Chapter Nineteen

479 13 3
                                    

Sa pagpunta ni Dorsy nang Taiwan ay hindi niya lubos akalain na makikisama ang kapatid niyang si Downy sa kanyang asawa.Habang nasa Taiwan siya ay tuluyan nang nag-sama ang dalawa.Hindi iyon lingid sa kanyang kaalaman dahil may mga kasamahan siya sa kompanya ni Vince na naging malapit na rin niyang kaibigan at may nagkukuwento sa kanya.Merong nakakakita na sweet ang dalawa at kakaiba ang mga kinikilos.

Noong una ay ayaw niyang paniwalaan dahil baka tsismis lamang iyon pero noong isang araw ay may nagpadala ng larawan na nasa condo ni Vince si Downy at doon na rin daw umuuwi ang kanyang kapatid.Hindi naman niya magawang tawagan ang si Downy dahil ayaw niyang malaman nito ang kinaroronan niya. At una sa lahat ay nakipag-hiwalay naman na siya kay Vince bago siya nagtungo nang Taiwan.Na kay Vince nalang iyon kung pinirmahan nito ang divorce paper na iniwan niya.Pero bakit sa dinamirami nang babae ay ang kapatid pa talaga niya ang kinatalo nito?Ano bang gustong mangyari ni Vince?

"O? Ang lalim yata ng iniisip mo?" Tanong ng kanyang kaibigan habang kumakain sila sa isang restaurant.
Dahil sa kaka-isip niya sa ibinalita sa kanya ay hindi tuloy niya magalaw-galaw ang kanyang kinakain.Nag-aalala siya sa sasapitin nang kanyang kapatid kay Vince.Pero, sana lang ay mali ang nasa isipan niya.

"H-hindi naman," nauutal niyang sagot kay Sally. "Siya nga pala Sally?" aniya. "Baka puwedeng pasuyo naman?" Nahihiyang pakiusap ni Dorsy sa kaibigan.

"Ano 'yon?" aniya "Gusto mo nang bumalik ng Pilipinas? "Gusto mo nang bumalik sa asawa mo?" Tanong ni Sally sa kanya at ang tinutukoy nitong babalikan niya ay si Vince.

"Actually, ayaw ko sanang sabihin saiyo ito dahil nakakahiya," ani Dorsy sa kaibigan.

"Crack that problem?" Malakas ang boses na sabi nito. "I'm willing to listen kahit ano pa 'yan at kahit gaano pa kabigat 'yan? Ano'ng klaseng frienship ako kung tatanggihan ko 'yang pabor mo, 'di ba?"

"'Di ba sabi ko naman saiyo bago ako pumunta dito sa Taiwan na---"

"Na ano?" Medyo atat nitong tanong sa kanya dahil hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin.

"I divorced him already. Alam mo 'yan, 'di ba?" Sagot niya sa kaibigan.

"And then?" aniya na nag-e-expect pa ng kasunod niyang sasabihin.

"And now he is living with another girl," amin ni Dorsy kay Sally.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sally sa kanya. "Pinalitan ka na niya agad-agad? Wala pang isang buwan na nag-kahiwalay kayo, ah? Iba rin talaga ang alindog nang Vince Aragon na 'yan! Dapat lang talaga na hiniwalayan mo ang lalaking 'yon! Malamang nireserba talaga niya ang babaeng iyon ng sadya dahil kung sakaling aalis ka ay may iyu-uwi na ito agad sa condo niyo! At iyon nga ang ginawa nang asawa mong manloloko! Kahit pa sabihin mong, he was your ex-husband. It's still not right na mag-uwi siya agad nang babae! Nakakaloka! Gosh!" Mahabang explanation nito sa kanya.

"O-okay lang naman sa akin na mag-uwi siya nang ibang babae, eh? Dahil hiniwalayan ko na siya. Pero ang pagkakamali lang ni Vince ay ang kapatid ko pang si Downy ang kinatalo nito," diretsahang amin niya sa kaibagan na ikinalaglag nito ng kanyang panga pagkarinig ng sinabi niya.

"U-ulitin mo nga ang sinabi mo?" aniya na hindi makapaniwala sa inamin niya. "Linawin mo nga sa'kin 'yan? Baka naman mali lang ang pinadalang impormasyon saiyo?"

"Vince and my sister Downy are living together in his condo." Walang pag-alinlangang ulit niya. "It's almost a week that they were living together." Mabigat ang loob na sabi niya kay Sally.

"Paanong nangyari? Paanong si Downy ang babae? Paano?" Nalilitong katanungan ni Sally sa kanya.Paano niya sasagutin si Sally gayong pati rin naman siya ay naguguluhan kung bakit humantong sa ganoon?At anong utak meron din ang kapatid niya dahil pumatol ito kay Vince?Kung hindi man ito nahiya sa kanya ay sana naman nirespeto nalang siya nito.Naiiyak siya dahil pakiramdam niya ay niloko siya ng dalawa.Daig pa niya ang sinaksak ng kutsilyo patalikod dahil sa ginawa ng mga ito.

"Ano nang gagawin mo ngayon?" Tanong ni Sally sa kanya.

"Kailangan kong umuwi ng Pilipinas, Sally," amin niya sa kaibigan.

"Pero, kailangan mo munang mag-isip ng plano," nag-aalalang sabi nito. "Hindi naman puwedeng umuwi ka na lang basta-basta? Tapos susugurin si Vince at ang kapatid mo?" ani Sally.

"Sally, I need to stop my sister. I'm sorry but you don't understand," ani Dorsy. "Masakit para sa akin, eh? Why she betrayed me? She is my sister, you know? I need to ask her why?"

"That's why you need to investigate first?" aniya.

"Bakit pa ako mag-iimbistiga kung may mga katibayan na ako?" ani Dorsy.

"Malay mo pinilit lang siya ni Vince or pinangakuan ng kung ano-ano? Your ex-husband is a sly fox, Dorsy! He is the one we must blame here? Bakit niya ibabahay ang kapatid mo ng ganoon kabilis kung wala siyang agenda, aber?"

"P-para bumalik ako sa piling niya? Para malaman nito ang kinaroroonan ko?" Tanong niya kay Sally.

"That's it! So, don't jump into any conclusion na hindi mo pa naman alam ang buong katotohanan," Sally snapped. "Parang ganoon na nga upang bumalik ka at para malaman nito ang kinaroroonan mo, kunwari ay ibabahay niya si Downy at pag-nalaman mo in an instant, magseselos ka, and then boom! Babalik ka na sa kanya."

"P-pero paano kung totoong nagsasama na sila at hindi ganoon ang layunin ni Vince? I don't trust them. They can kiss everytime they want and they can fuck anytime
they like! Isipin mo lalaki si Vince, and once my sister got involve with Vince then she is in a big trouble! Mali talaga ang mag-sama sila, Sally." Medyo masakit ang ulo niyang sabi.Kahihiyan na nila ang nasa peligro kapag nalaman ng mga tao.

"So, babawiin mo si Downy kay Vince?" ani Sally.

"What do you think I will gonna do?"

"Observe first!" Suhestiyon ni Sally sa kanya. "Kapag napatunayan mong totoo nga ang woman instinct mo, then do what is right?"

Kung uuwi siya ng Pilipinas para lang matiyagan ang dalawa ay ano nalang ang mangyayari sa kanya?Hindi pa nga niya natatapos ang isang taon na bakasyon niya sa Taiwan ay uuwi na siya agad dahil sa kinakasangkutan ni Downy.Hindi man lang niya na-enjoy ang plinano niyang bakasyon.
Bagkus ang ipinalit sa kanya ay problema.Ano bang kasalanan niya at ganito nalang kabigat ang pinarusa sa kanya.Nanlumo siyang napailing sa kinasasapitan.

Trinaydor siya ni Vince at ng kanyang kapatid.Paano nagawa ng mga ito iyon sa kanya?Paano nasikmura ni Downy ang makisama sa kanyang asawa?Wala siyang nagawa kundi umiyak ng mga sandaling iyon.Nais niyang ilabas ang kanyang sama ng loob sa ginawang panloloko ni Vince.Kung kaharap lang sana niya ito ay baka kanina pa ito nakatikim sa kanya ng mag-asawang sampal.

"Walanghiya ka Vince! Walanghiya ka! Bakit?" Nanggigil niyang sambit habang umiiyak.Inalo naman siya ni Sally.Hinayaan lang siya nitong umiyak habang hinahaplos nito ang kanyang likod. "Mga manloloko! Mga traydor!" aniya. Nais niyang gumaan ang kanyang pakiramdam dahil sobrang bigat at sakit.Alam niyang wala na siyang karapatan kay Vince pero ang ginawa nang dalawa sa kanya ay walang kapatawaran.Isang linggo pa ang gugulin niya at uuwi na siya ng Pilipinas.Humanda ang Vince Aragon na 'yan sa muli niyang pagbabalik.Pagbabayaran nito ang ginawa nito sa kanya at kay Downy!

Sa mga araw na nakalipas ay nagbago ang ihip ng hangin sa loob ng opisina ni Vince.Pati na rin sa labas at kahit saan pang-lugar.Naging mainitin ang ulo nito at laging si Downy ang napapagdiskitahan nang lalaki.Kung hindi niya ito sinisita ay
napapagilatan naman niya ito.
Naging sensitive si Vince sa mga bagay na nasa palagid niya.Munting pagkakamali lang at nagagalit na ito.Hindi na siya katulad ng dati.

Sa tunituluyang condo na ni Vince ang naging uwian ni Downy tuwing pagkatapos ng kanyang trabaho.
Nagsinungaling siya sa kanyang mga magulang na may kinuha siyang condo at doon na titira.Dadalawin na lang niya ang mga ito kapag wala siyang trabaho.Ngunit ang hindi nila alam ay sa condo pala ni Vince siya titira.Siya ang papalit sa kanyang ate Dorsy habang wala ito.Ngunit lingid sa kaalaman niya ay babalik na ang kanyang ate Dorsy mula Taiwan.

Mali ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon