Chapter Thirteen

475 15 1
                                    

Inimbitahan sina Dorsy at Vince na mag-dinner sa bahay ng mga Aragon.Nais raw silang maka-usap ng mga magulang nang binata.Kaya naman pagkatapos nilang mananghalian ay inihatid na siya ni Vince upang makapag-handa mamayang gabi.Susunduin daw siya nito bago mag-alas sais nang gabi.Kaya naman kahit puno ng agam-agam ang kanyang dibdib ay paghahandaan niya ang pakikipag-harap sa mga magulang ng Vince.Nakaramdam siya ng konting takot.

Pag-kauwi ni Dorsy ay naabutan niya ang kanyang Nanay at si Downy na nagtatahi ng basahan upang may konting kita sila sa araw na iyon.Tuloy ay nahihiya siya sa kanyang sarili dahil hindi na siya makatulong sa mga ito.Pero konting panahon na lang at mag-tratrabaho na siya sa kompanya ni Vince at sasahod na rin siya ng malaki.Umupo siya sa tabi ng kanyang Nanay.Isinandal niya ang ulo sa balikat nito.Napahinto naman ang nanay niya sa pag-tatahi.

"May problema ba, anak?" May pag-aalalang tanong ng kanyang Nanay.

"Pagod lang, nay," ani Dorsy dito.

"Mag-pahinga ka na sa kuwarto mo kung pagod ka," utos nang nanay nila. "Tatapusin namin to nang kapatid mo para may pang-dagdag sa pambili ng gamot nang Tatay mo bukas." Paliwanag nito.

"Pasensiya na kayo kung hindi ko na kayo nasasamahan sa pagtatahi. Hayaan niyo po Nay, babawi po ako oras na makapag-trabaho na ako sa kompanya ni Vince."

"Huwag mo kaming alalahanin, anak. Kaya pa naman natin to. Basta ang mahalaga sama-sama tayo," panlubag-loob na sabi sakanya ng nanay nila.

"Nay, mag-paalama sana ako sainyo," ani Dorsy.

"Bakit? Saan ka pupunta?" Tanong ng kanyang nanay.Inabala muli nito ang pag-tatahi sa lumang makina nito.

"Inimbita kasi ako ng mga magulang ni Vince na mag-dinner sa kanila," nakayukong paalam niya.Iniangat naman ng nanay niya ang kanyang ulo upang makita ang kaniyang mukha.Nginitian siya nito saka hinaplos ang pisngi.

"Anak, alam kung langit at lupa ang agwat niyo ni Vince pero ang mahalaga ay kung nag-kakaunawaan kayo at nag-kakaintindihan. Kung ano man ang sasabihin ng mga magulang ni Vince saiyo ay matuto kang lumugar."

"Iyon na nga, Nay. Nakakahiya sa mga magulang ni Vince. Hindi ko man lang naisip noong una na marami pala akong dapat kaharapin bago makasal sa kanya at bago maka-pagtrabaho sa kompaniya nila." ani Dorsy.

"Wala ka nang choice. Pinili mo ang mag-pakasal sa kaniya kaya panindigan mo nalang." ani Nanay niya.

Tumango siya bilang kasagutan.Wala na talaga siyang ibang choice dahil pinili niya si Vince kaysa ang pumunta sa Taiwan.Kung ano man ang sasabihin ng mga magulang ni Vince sa kaniya mamaya ay kailangan niyang maging mahinaon at huwag kabahan.Natatakot kasi siya na baka mag-kamali siya sa harap ng mga ito at maging big deal pa.Nag-paalam siya sa kanyang nanay na mag-pahinga muna saglit sa kaniyang silid.

Napapikit si Dorsy.Napagod siya kaya naman nakaidlip siya ng halos isang oras.Pag-kagising ay agad siyang nag-hanap ng kanyang susuotin.Sa tagal niyang hindi nakakapag-suot ng dress ay tila naiilang na siyang mag-suot.Pakiramdam niya ay nasisikipan siya at naiilang na makita ang kanyang malulusog na dibdib.Maputi naman siya kaya no problem kahit na anong klase ng dress ang isuot niya.

Isang dark blue dress ang napili niya.Sexy ang dress na iyon na hanggang tuhod.V-shape ang dating sa may likod at kita ang makikinis niyang balikat kapag nakasuot na sa kanya.Pa-partner-an nalang niya ng sandal na may konting takong upang maging matangkad siya konti.Eksaktong pag-kaligo niya ay mag-alas singko na ng hapon.Nag-lagay siya ng light make-up.Inayos niya ang kanyang kilay at pink lipstick ang inilagay niya sa kanyang labi.Natuwa siya sa naging resulta.Inilugay lang niya ang kanyang hanggang balikat na buhok.

Mali ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon