang nilingon ni Vince ang asawa.Tinapik niya ang balikat ni Dorsy bilang senyales ng pag-kalma nito sa sinabi ni Downy. "Will see that in court kung mapapatunayan nga na pirma ni Vince iyon," aniya sa kapatid.Hindi siya nag-patinag sa kasinungalingan nito.Mas pinaniwalaan na niya ang asawa ngayon.

Mali ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon